Opus No. 17 - Twinkle Twinkle Little Dante

5 1 0
                                    

Kakatapos lang nang pangatlong exam namin, which is Bio-Scie.

Bumuti na ang pakiramdam ko, kahit papaano. Si Dante naman, hindi na namamaga ang mukha niya. Sinunod niya siguro yung sinabi ko sa kanya kagabi. Luckily, kasabay namin sa oras sa first two subjects sila Jeanne at Lee, kaya inimbitahan namin sila na magreview sa music room.

"Mhnn...hrrrmm..."

"Alam mo, Anthony..." Tugon ni Lee. "...hindi makakatulong sa pagrereview mo kahit na ikunot mo ang mga mata mo at magfocus."

"Ahhh! Hindi ko kasi alam kung ano meaning nito bro!" Sigaw ni Anthony. "Ito oh!" Sabay turo sa page ng libro namin sa Psychology.

"A-ah?" Haha! Namamangha narin siguro itong si Lee sa energy ni Anthony. "Gestalt Psychology..."

"Oo! Hindi ko siya magets!" Dagdag ni Anthony.

"Anthony...ang Gestalt Psych eh yung pag pokus natin sa mga bagay-bagay as a whole o bilang isang buod. Halimbawa...may nakita kang isang basketball player. As a normal person, hindi mo hihimay-himayin kung ano yung specific set of skills na meron siya that makes him a basketball player. Instead, basta makita mo lang siya na nasa court, magaling mag dribol, shumoot, and magpasa, edi magaling siya magbasketball. Hindi magaling sa isang area, pero as a whole." Sagot ni Lee. Wow. Nasagot niya yun without looking sa book niya.

"Eh may mga basketball player na shoot lang magaling pero hindi magpasa ah!" Tanong naman ni Anthony.

"Hindi na mahalaga yun! Kung halimbawa si Camille; hindi niya kailangan aralin o malaman kung ano yung mga parts na nagpapagaling sayo sa pagpasa, pagshoot, or pagdribol. Basta palagi ka nakakashoot ng bola, in her mind, magaling na yun magbasketball."

"Tama!" Dagdag naman ni Camille. "Huh...oo nga no! Gestalt pala tawag dun!"

"Exactly." Sagot ni Anthony. "Ngayon alam mo na, Anthony? Anthony?" Paglingon niya kay Anthony, nakangiti na siya sa kanya. "B-Bakit??"

"I LOVE YOU!"

"E-Eh?!"

"Ahahaha!" Napatawa nalang kaming mga babae. "Hindi ka na bibitawan ni Anthony for sure." Tugon ko kay Lee.

"K-Kay Dante ka gumanyan!" Sigaw ni Lee, habang pilit niyang inaalis ang yakap ni Anthony.

"Hala! Wag mo ipasa sakin yan!" Sagot ni Dante. "ANYTHING, wag lang yan."

"That is good to hear."

"Huh?" Napalingon kami kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Pagtingin namin sa may pintuan, nakatayo na pala si Sir Nick roon. Ever since nakilala ko siya nung first day, namamangha parin ako sa tindig niya at aura niya. Ang cool kasi! Oh siguro dahil narin sa kaastigan na dulot ng high close-neck na student uniform nila. One day, makakapagsuot rin ako ng ganyang uniform!

"Ah! Sir Nick! Napadaan po kayo." Agad na tumayo si Dante. Baka kunin na niya yung susi kasi palagi na kami tumatambay dito...

"Sabi mo, gagawin ko kahit na ano, right?" Tanong ni Sir Nick. Ipinakita niya samin ang isang black na poster. Napaka-fancy nang letters nito at kumikinam pa mula sa glitters. May mga tao na nagpa-piano, violin, at chello.

"Join us in Crescendo's first Crescendo's...Classical...Concerto..." Dahang-dahan itong binasa ni Camille. "May bagong event po ulit, sir?"

"Yes. This time, hosted by College of Music and Theory themselves." Sagot ni Sir Nick.

"Really...?" Dagdag ni Lee. Hiniram niya ang poster para basahin nila ni Jeanne. "I've always thought na masusungit ang mga tiga CMT...and here they are."

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon