chapter 14
➳ Kelly "ely" Miller 18yrs.old
Kelly's POV
Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko at agad na kinuha ang aking telepono. Di-nial ko ang number na nasa unahan ng contacts.
"Aldrin..." pangunguna ko ng sagutin niya ang tawag ko.
"Hey love..." bati niya na rinig na rinig ang buntong hininga sa kabilang linya.
"Did you drive me home last night?"diretsahang tanong ko para makasiguro.
Narinig ko pa muna siyang tumawa bago nagsalita. "Haha no... hinila ka palabas ng kuya mo and after that hindi na kita nakita" nahinto ako sa sinabi niya. At alam kung nagsasabi siya ng totoo.
Nauna ring umuwi si Kyle that night...
So sino ang naghatid sakin kagabi?"Hey, why did you ask?"nagtatakang tanong niya ng hindi ako nakasagot. Umiling muna ako kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita.
"Ah—nothing, Im just asking Ald" nauutal na sagot ko, may kung ano kasing kaba ang nararamdaman ko.
No...hindi ito tama'
"Lalapitan na sana kita kagabi ng napansin kung may kausap ka...kaya di na ako nag abala pa" dagdag pa niya na seryosong nagpapaliwanag, ang kaninang kaba ay napalitan na ngayon ng pagtataka.
Hindi ko na siya sinagot pa at ibinaba ko na ang linya. Sapo sapo ko ngayon ang aking noo, alam kung yun ang bagay na bumabagabag sa aking isipan ngayon. Bagay na ikinalito ko ng sobra.
Nanatili akong nakaupo sa kama habang nag iisip at pilit inaalala ang kaganapan kagabi.
Should I ask Rinz? Baka may maitutulong siya.
No' no' Ely kasasabi lang niya na wala siyang alam.
Umiling ako ng umiling at iwinaksi ang mga katagang naisip ko. Humiga ako sa kama para ipagpahinga ang aking utak habang nakatingala sa kisame.
Sa kabila ng aking malalim na pag iisip ay bigla kong naalala ang box na pupuntahan kona sana rito pero naudlot dahil kay manang.
Dali-dali akong bumangun at dumeretso sa banyo. Sinilip silip ko ang ilalim ng lababo pati ang washing pero wala akong box na nakita.
Nang tumayo ako ay kapansin pansin na nasa ayos na ang aking silid at halatang ka lilinis lang. Sumilip ako sa shower area pero tanging tubig lang na naiwan sa sahig ang nakita ko.
Nasaan na ba yun?
Nahinto ako sa kaiisip ng nasisiguro kong walang ibang naglilinis ng aking silid kundi si manang. Nagmamadali akong lumabas sa kwarto at dumeretso sa baba patungong kusina. Naabutan ko si manang na naghihiwa ng mga gulay gulay sa kitchen island.
"Ouh, ba't pawis na pawis ka ata?"
Agad na tanong niya ng makalapit ako sa kaniya.Hingal hingal akong lumapit sa ref at nagsalin ng tubig.
"Did you notice something in my room manang?" Tanong ko habang binabalik ang pitsel sa ref. Tumango naman si manang na nagbigay pag asa sa akin.
"Maraming kalat at dumi..."tanging sagot niya na iki na kunot ng noo ko. "Yun ang napansin ko sa kwarto mo" dagdag pa niya na nakatingin na sa akin ngayon.
Tinaasan ko naman siya ng kilay, na pinagtaka niya. "Bakit may hinahanap ka?" Tanong ni manang ng mapagtantong iba ang ibig kung pinapahiwatig.
Tumango ako bilang tugon. "I was looking in the comfort room but there's nothing" tsaka ako nagsalita.
"Ahh... yung box ba kamo?" Nagliwanang ang mukha ko sa sinabi niya, lumapit pa ako sa kaniya para mas marinig siya ng maayos. "Panglalaki kasi ang hitsura, alam ko naman na hindi iyon sa iyo kaya binigay ko kay Rinz..." mahabang paliwanang niya.
Dahil sa sinabi niya ay nahampas ko ang kamay ko sa lamesa. Umawang ang labi ko dahil naramdaman ko ang sakit nito.
"Why did you do that manang?" Naiinis na tugon ko, nangunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko na ikinagulat niya.
"Malay ko ba naman kasing sa iyo iyon Ely..." nauubusang pasensyang ani manang. "Puntahan mo nalang ang kuya mo sa taas kesas nanggugulat ka pa sa pag hampas hampas mo diyan" dagdag niya na ngayo'y ipinagpatuloy na ang paghihiwa ng mga sangkap na, nahinto pala ng akoy kinausap.
Hindi ko na siya sinagot kaya lumihis ako sa taas papuntang kwarto ni Rinz.
Malakas kung kinatok ang pinto ng ilang beses bago niya naisipang pagbuksan."What the hell is wrong with you Ely!" Singhal ni Rinz ng makita ako sa labas ng pinto, habang nakakunit ang mga noo.
Inilahad ko ang kanan kong kamay sa harapan niya, "give it to me..." habang ang kaliwa naman ay inilagay ko sa bewang. Nakapamewang akong kaharap siya ngayon.
"Give you, what!?" Naka angat ang isang kilay na tanong niya. Tila nagtataka sa inasta ko.
"Give me the box, Rinz! And I don't have time to argue with you right now!"
Umawang ang itaas na labi niya sa sinabi ko bago nagsalita. "What the hell is that box is?" Nang marehistro sa kaniyang isapian ang ibig kong ipihiwatig ay ngumisi siya.
"Don't you dare to make fun of me Rinz...hindi ka nakakatuwa"
"Why would I give it to you? It's not yours anyway..." nakangisi siyang sumandal sa pinto tila nang iinis.
"That's why I'm asking for it, so I can return that thing to the owner Rinz!" Hindi na ako nagpigil pa ng inis. Nakaka asar siya lalo na't alam kong inaasar niya ako. At hindi ngayon ang tamang panahon para makipag asaran sa kaniya. "Give it now Rinz..." nauubusan ng pasensyang ani ako.
Umayos siya sa tayo at iniwang nakabukas ang pintuan bago siya lumihis sa kama at marahang humiga habang ipinatong ang ulo sa kanang kamay na nakatingin sa akin.
Wala akong pinalagpasang segundo at agarang pumasok. Dumeretso ako sa cabinet niya at sinunod ang side table pero lintik na't wala akong nakita. Kinalkal ko pa ang couch pero wala talagang lintik na box ang nagpakita.
Huminto ako, habol habol ang hininga."So, you find it?" Sarkastikong tanong ni Rinz na nanatili sa posisyon.
"Isn't it obvious?" Pinakita ko sa kaniya ang kamay kung walang laman habang nakapamewang na humarap sa kaniya.
"Bakit mo kasi dito hinahanap.... wla naman yun dito" nahinto ako sa aking puwesto at nagpipigigil na talagang masapak ang lalaking kaharap ko ngayon na ngising ngisi.
Tinaasan ko siya ng kilay habang hinihintay ang karugrugtung ng sasabihin niya. Nang makuha niya ang ibig kung ipinahihiwatig ay tsaka pa siya nagpatuloy.
"Ibinalik ko sa kwarto mo, dahil alam ko namang yun ang hinahanap mo"
Dagdag niya.Bwisit!