chapter 17
➳ Rincè Yi "Rinz" Wang 19yrs.old
Rinz's POV
Narating ko ang lugar na mi-nessage sa akin ni Maessy. Medyo magubat ang lugar at hindi ko pa napupuntahan noon, maraming puno at hindi gaanong maraming bahay.
Nung nabasa ko ang mensahe ni Mess ay nagtaka na talaga ako kung bakit dito sa lugar na ito. Hinanap ko pa ito sa google map para matunton ang lugar na ito, at napagtanto kong malapit lang pala ito sa village ni Scarlet. Bandang harap ng village nila Scarlet na kailanman ay hindi ko pa natuntong.
Hininto ko ang kotse ko sa may poste kung saan may ilaw, natanaw ko sa di kalayuan ang isang taxi at lumabas ang isang babae na alam kong si Messy.
"Rinz.." tawag niya sa akin ng makalabas ako ng kotse. Lumapit muna siya sa akin bago sinilip ang paligid.
"What are we doing here?" Nagtatakang tanong ko, nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at alam kung may balita siyang hindi maganda bago nagsalita.
"I can't find Scarlet" malungkot na sagot niya na nagdagdag pa sa aking pagtataka.
"What do you mean you can't?"
Nang itanong ko iyon ay nagpakawala pa siya ng buntong hininga bago nagsalita, ikinuwento niya sa akin lahat nang nangyari simula nung nakita niya si Scar palabas ng library at sinundan hanggang sa nagkausap si Scar at lalaking hindi niya daw kilala.
"Hindi pa siya umuuwi, hindi pa alam nila Tita dahil nasa trabaho pa sila" dagdag niya matapos sabihin ang buong nangyari.
Hindi ako nakapagsalita, at imbis na magtanong pa tungkol kay Scarlet ay tiningnan ko ang paligid bago bumaling sa kaniya.
"Pero bakit mo ako dinala dito?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya na , ang kaninang nakayuko ay nakatingin na sa pinaka dulo kung saan naruon ang isang malaking puno katabi ng bangin.
"Dati kasi ay napansin kung lumabas si Scar kaya sinundan ko siya..." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"You mean—?"
"Habang nakasunod ako sa kaniya ay napansin ko nalang na nasa lugar na kami kung saan tayo ngayon, doon mismo sa puno na yun.." turo niya sa punong pinakatitigan niya kanina.
Maaaninag ang puno di malayo sa puwesto namin dahil sa sinag ng buwan na nagbibigay ng liwanag sa paligid.
"Doon siya mismo sa puno na iyun nakatayo, kung saan nadatnan ko siyang nakahandusay at wala ng malay..bago siya dinala sa hospital" malungkot na dagdag niya na ilang saglit lang din ay tutulo na ang mga namuong luha.
Malungkot kong nilibut at pinasadahan ng tingin ang lugar. Ito ang dating plasa noon pero naging tahimik na lugar na ngayon. Dito kami noon naglalarong magkaibigan. Nong bata palang kami, at ang lugar kung saan nasagasaan si Snow-ang kauna unahang aso ni Scarlet.
Nasa loob kami ng kotse ngayon dahil hindi kami puwedeng manatili sa labas dahil sa malamig na hangin. Namuo ang ilang minutong katahimikan bago ko napansin ang isang bagay.
"Kanina pa ba yang kotse na yan?" Tanong ko kay Messy na, nakatingin narin sa tinitingnan ko. Itim kasi ang kotse kaya hindi masiyadong mapapansin. Nakakapagtaka lang kasi na hindi man lang namin narinig ang tunog ng kotse.
"Hindi kaya kanina lang yan nandiyan?" Tama, marahil sa paguusap namin ni Messy ay hindi namin napansin ang kotse na iyon, posibleng naka parada na ang kotse na yan kanina bago paman kami dumating.
"Posible nga..." tanging sagot ko sa kaniya, nanatili sa kotse ang aking paningin. "Where are you going?" Tanong ko kay Messy nang isarado niya ang kotse. Nakatayo na siya sa labas ngayon.
Nang hindi niya ako pinansin ay lumabas narin ako para sundan siya.
"Hey! Mess.. what are you doing?" Habol ko pa sa kaniya nang hindi siya mahinto sa kalalakad palapit sa kotse na kaninang napansin namin.
Hindi parin siya nagpa awat kaya sumunod nalang ako sa kaniyang paglalakad palapit sa kotse. Tinted ang bintana, at kapansin pansin ang mga gasgas sa gilid ng kotse. Pamilyar ang kotse nato ah?
"Hindi ako puwedeng magkamali..." ani Mess na nahinto sa paglalakad at pinagmamasdan din ang kotse. "Kotse to ni Scarlet..." napatitig din ako sa kotse na nasa harapan namin ngayon. Tama siya, kotse ni Scarlet ito. Pero bakit ito nandito?
May kinuha si Messy sa kaniyang bulsa at lumapit pa sa kotse para buksan ang driver's seat. Napagtanto ko na binubuksan niya ang pinto at hindi na ako magtataka kung bakit may susi siya sa kotse ni Scarlet.
Nang mabuksan na niya ang pinto ay bumungad sa amin ang dim light sa loob ng kotse. Kinapa kapa ni Messy ang mga gamit pati narin ang passengers seat ay walang kung ano mang bagay akong nakita.
Nahinto ako sa pagmamasid sa kaniya ng mapansin kong may hawak siyang name tag at humarap sa akin.
"Scarlet Young...." ani niya habang minamasdan at binabasa ang nakasulat sa tag.
Sa hitsura palang ng name tag ay alam kong tag namin iyon sa aming uniporme. Alam kong ganun rin ang iniisp ni Messy.
"Nandito siya....." dagdag ni Mess, hindi na ako nagsalita pa bagkos tiningnan ko ang buong lugar.
Posibleng nandito si Scar, nandito pa siya.Nakita ko nalang si Messy na isinara ang pinto ng kotse at tumakbo palayo, hindi ko siya agad nasundan dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa puntong ito. Papalapit siya ngayon sa malaking puno. Sa aking pag aalala ay sinundan ko siya. Medyo madilim ang lugar dahil natatabunan ng maraming puno ang sinag ng buwan.
Nang makalapit na ako sa pinaka dulong puno ay napagtanto kong puno ito ng Acacia. Pambihira ang laki nito na hindi mahahalata sa malayo.
Nakatayo narin ngayon si Messy sa harapan ng puno, dahil sa malaking buwan na sentro sa punong ito ay madali kong naaninag ang mga bagay na nasa paligid ng kahoy na ito.
Kapansin pansin ang mga salitang naka ukit sa kahoy. Bago ako nakalapit ay naunahan na ako ni Messy. Inaaninag niya ang mga letra bago nagsalita.
"g h t o o n m i l v r e i r..." tanging narinig ko sa sinabi niya. Tiningnan ko rin ang binabasa niya na iniisa isa niyang sabihin ang bawat letra dahil hindi naman madaling basahin kung pag iisa isahin.
"What's that mean?" Takang tanong ko kay messy na nangunot ang noo at maya maya pa'y may kinuha sa bulsa.
Napagtanto ko na malinis na papel ang kinuha niya sa kaniyang bulsa. Tsaka niya ito tinapat sa kahoy.
"Anong meron sa papel nayan? Wala namang nakasulat ah?" Tanong ko pa, dahil totoo namang walang kung ano ang nakasulat sa papel na hawak niya ngayon.
"Takpan mo ako..." tiningnan ko siya ng sabihin niya yun, ano bang sinasabi niya? Nang hindi ako kumilos ay siya na mismo ang humila sa akin para takpan siya sa sinag ng buwan. Nakaharap ako ngayon sa kanya.
Nang matabunan ko na siya ay pinagtapat niya ulit ang kaninang papel sa nakaukit na letra sa puno.
Napanganga ako ng mapagtantong glow in the dark pala ang papael nayun. Kapansin pansin na magkapareho ang mga letra ang na sa papel at ang letrang naka ukit sa kahoy.
g h t o o n m i l v r e i r....
Ano ang ibig sabihin niyan?
Tumingala si Messy sa buwan at diretsong tumingin pababa sa balon kung saan nakakamamanghang meron palang ilog. Hindi halata na may ilog sa harap ng puno dahil sa lalim ng gabi.
"Moonlight River...."
Tanging salita na sinabi ni Messy habang pinagmasdan ang papel na hawak hawak.