chapter 18
➳ Kelly "ely" Miller 18yrs.old
Kelly's POV
Mabilis akong naglakad paakyat ng aking kwarto ,nasa bungad palang ako ng aking silid ay dali dali kong kinuha ang isa kung phone at di-nial ang number ni Aldrin.
"Hey, napatawag ka?" Malamyang sagot niya sa kabilang linya. Matapos ng ilang ring.
"Can you do me a favor?" Maayos na pagkakasabi ko, alam kong mahihimigan niya ang pagmamadali ko sa pagkakataong ito.
"Of course, what is it?" Walang pag dadalawang isip na sagot niya. Agad kong sinabi sa kaniya ang pabor ko bago ibinaba ang linya.
Pagkatapos kung mailagay ang iba kung gamit sa aking shoulder bag ay dumeretso ako sa banyo. Hindi ako nagtagal sa paglilinis ng aking katawan at agad na pumili ng masusuot na damit sa closet. Simple lang pinili ko, long sleeve checkered at fit jeans. Sinuot ko ang black boots tsaka isinukbit ang bag sa aking balikat.
Tsaka marahang naglakad palabas ng kwarto pababa ng hagdan."May pupuntahan ka hija?" Bungad na tanong sa akin ni manang ng madatnan niya ako sa sala na nagmamadali.
"Tell dad, matatagalan ako ng uwi... bye" Yun lang isinagot ko sa kaniya, humalik pa muna ako sa pisngi ni manang bago dumeretsong lumihis palabas.
Paglabas kung bahay ay nadatnan ko si Aldrin dala ang kotse ko, gaya ng sinabi ko bilang pabor. Maaasahan ko talaga si Aldrin at alam kung di niya ako bibiguin. Pinakuha ko kasi sa kaniya ang kotse ko sa club at ngayon ay nandito na siya. Nakasandal siya sa kotse habang naka pamulsa.
"May pupuntahan ka?" Tanong niya sa akin ng makalapit ako. Nanatili parin siyang nakatayo habang binibigyan ako ng daan patungo sa kotse.
"Yeah, Thank you..." Ginawaran ko siya ng smack kiss bago pumasok sa kotse, may duplicate key si Aldrin kaya madali lang niyang nakuha ang kotse ko sa club.
Sumilip siya sa nakabukas na bintana habang diretsong nakatigin sa akin. Hawak ko ang steering wheel at clutch sa kabilang kamay.
"What's on the rush love?" Natatawang aniya. Na nanatiling nasa kotse ang mga braso habang sumasandal.Tumingin muna ako sa kaniya bago nagsalita.
"Let's talk another time okay?...I really have to go" ngumiti muna ako bago siya tumayo ng maayos na dahan dahang umatras at nakapamulsang humarap sa akin.
"I'll wait for that.." tumango ako bago iminaubra ang sasakyan palayo. Medyo mabilis ang pagpapatakbo ko sa aking kotse habang titig na titig sa daan.
Magpapakuha lang daw si Aldrin sa driver niya kaya wala siyang problema. Mabilis magpatakbo ang kaniyang driver kaya maya maya rin ay darating na yun.
Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali pero parang may nagtutulak sa akin na puntahan ang lugar kung saan ko unang nakita ang lalaking nag mamay ari ng kahon. Nasa bag ko ang maliit na kahon at kailangan ko na iyong isauli.
Habang nagmamaneho ay kinuha ko ang maliit na kahon sa aking bag habang ang tingin ay nasa daan. Maliit lang na bag ang dala ko, kinalkal ko lang ang aking bag at maya maya rin ay nahawakan ko na ito.
Sa pagkakataong ito ay ngayon ko pa lang napansin na, sa harapan ng kahon ay may kung anong lock kung saan paglalagyan mo ng susi para mabuksan. Ganito ba talaga ka importante ang bagay na ito?
Sa kabila ng aking pag iisip ay hindi ko na namalayang narating ko na pala ang lugar. Nasa parking area ako ngayon at tanging kotse ko lang ang nakikita ko sa puwesto ko ngayon.
Agad kong kinuha ang aking bag at lumabas sa kotse habang hawak hawak parin ang kahon. Siniguro ko munang naka lock ang aking kotse bago nagsimulang naglakad. Malawak ang parking area ng club medyo nakakatakot ang paligid dahil hindi gaanong maliwanag at may mga sulok na nanabalutan ng dilim.
Sa aking paglalakad patungong club ay nahagip ng aking paningin ang isang kotse. Tanging nag iisang kotse, hindi ko ito nakita kanina dahil medyo malayo ang pinaradahan ko ng kotse sa puwesto na ito. Nasisiguro kong ang taong ito ay na sa club ngayon kaya namuo ang pag asa sa aking isipan.
Malapit ng mag gabi kaya mamaya rin ay dadagsain na ito ng maraming tao. Bente kwatro oras na nagbabantay ang guwardiya, kilala na ako ng nagbabantay kaya madali akong nakapasok.
Bumungad sa akin ang dim light at tahimik na silid ng makapasok ako, wala pa kasi ang banda na nagpapatugtog dahil medyo maaga pa naman. Sa paglilibot ng aking paningin ay nahinto ako sa isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa mataas na couch sa dulo ng club.
Nakatingin siya sa akin na naka patong ang isang paa sa kaniyang hita habang ang isang braso ay nasa sandalan ng couch. Ang isang kamay naman ay may hawak hawak na glass kung saan may red wine. Walang ibang tao sa loob bukod sa aming dalawa at ibang mga staff.
Alam kung siya yung lalaking nakausap ko nung isang gabi at ang lalaking naghatid sa akin na nagmamay ari ng kahon.
"I've waited for you all day...." pangunguna niya ng malapit na ako sa kaniyang puwesto habang pina iikot ang inumin at naruon ang mga tingin.
Alam kong hinihintay niya akong maisauli ko ang kahong hawak hawak ko ngayon.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya, bagkos naupo ako kaharap sa kaniyang inuupuan. "I came here to give it back" tanging sagot ko habang nilalahad sa kaniya ang aking kamay na may kahon.
Ngumisi pa muna siya bago tumingin sa akin, nakakainis ang pagiging sarcastiko niya. "I know....that's why you came" seryosong aniya na halatang nasisiguro niya talagang pupunta at pupunta ako rito.
Medyo nangangalay na ang aking braso dahil hindi parin niya ito inaabut. Magsasalita pa sana ako ng mag ring ang phone ko.
Naibaba ko ang hawak hawak na kahon at bahagyang inilapag ito sa aking hita upang makuha ko ang telepono na nag ring sa aking bag.
Nangunot ang noo ko ng matanaw ang pangalan ni Rinz. Pinindut ko ang kaniyang pangalan at tumambad ang kaniyang mensahe.
1 message received
From: Rinz
Where are you? Puntahan mo ako dito..
8:56pm
Bigla akong nagtaka ng mag ring pa ulit ang aking telepono, isa pang mensahe ni Rinz.
"What's wrong?" Tanong ng lalaking nasa harapan ko ngayon, sa mukha palang niya ay halatang nag aalala siya sa akin ng makita ang hitsura ko ng mabasa ang mensahe.
Umiling ako sa kaniya at ipinakita ang bagong mensaheng ipinadala ni Rinz. Hindi ko alam kung saang lugar ito kaya ipinakita ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Nangunot ang noo niya ng maitapat ko na ang phone para makita niya ng maayos ang nakapaloob sa mensahe.
"Bakit ka niya pinapa punta diyan?" Nagtatakang may pagka bigla ang nasabi niya ng mabasa ang mensahe.
"Why? Alam mo ba ang lugar na to?" Takang tanong ko sa kaniya, nang hindi siya sumagot at tanging kunot na noo ang nakita kong ekspresyon sa kaniyang mukha ay nababatid kong alam niya ang lugar na nakasulat sa phone ko ngayon.
"You can't—no one should go there..." nakayukong aniya, sumilay ang kaba sa aking dibdib ng marinig yun, hindi naman nakakatakot ang pagkakasabi niya ngunit may ibang pinahihiwatig ang katagang binitawan niya.
"What do you mean?!" Sobrang pagtataka na talaga ang namuo sa akin ngayon, ngunit wala siyang sagot kundi buntong hininga.
What does he mean with that?