"Lorelei! Good mo—" Hindi ko na siya binigyan ng chance na ituloy ang sasabihin niya at agad siyang hinawakan sa magkabilang braso.
"Sabihin mo sakin ulit yung mga tinext mo sakin kagabi. SABIHIN MO SAKIN NANG MALAMAN KONG HINDI AKO NANANAGINIP!" Inalug-alog ko na si Camille the same way na inaalog ni Anthony si Dante or si Lee.
"Oo... sa tingin ko... in love ako kay Anthony." Muling nagskip ng beat ang puso ko.
"Really, bes?!" Napangiti ako ng wagas at niyakap si Camille. Kaso, biglang sumagi sa isip ko. Inimagine ko si Camille na nasa right side, at si Anthony naman sa kabila. Masyado silanag magkaiba! Para bang kinokompare ko ang isang leon sa isang puppy!
"W-Well...sa tingin ko lang naman." Sagot ni Camille. "Tsaka nalilito palang din ako sa ngayon."
"Ako din nalilito eh! Masyado kayong magkaiba bes!" Sigaw ko sa kanya.
"Oo nga eh...wala akong maisip na isang bagay na gusto niya na meron ako. I mean, hindi ako athletic kagaya niya. Wala akong kaalam-alam sa sports! Ngayon ko lang kasi ako nakaranas ng ganito..." Sagot ni Camille. Napapakamot nalang siya ng ulo sa sitwasyon niya. "Pero siguro, lilipas din 'to. Kagaya nung mga nanligaw sakin before, mawawala din siguro 'tong feeling confused na 'to."
"Anong feeling confused?" Umalingawngaw ang isang malalim na boses mula sa likuran namin.
"AH!" Sabay kaming napasigaw at pagtingin namin sa likod, nakatayo na pala si Dante. May hawak pa siyang styro na may mainit na instant coffee.
"Anmeron?"
"WALA! Masaya lang si Camille kasi nanalo siya kahapon kasi midterms daw pala 'yon nung mga second-year Home Economics! Ahahaha! Diba Camille?!" Sinagi ko si Camille at nasindak naman siya.
"Ah! Oo! OO! Masaya lang ako! Tsaka ano...yung confused kasi midterms pala nila yon...ganun?" Dagdag niya. Napatingin sakin si Camille—hindi rin siya marunong magpalusot ah! Ngumiti kami ng matiwasay kay Dante, hoping na hindi na siya magtanong pa. Nako, so far sa pagkakakilala ko sa taong 'to, matalino rin 'to at magaling umamoy ng something.
"Talaga? Hm..." Napaisip si Dante bigla. Para bang nabi-build-up yung suspense, hoping na hindi pa magtanong 'tong taong 'to. "...okay!"
Lumuwag ang dibdib namin ni Camille.
"Wag kang mailto dun. Nung una palang, nagpost sila na kahit sino sa Education ang pwedeng sumali, hindi naman nila nirestrict para sa mga Home Economics lang. Tsaka isa pa, Feast of God ang niluto mo." Sagot ni Dante, habang nilalaklak niya ang kape. Hindi ba masama na uminom ng kape mula sa styro?
"NANDITO PALA ANG KAMPYONATO!" May isa pang lalake na sumigaw at humawak sa magkabilang braso ni Camille. Paglingon ni Camille, nakita niya ang ngiti ni Anthony na kasing laki pa sa sinag ng araw.
"Anthony!" Napasigaw nalang si Camille. Alam niyo, kapag ang tao kinikilig, buong mukha ang namumula sa kanila. Ibahin niyo si Camille; ilong lang ang namumula at tumatayo ang ilan sa buhok niya. Mukhang aware siya dito kaya tinakpan niya agad ito ng panyo.
"Oh? Namumula ilong mo? May sipon ka?" Tanong ni Anthony.
"Hindi! Umiyak kasi ako sa tuwa mula kagabi. Diba Lorelei!" Ngayon ako naman ang sinagi ni Camille.
"Alin? AH! Oo! Tears of Joy! Ahahaha!" Ngumiti ulit kami ng wagas sa dalawang mokong sa harap namin.
"Kung ganun edi walang problema!" Sigaw ni Anthony. "Sabi ko naman sayo eh! Kung merong makakagawa nun, ikaw lang 'yon!"
Binaba ni Camille ang panyo sa bibig niya. Nawala ang tension namin, dahil alam ko na napalambot ni Anthony ang puso ni Camille sa mga salita niyang 'yon. Habang naglalakad kami papunta sa building namin, nabigla ako nang hinatak ako ni Camille at hinayaang maglakad sila Anthony at Dante sa unahan.
BINABASA MO ANG
Pinky Swear [COMPLETE]
RomantiekHanggang kailan mo kayang panghawakan ang isang pangako? Isang Filipino Major freshman sa isang tanyag na unibersidad, tuwang-tuwa si Lorelei Alasio sa kanyang panibagong buhay bilang isang kolehiyana--buong tinatalikuran ang lahat ng masasamang ala...