Opus No. 22 - Isang Mensahe Mula kay Maria Makiling

3 2 0
                                    

Saturday, 6:45AM.

To be honest, nakakarelax na makapagsuot ng t-shirt and jeans after magsuot ng white sleeves, vest, at palda sa school. Ngayon ay NSTP namin kaya nakasuot ako ng white t-shirt na may light-blue garters (since education course ko) at jeans. Hindi naman kasi ako yung girly-type na mahilig sa flowy na damit. As long as convenient siya tsaka hindi hassle suotin, then I'm all for it.

Kakaiba ang araw ng NSTP ngayon, dahil lahat ng freshman ay nandito ngayong Sabado. Hinati kasi ang university NSTP sa Saturday, morning and afternoon, at Sunday, morning and afternoon din.

"Lorelei!" Lumingon ako at nakita ko si Camille na kakarating lang din sa school. "Good morning!"

"Good morning din!" Sagot ko sa kanya. "Ang daming tao ngayon no..."

"Oo nga eh. May importanteng ia-announce daw kasi bilang midterms natin."

"Talaga? Baka kakaiba ngayon ang midterms, since last time eh written exam lang tayo."

"Siguro." Napaisip si Camille. Sa likuran niya, nakita ko naman si Anthony at Dante na kakapasok lang din.

"Oy!" Sigaw ni Anthony. "Morning!" Sabay bati niya kay Camille.

"Good morning!" Tugon ni Camille. Kahit papaano, bumalik na siya sa normal. Siguro...masaya na nga talaga siya na may natututunan siya sa piling ni Anthony.

"Parang ang laki naman ng t-shirt mo ngayon." Kumento naman ni Dante. Pambihira 'to! Itong isa nag-goodmorning tapos ikaw naman mangla-lait pa umagang umaga?!

"Hay nako..." Napabulong nalang ako sa sarili ko. At least mag goodmorning ka man lang sakin...bwisit.

Umupo kami sa malaking hall at dumating na ang professor namin. Kahit maliit siya, matindig ang porma niya at talagang kakatakutan mo siya. Siya si Ma'am Lucy Origenes, ang LTS Professor namin nila Camille. Lahat ng Educ ay under niya. Siya yung tipo ng tao na may 'makuha ka sa tingin' kind of vibe.

"Good morning!" Sigaw ni Prof. Lucy. Agad naman kaming nagsitayuan;sinusubukan na sabay-sabay kami.

"GOOD-MORNING, MA'AM ORIGENES!" Sigaw naman namin. Sumenyas siya na umupo ulit kami.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Tugon ni Ma'am, habang naglalakad-lakad siya sa harapan. "Next week, Saturday, we will have an intensive survival training sa Mount Makiling, Los Baños Laguna."

"WOAH!" Nagkaroon na ng komosyon at para bang bumalik kami sa pagiging high-school. Tumigil si Ma'am Lucy sa paglalakad, at agad din naman kaming tumahimik.

"The training will be comprised of extreme and difficult drills, team-building, and basic survivability. Nasa BUNDOK po tayo roon kaya wala pong magsisipagharutan sa inyo!" Sigaw ni Ma'am Lucy. Kapag may punto talaga siya lumalabas yung pagka-Rizaleño niya kagaya ko.

"We will stay in the mountain for two days and two nights. Magdala kayo ng snacks na naka-pack. Kung gusto niyo magdala ng ulam for the trip and for the first night, walang problema. Mayroon pong food na ibibigay sa atin roon. Ang outfit niyo po ay ang NSTP Uniform, at least TWO pairs of maong dahil baka maputikan kayo, and your P.E uniform. Pwede rin po na magdala kayo ng tsinelas."

"Ma'am?" May nagtaas na kamay mula sa English Majors. Nilapitan siya agad ng fourth-year NSTP officers at inabutan siya ng mic. "Paano po yung toiletries, lalo na po sa aming mga babae?"

"Okay, magandang tanong 'yan iha." Sagot ni Ma'am. "Sa mga babae, lalo na kung araw niyo ngayon or araw niyo sa panahon na'yon, magdala po ng garbage bag. Mayroon tayong tamang waste bins sa area natin. Dun sa paliliguan ninyo, make sure na may dala rin kayong lalagyan para sa toiletries niyo at para hindi siya maiwan sa banyo. BOYS kayo din! Make sure na may dala kayong bag para sa mga basang damit. NO HORSE-PLAYING kundi sisipain ko kayo pababa ng bundok! Kung gusto niyo magdala ng sabon panlaba dahil bawal madumihan yung isang particular niyong damit, walang problema. Ikaw na bahala maghanap ng sampayan mo. Oh! And please lang po, BRING A MEDIC KIT. REQUIRED PO 'YON. Any other questions?"

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon