Two days after the Dumagondon Incident, muli kaming nasa waiting shed. Hindi kami makatambay sa music room at may gumagamit.
"Uy guys!" Napukaw ni Jeanne ang atensyon namin habang papalapit siya na para bang may ibebenta siya samin. "Nabalitaan niyo ba? Natanggal na si Sir Dumagondon!"
"Talaga?" Tanong ni Anthony. "Dahil ba sa hindi niya naibalik na mga exams?"
"Hindi lang 'yon." Sumagot si Lee, na lumitaw sa likod ni Jeanne. "Among his cases were sexually harassing female students dahil may nag come-forward nga para ibunyag ang totoo. Pangalawa, masyadong malabo ang exam ni Sir at hindi siya tumatanggap ng mga sagot na hindi word-per-word ang pagkakaparehas sa essay part. Lastly, it seems that the administration were in fact aware of Dumagondon. Hinihingi nila 'yong copy ng exam niya, pero every time na nangyayari 'to, iniiba niya yung test questions at pinipilit ang isa sa mga babaeng estudyante niya na sagutan 'to, whilst also harassing her."
"Nako! Nakakapanggigil talaga 'yong lalakeng 'yon!" Sigaw ni Jeanne. "Mabuti nga sa kanya! Kaya kayo guys ah...i-promise niyo sakin na magiging mabuti kayong teachers!"
"Oo naman Jeanne. Maaasahan mo 'yon." Pangiti kong sagot sa kanya.
"Also, it seems College of Humanities are rejoiced over this. The administration, along with the female victims, are pushing on filing multiple cases against him. Kung hindi dahil kay Mickey, hindi rin mabubuking si Dumagondon." Dagdag ni Lee.
"Wow... Ang laki ng impact naman nun." Sagot ni Camille. "Si Mickey lang pala ang hinihintay ng Crescendo...no?"
"AYOS! May ipapahiwatig ako sa inyong lahat!" Sigaw ni Anthony. Mabuti nalang kami-kami lang ang nasa waiting shed.
"A-Ano na naman ba yan Anthony? Bumaba ka nga diyan!" Sigaw ko sa kanya.
"MAHAL KO NA SI MICKEY!"
"H-HA?!" Sabay-sabay kaming napasigaw. Ano bang sinasabi ng lalaking 'to?!
"Okay ka lang ba Anthony? Hindi pa yata naghihilom ang sugat nito..." Tugon ni Dante, habang ineexamine ang ulo ni Anthony.
"Okay na okay lang ako bro!" Sagot ni Anthony. "NAKAKA-INLOVE kaya ang katapangan niya! Parehas kami!"
"E-Eh diba crush mo siya, Dante?" Tanong ni Camille.
"By all means, Anthony. Sayo na." Pangiting sagot ni Dante. Bakit natuwa na naman ako sa sagot niya?
"OH DIBA?! MAY BASBAS NA AKO NG BEST FRIEND KO!" Hiyaw ni Anthony.
"Sigurado ka ba diyan, Anthony? Baka nakakalimutan mo na nabasted ka nung nakaraang buwan lang." Tugon ko sa kanya.
"PAST IS PAST, MISS LORELEI! MICKEY IS MY PRESENT!"
"And your future?" Pangiting dagdag ni Lee.
"YES! TROPA TALAGA KITA!!" Niyakap ni Anthony si Lee, at halatang nagsisisi na si Lee at tinulungan pa niya si Anthony.
"Please let me go..." Bulong ni Lee.
"HALA!!" Biglang napasigaw din si Camille.
"You guys are so...active." Bulong muli ni Lee, na hindi parin binibitawan ni Anthony. May binabasa si Camille sa Facebook niya, at sabay ipinakita samin ang isang post. "TIGNAN NIYO!"
"Ano yun, besh?" Tanong ko sa kanya. "All is invited to watch AND join the College of Education, Home Economics Department's Cooking Contest..." Binasa ko ang nakasulat at tumingin ako kay Camille. "Sasali ka?"
"Oo naman! Sabi dito pwedeng sumali kahit hindi TLE major, diba?" Tuwang-tuwa na sumagot si Camille. "EXCITED NARIN AKO!"
"C-Camille! Bumaba ka diyan!" Hindi ko na napigilan si Camille na tumayo rin sa upuan kasama si Anthony, at sabay silang tumawa.
BINABASA MO ANG
Pinky Swear [COMPLETE]
RomanceHanggang kailan mo kayang panghawakan ang isang pangako? Isang Filipino Major freshman sa isang tanyag na unibersidad, tuwang-tuwa si Lorelei Alasio sa kanyang panibagong buhay bilang isang kolehiyana--buong tinatalikuran ang lahat ng masasamang ala...