Opus No. 31 - Ang Sikretong Mayroon Tayo: Ang Itinagong Pahina

5 1 0
                                    

Nasaan na ako? Nararamdaman ko ang malambot na kama ko, pero nakasuot parin ako ng uniform...? Nasa bahay na ako? Anong ginagawa ko dito...?

'Okay lang po kami tita...' Jeanne? Nandito ka sa bahay?

'Ano bang nangyari sa anak ko...?' Nanay? Please...wag ka po mag-alala. Okay lang ako...

'Umalis siya...?' Narinig ko naman ang boses ni papa.

'He never said anything to us...' Lee? Nandito ka din? Anong ginagawa niyo dito? Nakita ko ng bahagya ang pagkumpas ng kamay ni Lee habang kausap niya ang mga magulang ko. Oo nga...nasa kwarto nga kami. Nakita ko na yumakap si mama kay papa, at niyakap niya si mama nang napaiyak siya.

Gusto kong gumising...gumising para sabihin sa kanila na wag nang umiyak. Pero nawalan nalang ako ng malay at unti-unti akong nahulog sa pagtulog.

Nanaginip ako. Nakita ko na hawak kamay ko ang isang lalake, pagkatapos ay inakbayan niya ako. Dante...? Ikaw ba 'yan? Nakita ko na may hawak akong plastic na may fast-food. Parang pamilyar sa akin 'to? May nilalapitan kaming grupo ng mga kababaihan...Jeanne? Camille? Mickey? Kayo ba 'yan?

'Hindi...' Nang lumapit na kami sa grupong 'yon, doon ko nakita ang pamilyar na mukha ng mga babae sa harap ko. Sila...lahat sila. Tinawag nila akong friend...bakit kayo nandito? Tinatawanan nila ako...kagaya nung dati. Nakarinig ako ng tawa mula sa kabilang side, at may inaakbayan pang isang babae ang lalakeng nakaakbay sa akin. Ikaw? Bakit ikaw? Unti-unti akong tumingala para makita ang lalaking umaakbay sa aming dalawa. At doon, namuo ang takot at kaba sa puso ko, na para bang kumukulong tubig na tumatagas mula sa kaldero.

'Lumayo kayo sakin!' Sumigaw ako at itinulak ang lalaking 'yon, pero pagkatulak ko, nahulog ako mula sa sahig at sa butas na madilim na para bang walang katapusan.

"Ah!" Nagising na ako. Nandito na ulit ako sa kwarto, pero nakabihis na ako ng pambahay ko. Tumingin ako sa pang ibaba ko at nakita na nakashorts ako. "Nakashorts ako...bakit? Anong oras na ba?" Paglingon ko sa bed counter ko, nakita ko ang isang itim na ulo na mahimbing na natutulog. Inangat ko ang kumot ko, at nakita si Camille na mahimbing na natutulog, yakap-yakap ang paborito kong unan habang tumutulo pa ang laway niya.

Hindi ko na siya ginising, at umupo ako sa kama habang niyayakap ko ang binti ko. Naalala ko na ulit ang mga nangyari—nag-away kami ni Dante, umamin siya sa akin pero ipinagtabuyan ko siya. Hindi ko na maialis sa isipan ko ang imahe na nakatingin siya sa akin, nalilito at nasasaktan. Ilang araw siyang hindi pumasok at tuluyan na pala siyang nag drop out...at tinanggap ang offer ng Julliard.

"Wala ka na nga talaga...Dante." Bigkas ko at niyakap ko pa lalo ang binti ko.

"Hmngh..." biglang gumalaw si Camille at nag-unat, sabay dumilat ng dahan-dahan. "Uy...bessy...gising ka na pala."

Tinitigan ko ng maigi si Camille at pinindot ang pisngi niya.

"B-bakit bessy?"

"Wala. Sinisiguro ko lang na hindi ako nananaginip. Bakit ka dito natulog?" Tanong ko sa kanya.

"Gabi na kasi kaya pinatuloy na ako ng parents mo." Sagot ni Camille. "Wag ka mag-alala, nagpaalam naman ako sa lolo at lola ko. Pangiti niyang sagot sa akin. Umupo na siya sa tabi ko at niyakap ako, lumulubog ako sa yakap niya. Niyakap ko rin siya, pero hindi ko na magawang maglabas pa ng luha.

"Sila Jeanne...at Lee? Naalala ko nandito din sila." Tanong ko sa kanya.

"Tinulungan ako nilang dalawa na dalhin ka dito. Hindi ko na pinasama si Anthony, Cavite pa kasi siya." Nang sabihin ni Camille 'yon, kinuha ko yung wallet ko sa may side cabinet. "H-Hala! Okay na bessy! Hindi na kailangan!" Itinago ko na ulit ang wallet. Naalala ko bigla ang parents ko. "Okay ka na ba, bessy?"

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon