Moon 19

15 1 0
                                    

                      chapter 19

Kelly "ely" Miller 18yrs.old

Kelly's POV

Nasa loob ako ng kotse ngayon kung saan minamaneho ng lalaking kausap ko kanina, hindi ko kasi alam ang pangalan niya kaya sa ngayon ay wala pa akong maitatawag sa kaniya. Kanina kasi ay binabalaan niya ako dahil sa lugar na pupuntahan namin pero ito siya ngayon at sinasamahan ako dala ang kotse niya.

"Bakit sila nagpunta run?" Tanong niya habang nagmamaneho, hindi daw kasi dapat pinupuntahan ang lugar na yun at hindi ko maintindihan kong bakit.

"Hindi ko alam okay? Rinz just texted me to go there...I really have no idea" seryosong sagot ko sa kaniya  na ngayo'y mabilis na iminaubra ang sasakyan.

Kanina pa kasi siya nagtataka kung bakit dun ako papupuntahin ng kapatid ko which is kilala daw niya. Lilihis na sana ako palabas kanina nang sabihin niyang sasama siya sa akin kaya eto ngayon at wala akong nagawa dahil hindi ko pa naman alam ang lugar na iyon. Hindi ko alam kung ano—bakit ako pinapapunta ni Rinz, bihira lang siyang mag text sa akin kaya alam kung importanteng bagay ito.

Pero bakit dun pa?

Ilang minutong pag ba-byahe namin ay naramdaman ko ang mabatong daan dahil sa pagyugyug ng sasakyan. Hindi na ako magtataka kung bakit alam niya ang lugar na ito.

Medyo ma puno ang lugar at wala masiyadong bahay lalo ang mga tao.
Batid kong ito na ang lugar na tinutukoy ni Rinz, malayo palang ay tanaw na tanaw ko na ang kaniyang sasakyan. At sa pagmamasid ko sa paligid ay may isa pa akong nahagilap na kotseng medyo malayo sa kotse ni Rinz.

Naramdaman ko nalang na huminto ang kotse bago siya humarap sa akin.

"Nasan daw sila?" Tanong niya pa matapos maiparada ang sasakyan, luminga linga din siya sa paligid na may pag aalala ang mga mata.

"I don't know...." kinuha ko ang phone ko sa aking bag at di-nial ang numero ni Rinz. "Shit! Ba't walang signal?" Tanong ko habang itinaas taas ang aking phone sa ere. Hindi ko kasi matawagan si Rinz dahil wala naman palang signal ang lugar na to.

Nakita kong kinalas niya ang seatbelt habang binubuksan ang pinto ng kotse.
Tatanungin ko pa sana siya pero nagsimula na siyang maglakad, sinukbit ko muna ang bag sa aking balikat bago lumabas sa kotse at sumunod sa kaniya.

"Wala pa bang signal?" Tanong niya ng makalapit ako sa kaniya na nakapamewang na nagmamasid masid sa paligid. Umiling ako bilang tugon.

Ilang saglit pa'y kinuha niya ang kaniyang phone at may pinindut bago nangunot ang kaniyang noo, napagtanto ko na nag da-dial pala siya pero wala ring signal kaya ibinalik niya ang kaniyang telepono sa bulsa.

Kahit walang ilaw ang bawat kanto ng kalsada ay maaaninag parin ang paligid dahil sa sinag ng buwan. Nakakamangha na sa lugar na ito ay sentrong sentro ang buwan sa kadiliman ng gabi.

Nakasandal ako ngayon sa harap ng kotse habang naghihintay ng signal. Naiangat ko ang aking tingin ng magsalita siya.

"The moon has revealed..." tanging nasabi niya na nakatingin sa buwan. Tumingala din ako dahil titig na titig talaga siya sa buwan. Hindi ko alam kong iba ang ibig niyang sabihin sa kaniyang binitawang salita pero para sa akin ay maganda ang buwan sa gabing ito.

Sa aking ka tititig sa buwan ay napansin ko ang malaking puno di masiyadong malayo sa kinatatayuan namin. Nakakamangha ang puno dahil sa laki nito at naka sentro pa sa buwan.

"Come with me..." nahinto ako sa katitig, ng hilain niya ako. Mahigoig ang pagkakahawak niya sa aking kamay kaya hindi ako makakalas. Sa tingin ko ay patungo kami ngayon sa puno na kanina ko pang tiningnan.

Nang makalapit na kami ay dun ko pa nakita ang kabuuan ng puno, maraming mga malalaking sanga at nakakamangha dahil sa laki nito.
Sa aming paglalakad ay napagtanto ko nalang na may tao ring naruon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Rinz at si Mess roon.

What are they doing here?

"They're here..." ani ng lalaking humila sa akin papunta rito sa malaking puno kung saan medyo maliwanang dahil malapit sa buwan. At ngayon ko pa lang napansin ang ilog sa bangin.

Napatingin sa aming gawi sila Rinz na may pagtataka habang nakatingin sa aking kasama. Magpapaliwanag na sana ako ng maunahan ako ni Rinz.

"What takes you so long?" Nagulat ako sa sinabi niya dahil ang akala ko ay papagalitan niya ako pero nagkamali ako. Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang nakakapansing hawak ni Mess na papel.

"A—Axel?" Takang tanong ni Mess nang lumingun siya sa akin habang nakatingin sa lalaking kasama ko.

Magkakakilala sila?

Sa tingin palang ni Rinz ay alam kong kilala nila ang kasama ko ngayon samantalang ako ay walang ka alam alam. Hindi sumagot si Axel kamo sabi ni Mess bagkos tumango ito sa dalawa.

"Hindi ko alam ang lugar na ito kaya mabuti nalang at sinamahan niya ako" turo ko sa lalaking nakatayo sa aking likuran habang nakapamulsang nakatingin sa dalawa.

Lumingun ako sa aking likuran at nakitang titig na titig siya sa hawak ni Rinz na susi. "Where did you get that?" Takang tanong ni Axel kay Rinz.

Napagtanto naman ni Rinz ang hawak niyang maliit na susi ang pinahihiwatig ni Axel kaya itinaas niya ito para makita naming lahat. Pamilyar ang susi, dahil pendant siya na nakakabit sa kuwentas.

"We got it here..." turo ni Rinz sa nakaukit na letra sa puno. Nakakapagtaka na may letra palang nakaukit pero hindi mo agad mapapansin dahil hindi naman halata.

Sumilay ang pagtataka at pagkamangha ni Axel matapos sabihin iyon ni Rinz. Lumapit siya at pinasadahan ng tingin ang susi na hawak na niya ngayon.

"Give me the box" ani Axel na nilahad sa akin ang kaniyang kamay. Umangat pang bahagya ang aking kilay dahil medyo nag loading ako at hindi makapaniwala kung ani ba talaga ang nangyayari.

"Hey, hand me the box.." pag uulit niya, na sa puntong ito ay rumehestro sa aking isipan ang maliit na box sa aking bag kaya dali-dali ko itong kinuha at inabut sa kaniya.

Pinanood namin siya kung paano niyang ipinasok ang susi sa lock ng maliit na kahon. Nang maipasok na ang susi ay nakakamanghang, ang crescent moon na logo ay umilaw at maya maya'y ang maliit na kahon ay bumukas.

Kitang kita namin kung paano niya kinuha ang bagay na nasa loob ng kahon at napagtanto naming isa iyong papel.

Dahan dahan niya itong binuklat at tumambad ang sulat sa papel. Tumingin pa muna si Axel sa gawi namin bago basahin ang nakasulat.

"Once the moonlight reveals, its precious will be lost..." 

Nangunot ang noo ko ng marinig ang binasa ni Axel.

What's that mean?

SELENOPHILE |completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon