Mula nung entrance exam, namamangha parin ako sa bubungad sayo sa eskwelahan na 'to. Isang malawak na field na may Philippine Flag at School Flag sa magkabilang dulo ng isang mala Opera-Theatre-Stage ang dating. Maintained na maintained ang mga damo sa field kahit na wala itong sprinklers. Bawat college ay may sariling building at design; College of Liberal Arts (CLA), College of Architecture and Fine Arts (CAFA), College of Music and Theories (CMT), College of Humanities (COH), at ang aming building... College of Education (CoEd), na may simpleng puti na pintura at magarbong halamanin na nakadisplay sa entrance.
Sa loob ng building ng CoEd, agad akong dumiretso sa bulletin board; kinalikot ang mga nakadikit na papel para hanapin ang schedule ko.
"Ano nga ba yun... Filipino Major...First year...." para akong pusa nakasunod sa isang laser habang hinahanap ang oras ng klase ko. "Ayun! 7AM to 9AM... dalawang oras talaga? Sabagay major kasi yun...."
Napatigil ako nang biglang may isang tunog ang nagsimulang mamuo mula sa malayo.
"Ano yun?" Tumingin ako sa bandang kaliwa; doon nanggagaling ang tunog. Sa bawat paglapit ko sa pinanggagalingan nito, napagtanto ko na isa pala 'yong piano—isang napakamalumanay na melody na para bang amoy ng masarap na pagkain at naaamoy ito ng tenga mo't hinahatak ka papalapit. "Ang ganda naman nun..."
Unti-unting nawala ako sa linya ng isipan ko. Naalala ko ang time na nasa bahay ako ng lolo't lola ko; nakaupo sa sofa nila't hindi pa maabot ng aking mga paa ang kanilang sahig. Naalala ko na sobrang excited ako at dumating sila na may dalang lugaw na luto ni lola at palitaw na si lolo mismo ang gumawa. Napakasaya ko pa noon at napapasigaw sa bawat dating nila na may dalang pagkain. Halos ngayon ko lang din napagtanto—hinde, nabitawan, ang lungkot sa paglisan ng lolo at lola ko. Dahil ba sa music na 'to?
Para bang nakalimutan ko na ang kalungkutan sa pagpanaw nila... oh para bang nagbago 'to. Imbes na maging malungkot siyang alaala, para bang kumalma ang puso ko't napapangiti—tinatanggap na ganoon talaga ang buhay.
Dinala ako ng musika sa isang room na may label sa taas ng pinto:
"Music Room"
Pumasok ako sa loob; may iba't ibang uri ng instrumento ang nakalagay ng maayos dito. May mga gitara na may lalagyan pa't nakasabit sa isang rack, may drum set sa bandang likuran, at may mga ibang instrumento na hindi ako pamilyar: isang malaking... parang dark brown violin na may mahabang bow.
"Cello ang tawag diyan."
"Huh?" Nadistract ako't nakita na tapos na pala ang musika. Pag lingon ko, isang lalake ang nakaupo sa tapat ng isang malaking piano. Straight-pero-magulo ang itim niyang buhok. May kaputian siya at may pagkasingkit ng kaunti ang mga mata. Hindi ganoong kaliit at hindi din ganoong kalaki ang kanyang matangos na ilong, kaya't pag pinagsama sama ang lahat ng features niyang 'to, para siyang isang masungit na smart kid na nakatitig sa kaloob-looban ng kaluluwa mo.
"Cello. CHE-LLO." Tumayo siya at bumaba sa stage; naglakad papunta sa tabi ko. Dahil sa sinag ng haring araw mula sa bintana ng pintuan, nakita ko na brown na brown pala ang mga mata niya.
"Ahh... Cello."
"Oo. Cello." Inulit niya.
"Cello...." At inulit ko pa ulit.
....
Nakita ko siyang nakatitig sakin na may kunot sa noo. Huli na nang mapansin ko na nagkaroon pala ng awkward silence, at nasinagan ng ilaw ang mga brown niyang mata.
"Ah! Sorry! Uh...ikaw ba yung tumutugtog kanina?" Tanong ko.
"Oo. Chineck ko lang kung nasa tono ba." Sagot niya sabay turo sa piano. Kinuha niya ang itim niyang bag nakasandal sa paanan ng piano. Naglakad siya papunta sa pinto. "Oh, ikaw nalang mag-off ng ilaw."
BINABASA MO ANG
Pinky Swear [COMPLETE]
RomantizmHanggang kailan mo kayang panghawakan ang isang pangako? Isang Filipino Major freshman sa isang tanyag na unibersidad, tuwang-tuwa si Lorelei Alasio sa kanyang panibagong buhay bilang isang kolehiyana--buong tinatalikuran ang lahat ng masasamang ala...