Opus No. 09 - Ang Isang Bagay na Kaya Niya Lang Gawin

7 2 0
                                    


"Before we end for today, I need to remind you all of the preliminaries that follows right after the university week. Baka malibang kayo masyado sa University Week natin lalo na't mga freshies pa naman kayo! Please, keep that in mind, yes?"

"Opo sir!" Sagot namin in unison sa Psychology Prof namin. Pagkaalis ng professor, nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko nang marinig ko na nagbuntong hininga si Dante sa tabi ko.

"Oh? Anong problema?" Tanong ko sa kanya. "Namomroblema ka na kaagad sa prelim exams? Diba sabi mo diskarte lang yan?"

"Hindi no! Iniisip ko lang ano kaya gagawin natin sa University Week." Sagot niya. Akala ko naman pag-aaral ang pinoproblema nitong taong 'to.

"Alam mo Dante, pinoproblema mo yung hinaharap kesa mga problema sa ngayon. Baka nakalimutan mo, may two hours break tayo at nagpromise tayo kay Camille na tutulungan natin sila ni Anthony sa Contemporary Math at Fundamentals." Tumayo na ako't inanyayahan na siyang ayusin ang gamit niya.

"Excited ka lang pumunta sa library eh."

"Hoy! Grabe talaga 'to! Kailangan kasi nating magreview!" Sagot ko sa pang-aasar niya. Sa totoo lang kasi mas natututo ako kapag may tinuturuan din ako, para collaborative ang review kumbaga. Pero habang tinitignan ko si Dante, tumatawa habang inaayos ang gamit niya, napapaisip ako kung paano niya nagagawang maging kalmado at parang chill lang sa lahat ng bagay. Aaminin ko ang una kong perception sa mga pianist eh mga perfectionist. Pero si Dante...animo maliliit na bagay ang problema niya.

"Halika na. Hinihintay na tayo nila Camille sa may gate."

"Paano mo naman nalaman? Baka nasa classroom pa sila?" Tanong ko sa kanya. Inilabas niya ang cellphone niya at pinakita ang chat ni Camille sa group chat namin. Napatingin ako sa gulat kay Dante, na nagtaka pa kung bakit ako nakatingin sa kanya. Ang bilis din ng kamay nitong lokong 'to. Nagkita-kita na kami nila Camille at Anthony sa gate at kumain sa karinderya nila Mang Rey. As usual, ako yung umuupo na agad at pinapanood silang tatlo na bumili ng pagkain.

"Dante! Dante! Sige na, tulungan mo na ako sa Fundamentals of Mathematics!" Hiling ng naghihinagpis na si Anthony kay Dante.

"Wag ka sakin tumingin kapag fundamentals. Ayan oh! Kay Lorelei ka magtanong." Tumuro sa akin si Dante at tumingin naman ang kawawang Anthony.

"Mamaya, Anthony. Magrereview tayo about diyan."

"Yes! Siyempre kahit papaano ayaw ko namang may mababa na grade sa unang sem natin!" Tugon ni Anthony.

"Kahit sino naman siguro ayaw ng mababang grade right of the bat." Sagot ni Camille. "Pero may point ka... kinakabahan tuloy ako. Haha!" Wow. Kahit sabihin ni Camille na kinakabahan siya, ang lumanay at mahinhin niya parin.

"Makabili ng peanuts diyan sa labas pagkatapos natin kumain..." Tugon ni Dante habang tumitingin-tingin sa labas.

"Para saan?" Tanong ni Camille.

"Nakakatulong kasi sa pagrereview yung may kinakain ka or may nginunguya. Sabi kasi nila kapag kinain mo ulit yun bago yung test, maaalala mo yung mga nireview mo dahil nginuguya mo yun nung nagrereview ka." Actually totoo yun. Karamihan nang mga nagrereview, like board exams, ngumunguya ng something pagkatapos binabaon nila yun during the exam. Yung iba may scientific explanation, yung iba naman sinasabi na placebo effect lang yun—which is nagagawa nila yung kailangan nilang gawin kasi naniwala sila sa benefit nung pinaniwalaan nila.

"Dante, bawal kumain sa library. Alam mo yan." Sagot ko sa kanya.

"Oo nga pala. Sorry po Miss Librarian." Tinarayan ko si loko ng tingin sabay peace-sign sa akin. "Kung ganun meron akong idea kung saan tayo pwede magreview!"

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon