"Maari pong huwag tayong lumagpas sa yellow line; paparating na po ang tren."
Dumaan ang tren ng LRT-2 sa harap ng napakarami at nagkukumpulan na mga pasahero. Humawak ako ng mahigpit sa aking bag habang hinawi ng malakas na hangin ang buhok ko sa pagdating ng tren, at sa pagbukas ng pinto eh dahang-dahang pumasok sa tren—nagiging masinop na wala sana akong mabangga. Hindi naiwasan yung iba na nakisiksik talaga. 'Filipino mentality' sabi ko sa isipan ko. Hindi na nagbago yan.
Sa may pintuan ako napwesto; tutal sa Mendiola pa naman ako bababa. Nakita ko sarili ko sa salamin—nasinagan ng araw ang dark-brown kong buhok na maikli. Maayos naman ang makeup ko kahit papaano at napangiti ako; mabuti naman at nakisabay ang makeup ko. Napasingkit lalo ang mga mata ko nang nasinagan na ako ng araw mismo. Doon ko napansin na medyo hindi pantay pa kilay ko... well... wala na akong magagawa. Mamaya ko nalang ayusin siguro.
"Paparating na sa Emerald Station. Paparating na sa Emerald Station"
Bago pa magsiksikan dito, inayos ko na ang grey kong uniform. Nilabas ko pa ang pamaypay ko, maingat na hindi masira ng sling ng bag ko ang nakathree-fourths kong sleeves. Dinouble-check ko ang clip sa dark-blue kong palda kung matatanggal ba o hindi. Kumapit na ako sa katabi kong bakal, para hindi masira itong itim kong heel shoes.
"Haah...." Napahinga ako ng malalim at napakapit ng husto.
"TING!"
Sa oras na nagbukas ang pinto matapos ang tunog nito, nagsipasok na ang kumpol ng mga tao. May mga empleyado na kagaya ko, mga magulang na hatak-hatak ang mga anak nila, mga kalalakihan na pagkatodo-todo ang pagkabalot sa mga gamit nila, at mga estudyante—iba't ibang uniform at may kanya-kanyang mundo.
Sa pagdaos ng tren, hindi ko mapigilang obserbahan ang mga estudyante; palibhasa dahil ito sa trabaho ko. Yung iba nagrereview't tutok na tutok sa napakalaki nilang mga libro. Matatakot ka nalang na huwag silang guluhin at baka ihampas nila ito sayo. May mga naka-earphones at pachill-chill lang; mga tugtugan na napakalakas, naimagine ko na may malaki silang stereo na nakaduct-tape sa buong ulo nila't nakatapat sa tenga nila. May mga magtotropa na kanya-kanyang daldalan.
Ngayon na napapansin ko sila, naalala ko nung kasing edad ko sila. Nung nakauniform din ako't sumasakay sa tren na 'to noong Santolan palang ang unang istasyon ng LRT-2.
Naalala ko yung unang araw na iyon... ang araw na una ko siyang nakilala.
*****
Sobrang excited ako na nagising. Three 'o clock palang ng umaga eh gising na gising na ako na para bang hindi ako natulog. Kumain na ako ng scrambled egg at nagtimpla ng Mila pampadagdag good vibes sa umagang 'to. Hindi ko pa napigilan ang sarili ko't sinuot ko na ang uniform ko; white long sleeves, black tie and jet black skirt.
"Ang cute talaga...." Sabi ko habang umiikot para icheck kung may sira ba or may hindi bumabagay sa'kin.
"STEP...STEP..STEP.STEP" Narinig ko kaagad na may paakyat papunta dito sa kwarto ko't kaya madalian akong humiga at nagtago sa kumot—suot-suot pa 'tong uniform ko na ingat na ingat kong plinantsa. Binuksan ng nanay ko ang pinto at sumakto ang ilaw mula sa labas sa mukha ko. Tinry ko yung best ko na magmukhang bagong gising at nag unat.
"Oh! Gising na Lei. First day mo ngayon baka malate ka dahil sa biyahe." Iniwan na niyang bukas ang pinto. "Bangon na diyan at Lunes ngayon." Sinabi niya habang siya'y pababa ng hagdan. Agad naman akong bumangon at pinagpag ang damit ko. Hinubad ko narin agad nang hindi mag-amoy bagong gising. Kinuha ko ang lalagyan ko ng toiletries at naghanda nang lumabas. Sa pagbukas ko ng pinto, nasilawan ang isang kulay green na I.D lace na nakasabit sa gilid ng pinto ko.
BINABASA MO ANG
Pinky Swear [COMPLETE]
RomanceHanggang kailan mo kayang panghawakan ang isang pangako? Isang Filipino Major freshman sa isang tanyag na unibersidad, tuwang-tuwa si Lorelei Alasio sa kanyang panibagong buhay bilang isang kolehiyana--buong tinatalikuran ang lahat ng masasamang ala...