Pinili ko nalang maglibot sa campus. Hindi nagtagal nagsidatingan na ang ilang mga estudyante. Dapat pala hindi ako dito sa front gate umupo; nagmukha tuloy akong excited na freshmen. Yung iba sa kanila, may hawak din na sched form at sinuri ang buong campus. May ilan sa kanila na lumapit.
"Ma'am! Saan po yung CMT?" Sabay turo sa sched form.
"Ahh... nandoon sa may bandang likod ng building na 'to." Sabay turo ko naman sa kanya. Nakakalambot naman ng puso itong si ate! Ma'am agad tawag niya sakin—pahiwatig ng soon-to-be teacher!
Yung iba pumasok na may kasamang mga kaibigan. Halatang galing sa bakasyon yung iba, or sadyang namuti dahil nag taong-bahay nalang sila.
"Uyy! Besh! Nakita ko nag Bora kayo ah!"
"Wala yun baks! Ikaw nga nakita ko nag hiking eh."
"Oo bess, sumigaw ako doon nang napakalakas!"
"Ano sinigaw mo? Kakalimutan mo na siya? Hahahaha!"
"Kinailangan ko besh eh bakit ba?! Hahahaha"
"Uy pare, chong. Nakita mo yung bagong MV ng THRICE?"
"OO TOL PARE CHONG WASSUP MY MAHN. Ang ganda pare! LIKE...YAH."
"Hay nako. Sana naman wag na siya yung prof natin this sem."
"Ano ka ba! Siya ang may handle ng World Lit!"
"Hala p&%*#*()@! MAGDADROP NA MUNA AKO! BABAGSAK AKO!"
"Ano iiwan mo ako dun?!"
"Excuse me po..."
"Kuya! Kuya! Saan po yung..."
"Anong building yung College of..."
Nakaka-overwhelm ang grupo-grupo ng mga estudyante; lahat maka-categorize mo kung old student sa new student.
"NEW STUDENTS?! NEW STUDENTS!! NEW STUDENTS!!"
"Hala!" Napalingon ako bigla nang may sampung estudyante ang nakahilera sa likod ko—bawat isa may checkered na bandana sa kanilang kanang braso at isa pang bandana sa kaliwa. Napalingon ako sa entrance at nakita na ang ibang mga seniors eh inuudyok kami na lumapit.
"Good morning and WELCOME to Crescendo University!" Pumalakpak at kumaway ang mga nakabandang estudyante—akala mo employee sila ng isang supermarket.
"Kami ang mga student heads ng bawat colleges. Starting from:"
"Liberal Arts!" May mga hawak silang libro at kulay green na bandana.
"Archicture and Fine Arts!" Sila naman may hawak na T-Square at mga blueprints, with blue bandana.
"Music and Theories!" May hawak naman silang mga instrumento na hindi ako pamilyar, at kulay white na bandana.
"Ah!" Nagulat ako nung nagkatinginan kami nung babae na may gold na buhok. Ngumiti lang din naman siya pero nahiya parin ako. Mukhang siya yung pinaka-senior ng CMT...
"College of HU-MA-NITIES!!!" Grabe ang sigaw nung head senior nila, na may hawak na basketball. Sinubukan naman nung kasama niyang babae na maging ecstatic din.
"...and College of Education!" Sigaw ng babae. Napansin ko na iba yung uniform nila... kulay grey na parang pang Chinese ang dating. Sila siguro yung tinuturing na student teachers!
Napansin ko na yung babae lang yung nag-effort mag introduce.
"Eek!" Pagtingin ko sa senior head, umiinom pala siya ng kape, at nagkatinginan din kami. Nagpalakpakan naman yung mga seniors sa tabi namin kaya napapalakpak narin kaming mga freshies.
BINABASA MO ANG
Pinky Swear [COMPLETE]
Lãng mạnHanggang kailan mo kayang panghawakan ang isang pangako? Isang Filipino Major freshman sa isang tanyag na unibersidad, tuwang-tuwa si Lorelei Alasio sa kanyang panibagong buhay bilang isang kolehiyana--buong tinatalikuran ang lahat ng masasamang ala...