Opus No. 07 - Door-to-Door

5 1 0
                                    

Hindi ako makapaniwala. Imposible pero nasa akin na naman ang ebidensya. Itinapat ko ang larawan ulit sa sinag ng araw mula sa pintuan ng tren, sabay tingin naman sa isang tab sa browser ko na naka-open pa mula kahapon.

'Filipino Child Genius did it again—wins prestigious Int'l trophy...

Dante Rio, age 7, wins the Piano Category for the prestigious music competition 'Brin D' Herbe' held in Geneva, Switzerland. Among his competitors were Lin Zhiu Shen (17) who won 2nd place and Thomas Brittleson (24) who won 3rd place. Dante's winning piece was Franz Liszt's 'La Campanella', which is known to be one of the most difficult pieces ever written for piano. Liszt was famous for his dexterous hands and somehow elongated fingers that enabled him to accomplish his famous pieces. It is with much surprise that a seven-year-old wins the competition with such little hands...'

'...in his piece, Dante somehow combined another piece into 'La Campanella', which is 'Fantasie Impromptu (Op.66)' of yet another legendary pianist 'Frederic Chopin'. It was an unorthodox approach to an international competition, yet the young Dante was able to pull it off.'

Hindi natapos yung pagsaliksik ko. Sa sumunod na tab, pinakinggan ko naman yung 'La Campanella'. Nakaka-suspense sa pakiramdam pakinggang ito; para bang nakakalito na...nakakagalit. Para bang may panggigigil sa piyesa...

Napapaisip ako—paano nagawang itugtog 'to ng isang seven years old? Sa video tutorial palang halatang kailangan malapad ang mga kamay mo. Pero si Dante nagawa niya 'to ng seven years old palang siya?

Sunond naman kong pinakinggang ang 'Fantasie Impromptue Op.66', isang napakabilis na piyesa. Kaiba sa naunang piyesa, medyo mas kampante ito at kalmado. Pero hindi ko maiwasang maramdaman ang...galit...lungkot...pagsisisi...paghiling...?

Dahil nakalagay sa header ay "..did it again...", naghanap din ako ng iba pang competition na baka nakasali si Dante. Sa laking swerte nga naman, may ginanap na open concerto/competition sa Beijing, China. Ginanap 'to six months bago yung Brin D' Herbe. Ang pinagkaiba naman dito... nakangiti si Dante. Ngiting-ngiti na akala mo nilagyan siya ng 'star' sa palad dahil good boy siya. May mga ilang article din na sumunod patungkol sa pagkapanalo niya dito.

Pero may isang tanong na nananatili sa isipan ko:

"Pagkatapos nitong Brin D'Herbe, wala nang sumunod na balita. Tuluyan kang naglaho sa classical world..." Tumitig ako ng maimtim sa mga mata ng seven-year-old na Dante. "Ano bang nangyari sayo... Dante?"

Nakarating na ako sa school at naabutan ko si Camille na nakaupo sa waiting shed.

"Lorelei! Dito!" Lumapit ako sa kanya at ngumiti, pero nalilito ako kung dapat ko bang sabihin ang nalaman ko tungkol kay Dante. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sabay dungaw sa mukha ko.

"Hinde, okay lang ako. Napuyat lang." Ibinulsa ko na ang cellphone ko, na puno ng researches about kay Dante (kahit na wala naman ako talagang nahanap).

Dumiretso na kami sa sarili naming klase, at naabutan ko si Dante na nakaupo sa sahig—nakasandal sa pader at nakiking ng music habang nakapikit. Napansin ko na gumagalaw yung mga daliri niya... nagpa-piano perhaps?

"uy!" Napansin na ako ni Dante. "Ano? Sinimulan mo na bang basahin yung libro?"

"A—ah! Oo siyempre!" Pabiro kong tugon sa kanya, pero sa totoo lang eh balita tungkol sa kanya ang binasa ko.

"About nga pala sa usapan natin..." tinanggal niya yung earphones niya. "...baka naman pwedeng hindi ko na sagot yung libre... tutal eh naka-coupon ka naman diba?"

"HOY!" Pangiti kong sigaw sa kanya. "Wala na pong bawian, Mr.RIO! A deal is a deal. Besides, may one week pa naman diba? Edi mag-ipon ka na dahil ililibre mo ako!"

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon