chapter 7
➳Maessymin "Mess" Gobeul 18yrs.oldMaessy's POV
"Scar, tara na.."
Anyaya ko sa kaniya para kumain ng lunch."Saglit lang, malapit na"
Sagot niya na nasa ginagawa parin ang atensyun.Marami kasi siyang hahabuling gawain nung panahong na hospital siya.
"Marami pa ba yan?"
Lumapit ako sa kaniya at bahagyang sinilip ang kaniyang ginagawa.
"Sabay daw tayong kakain mamaya""Sino? Sila Kely ba kamo?
Tanong niya na nasa akin na ang tingin. Inangatan ko siya ng kilay dahil naninibago ako sa tawag niya kay Ely.
"Wuyy!" Pag uulit niya...Sa bagay wala pa naman talaga siyang masiyadong matandaan...
"Ah, oo sila Rinz.."
Agad na sagot ko ng mabalik ako sa huwisyo.Tumango pa siya na animo'y ina alala ang mga mukha nila.
"Tara, tapos na ako eh"
Iniligpit niya ang kaniyang mga gamit sa locker at naunang lumakad palabas, agad ko naman siyang sinundan.Kababalik lang kasi ni Ely galing states kaya panay anyaya niyang sabay kumain at mag snack. May pagka maldita siya sa unang impresyon pero pag nakilala mo na talaga kung sino siya ay masasabi mong hindi tugma ang hitsura niya sa kaniyang ugali.
Matagal na namin silang kaibigan sila Rinz, elementarya palang kami ay malapit na sa amin ang dalawa.
Nang makarating kami sa canteen ay agad na kumaway sa'min si Ely.
"Sorry natagalan lang"
Ani Scar ng makalapit kami sa table.Nakaupo na si Rinz na nasa cellphone ang tingin. Habang ito namang si Ely ay panay ngisi na animo'y gustong gusto kaming makasama
Sabagay hindi ko siya masisisi dahil pati ako ay namiss aiya ng sobra.
"No... its okay, nakapag order naman na ako. Your favorite Scar"
Masaya niyang iminuwestra ang pagkain kay Scar. "And I'm sure you will loveee it!" Dagdag pa nito na nag ha hand sign pa."Ely will you please minimize your voice?"
Reklamo ni Rinz nito na naririndi sa tinig ng babae. Malakas nga kasi talaga ang boses nito, animo'y sa kaniya ang buong espasyo ng canteen."Psssh, whatever Rinz, you can go total hindi naman kita isinama ah"
Pinagtaasan niya ng kilay ang lalaki."I'm not here to eat,nor to talk with you...." pinasadahan pa niya ng tingin si Ely tsaka muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
"Ang rami mo naman atang in-order Ely?" Pampuputol ko sa alitan ng dalawa. Alam ko kasing walang hunpay ang pag babangisan nila kaya inunahan ko na.
"Yes, good for us three..."
Itinoro-toro pa niya kami tsaka nag angat ng tingin kay Rinz, habang ang lalaki naman ay tutuk na tutuk sa ginagawa."Chopsticks lang ang gagamitin natin?" Tanong ni Scar ng makitang walang kutsara o tinidor sa hapag.
"Yes...but I can get a fork and spoon for you" aaksiyong tatayo na sana si Ely pero pinigilan siya nito.
"No.. ako na Ely"
Ngising dagdag ni Scar, kaya bumalik nalang si Ely sa kaniyang kinauupuan.Agad naman na tumayo si Scar para kukuha ng gagamitin niya. Hindi kasi siya sanay sa mga chopsticks simula nong mag high school kami kaya hindi iyon alam ni Ely.
"Di ba mahilig siyang mag chopstick?" Takang tanong ni Ely sa'kin ng makalayo ang kaibigan.
"Marami na kasing nag bago ng tumuntong tayo ng high school"
Paliwanang ko sa kaniya na ikinatango nito."Nasa states ka kaya marami ka nang walang alam sa mga bagay na hilig niya ngayon" singit naman ni Rinz, ang akala ko ay magbabangasan na naman sila pero seryosong nakinig si Ely sa kaniya.
"Sa bagay.... people's change naman diba? Hihi"
Ngising ani Ely."Tanging ikaw lang naman ang hindi nag bago, isip bata parin" sarkastikong ani Rinz na ikina inis ng babae.
"Hey! Kanina ka pa ah!"
Tumayo siya na aaktong hahampasin ang lalaki na ngayo'y walang kibo at ngising ngisi.Imbis na awatin mo ang dalawa ay matatawa ka nalang sa mga gingawa nila isang asar at isang nang aasar.
Sa panonood ko sa kanila ay hindi ko na napansing hindi pa pala naka balik si Scar.
"Kumain na kayo at pupuntahan ko lang si Scar" tumango sila bilang tugon at agad kong tinahak ang pinuntahan ni Scar.
Nang marating ko ang untensil area ay wala akong Scar na nakita. Bagkos isang lalaking pamilyar ang nakita ko. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang kaharap niya.
"Are you okay?" Agad na tanong ng lalaki sa kaharap.
Wala siyang nahitang tugon kaya dumeretso ako sa paglalakad para makita ang kaharap nito.
Non ko lang din napagtanto na ang kaibigan ko ang kaharap niya. Titig na titig si Scar sa hawak na kutsara't tinidor na nasa baba ang tingin. Habang ang lalaki ay diretsong nakatingin sa kaniya at may kung ano kung maka titig.
"Scar, what happened?" Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya.
Hindi niya ako narinig kaya tinawag ko pa siya ng ilang beses tsaka palang siya nabalik sa ulirat.
"Ah-ah Mess, nagugutom na ako. Tara na.." biglang nauutal na ani niya tsaka naunang naglakad palabas ng utensil area.
Tumango pa muna ako sa kaharap niya na lalaki bago ko tinahak ang daan pabalik.
Hindi ko na pa pinansin ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad, natanaw kong nakaupo na si Scar at kumakain na kasama si Ely-wait asan na si Rinz?
"Here... kain ka din ng marami Mess" naglahad ng pagkain si Ely sakin habang ako panay silip sa lugar.
Asan ba si Rinz?
"Oww,si Rinz ba hinahanap mo? Sumunod siya sayo nung sinundan mo si Scar. Hindi mo ba nakita?" Dagdag niya na animo'y nababasa ang iniisip ko.
Hindi ko siya napansin ah?...
Nagsimula na kaming kumain at panay kuwento ang ginawa ni Ely sa kung ano ang mga ginagawa niya don. Hindi daw siya nasiyahan. Pero kung makapagkuwento ay abut tenga ang ngiti, napansin kung nanahimik lang si Scar at mukhang may malalim na iniisip.
Agad din kaming lumabas sa canteen dahil malapit nading magsimula ang afternoon class namin. Iba ang building ni Ely kaya nag pa alam na muna kami sa kaniya bago pumunta sa aming klase..
To be continued