Opus No. 27 - Ang Sikretong Mayroon Tayo: Sharp

3 0 0
                                    

"It's been ten years, hasn't it?" Dagdag ni Mr. Grimaldi. "You've grown into a fine young man."

"U-uhm..." Umalis ako sa likuran ni Dante. Sana wag bumaluktot ang dila ko ngayon. "Why...why aren't you with the winner of competition, Freya Savonarola?"

"Ah! My apologies. My name is John Garrick Grimaldi. I am a professor at Julliard. And you are Dante's...girlfriend I asumme?"

Napahawak ako muli sa braso ni Dante. Natakot ako sa kanya, hindi dahil sa itsura niya, pero natakot ako na makipag-usap pa at baka maubusan ako ng ingles.

"Just answer the damn question." Nagalit na si Dante.

"Dante..." Kinabig ko ang balikat niya at nawala ang galit sa itsura niya.

"I'm just here to talk with you. After all, it's been a long time! However...this doesn't seem to be the most...auspicious of locations. If you may?" Tumuro siya sa parking lot sa tabi at nakita namin ang itim na kotse. Binuksan ng lalaking nakashades na black at itim din na suit ang pinto. "I promise you this won't take long, and we will escort you back to his home as soon as possible."

Huminga ng malalim si Dante. Tumingin siya sa akin at ngumiti, kahit na puno ng pag-aalala ang mga mata niya.

"Pasensya na Lorelei, okay lang ba na mauna ka na umuwi?" Tanong niya sa akin. Ngumiti siya ulit at tumingin kay Mr. Grimaldi.

Inudyukan ng puso ko ang kamay ko para hawakan ang uniporme niya para pigilan siya.

"Wait. Sasama ako." Sagot ko sa kanya, habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Ano? Bakit ka sasa—" Pinutol ko ang sagot niya at tumingin sa dayuhan.

"I'm coming with him." Tugon ko sa dayuhan. Nagulat siya sa akin, at sana hindi siya natakot sa boses ko. Tumango siya sa pagsagot.

"If that's the case, then by all means." Sagot ni Mr. Grimaldi. Naglakad siya patungo sa kotse. Pinigilan ako bigla ni Dante.

"Lorelei, anong ginagawa mo?" Tanong niya. "Bakit mo gustong sumama?"

"Kailangan ba may dahilan ako?"

"Wala kang kinalaman dito Lorelei. Ako lang ang may concern—"

"May concern din ako Dante. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasama ako dahil gusto ko." Maimtim na sagot ko sa kanya. "Please...Dante."

Huminga muli siya ng malalim, napapikit at hindi makapaniwala.

"Sige. Wag kang mag-alala, kilala ko si Mr. Grimaldi. Pero, wag kang lalayo sa akin." Sagot niya sa akin. Tumango ako sa kanya at sumakay kami sa kotse ni Mr. Grimaldi.

Alam ko sa puntong 'to, gusto ni Dante na malaman kung bakit nga ba ako sumama. Concerned ako? Oo, concerned ako. Concerned ako...sa magiging desisyon niya. Sa pagtagal ng biyahe namin, sa loob ng malamig na kotse ng dayuhan, tumitindi ang takot ko. Hindi sa dahilan na hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero sa takot na mawala sa akin si Dante...ngayon pa ba?

Dumating kami sa Marikina, sa isang maliit na café malapit sa SM Masinag. Dumadampi ang paglubog ng araw mula sa bintana, at nababalot ng amoy ng kape sa loob. Umupo kami at sinenyasan ni Mr. Grimaldi ang kasama niya na umorder.

Pagkaupo namin mismo, agad na nagsalita si Dante, kung saan ikinagulat ni Mr. Grimaldi.

"You're here about the Julliard offer, aren't you?" Tanong ni Dante. "Aren't you supposed to talk to the winner, Freya?" Kalmado ang tingin sa kanya ng dayuhan. "What exactly are you doing here?"

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon