Opus No. 10 - Ang Sikretong Mayroon Tayo: Ninong-Leon

7 2 0
                                    

"Anthony...Anthony teka lang saglit..." Hinawakan ko ang braso ni Camille, na nag-aalala kay Anthony.

"Kumain ka na Camille." Sabi ko sa kanya habang tinuturo ang pagkain niya. "Hayaan mo na si Anthony."

"Pero..." Tumuro siya sa harap niya at si Anthony ay busy na busy sa paglaglag ng pagkain sa lalamunan niya, na animo first time niya makakain. Sinubukan kong tawagin ang pansin niya, sa ikakapanatag ng loob ni Camille.

"Hoy... Anthony."

"MMHPHHM?" Tumingin siya sa akin na puno ng *mumu* sa bibig.

"Hinay-hinay lang. Naga-aalala sayo si Camille rito oh!" Buong effort lumunok si Anthony at lumaklak ng tubig. Kulang pa ito kaya kinuha niya yung baso ni Dante.

"Uy! Akin yan!" Wala nang nagawa si Dante.

"Sorry Camille! Kailangan kong kumai ng MARAMING-MARAMI!" At tumuloy siya sa pagkain.

"Hay nako... wag ka mag-alala sa kanya Camille. Mamaya na 'yong try-outs para sa mga lalaban sa university week." Sabi ni Dante habang ngumunguya ng paborito niyang lumpiang shanghai.

"Pero keep in mind... may exams after ng university week. Kailangan niyo narin magreview." Sabi ko sa kanila.

"Wag ka mag-alala miss Lorelei! Ipe-perfect ko yang mga exam na yan! Tignan mo lang!" Nagpose ulit siya sa muscle niya habang pinulot ni Dante ang butil ng kanin na tumalsik ulti sa mukha niya.

"Well kung mapapangako mo 'yan edi walang problema." Pangiting sinabi ni Camille at pinuno niya ng tubig ang baso ni Anthony. Napatingin ako kay Dante bigla.

"Eh ikaw Dante? Wala ka bang sasalihan na sports or event?"

"Ako? Subukan ko siguro sa badminton. Kaso hindi naman ganun kadali yun." Sagot ni Dante.

"Bakit naman?!" Agad na tumingin si Anthony, na puno parin ng pagkain ang bibig. Agad naman ding tinakpan ni Dante ang mukha niya.

"Siyempre...hindi naman nila pipiliin ang first-year kaagad kagaya natin, unless magaling talaga tayo. Malamang sa malamang, karamihan ng players eh manggagaling sa third-years or fourth years." Sagot ni Dante. May point siya; ilalagay nila na members eh yung mga graduating na since patapos narin naman sila.

Nag-alala si Camille kay Anthony, na baka mapanghinaan siya ng loob. Pero tumawa lang si Anthony at napatakip agad si Dante sa debris ng kanin.

"HA! Hindi pa nila nakikita ang bagsik ni Anthony Dela Vega!" Ngumiti kami ni Camille sa hindi natitinag na determinasyon ni Anthony nang patuloy siya sa kinakain niya. Hindi ko binigyan ng much thought ang sports. Sa katunayan, hindi ko naging paborito ang P.E subject kahit na kadalasan eh uupo ka lang sa gilid habang nagbabasketball ang mga kalalakihan sa court, oh di kaya mag-ibento ng laro kasama ng mga kaibigan mo.

Nang pumasok kami ulit sa Crescendo, nakasalubong namin si Freya at si Frederic. Agad kaming napahinto ng lakad ni Dante, sa gulat at pagtataka ni Camille at Anthony.

"Well well well... Mr. Pianista himself has arrived." *Minata na naman ni Frederic si Dante. Kaunti nalang talaga at masusuntok ko na 'tong hayop na 'to...kung hindi lang siya fourth year at first year ako.

"Good afternoon din sayo Frederic." Sagot ni Dante.

"Mas ikabubuti mo Dante kung hindi ka sasali sa events sa University Week. Ayaw naman naming masugatan yang napakaimportante mong mga kamay." Tugon ni Frederic.

"...aba siraulo pala 'to—" sinubukang lapitan ni Anthony si Frederic pero nagawa ko siyang pigilan, knowing na ayaw ni Dante na madamay pa pati sila.

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon