Opus No. 16 - Pangalawang Pangako

6 1 0
                                    

"Dante..." Napatingin kami kay Anthony, na naghihinagpis sa sahig ng Music Room.

"Magkakasakit ka, Anthony..." Mahinang tugon ni Camille. Hinahatak ni Anthony kasi  ang pantalon ni Dante.

"...bro...help me..."

"H-Ha?! Saan ba?" Tanong ni Dante. Inilapag ni Anthony ang textbook namin sa Fundamentals of Mathematics, sabay tingin kay Dante na para bang tuta siya na humihingi ng gatas sa nanay. Bukas na kasi ang exams namin kaya nagrereview na kami kahit na 30 minutes lang ang natitira sa breaktime namin.

"Pakisummarize sakin...please?"

"Anong topic? Mula saan?"

"Lahat..."

"HA?! Fundamentals nalang yan bro..." Sagot ni Dante. Tumingin siya sakin pero tinanggihan ko na agad siya, knowing na ida-direct niya si Anthony sakin. Bahala ka diyan!

"Ililibre kita, PROMISE!" Sigaw ni Anthony.

"Nako...kailan pa yun Anthony." Tugon naman ni Dante.

"Diba Dante, may pangako ka din sakin na manglilibre ka?" Dagdag ko sa kanya.

"Ha?! Akala ko ba ayun na yung pa-birthday ko sayo?" Sagot niya.

"Hindi! Sabi mo ililibre mo kami ni Camille kasi tinuruan mo kami sa Fundamentals...habang nagsi-CR si Anthony. Diba Camille?" Sabay kalabit kay Camille.

"H-Ha? Sinabi ba ni Dante yun—ay oo nga Dante sabi mo yun." Dagdag ni Camille. Sa sobrang inosente ni Camille, hindi niya mapigilang ngumiti kaya nabuking din kami.

"TIGNAN MO?! BAKIT SILA TINURUAN MO..." Tugon ni Anthony. "DANTE... Please..."

"Ano ka ba Anthony! Buong libro isasummarize ko for you?! KAHIT ANO WAG LANG YUN JUSME."

"Grabe ka naman Dante..."

"Kasi naman Anthony...wag ka matutulog sa klase. Kaya ka nasisita ng professor natin eh..." sagot ni Camille.

"Ayun naman pala eh! Wag ka kasi matulog sa klase bro! Bitawan mo na yung pants ko baka mahubaran ako!" Sagot rin ni Dante.

"Guys, magta-time na. Magbihis na tayo for P.E." Sabi ko sa kanila. Actually, though hindi ako athletic, enjoy ako sa P.E subject namin dahil magkasama ang block namin at block nila Camille and Anthony. Pagkaayos namin ng music room, napahinto si Camille sa tapat ng CR.

"Lorelei? Dito na tayo magbihis...para malapit sa gym..."

"Boys!" Kinuha ko yung bag ni Camille at bag ko, sabay abot kay Dante at Anthony. "Thanks!"

"A-Anong thanks?!" Sagot ni Dante. Tinarayan ko lang siya ng tingin at ngiti sabay pasok agad kami ni Camille sa CR.

"Ang hilig mong ibully si Dante, Lorelei." Nagulat ako sa sinabi bigla ni Camille.

"Ano ka ba! Friends lang naman eh! Asaran lang, ganun!" Patawa kong sagot sa kanya.

"Nako, friend. Though...bagay naman kayo."

"NO. Wala akong time sa ganyan, and ayoko muna magfocus diyan sa lovelife." Tama. Wala akong time sa lovelife...

Alam ko yan...me, of all people.

Pagbukas namin ng pinto, napatigil kami nang makita namin si Jeanne na naghuhugas ng kamay niya. Nagulat din siya't napalingon agad samin pagkakita sa amin sa salamin.

"Uy." Tugon ko sa kanya.

"Lorelei...Camille..." Sagot ni Jeanne. Kakaiba din ang tadhana, naisip ko. Dito din namin unang nakilala si Jeanne, nung frantic siya sa paghahanap ng makeup niya. Ngayon, iba na si Jeanne. Naka-ponytails na siya at pulbos nalang ang inillagay niya sa mukha niya. "Gusto ko palang...magpasalamat sa inyo...tsaka magsorry kasi—"

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon