Napakalaking hakbang ang ginawa kong 'yon...na mag-open up sa mga kaibigan ko, let alone sa kung sino man. Pero sinabi ko na sa kanila. Siguro napapansin na nila noon palang, kahit na sarili ko ay hindi ko pa sigurado.
"Lorelei?" Tinapik ni Anthony ang balikat ko. Naka P.E uniform parin siya't magbibihis palang sana.
"Oh?"
"Nasaan si Dante?" Sa tanong na 'to ni Anthony, napatingin sa akin si Camille.
"Hindi ko alam. Absent din siya kanina." Simpleng sagot ko sa kanya. Hindi naman namin masisisi si Anthony kung hindi niya alam.
"Bakit kaya...anyways magbibihis na ako. Ayokong pagalitan na naman ako ng Bio-scie namin!" Kumaripas na siya ng takbo, at tsaka lang ako nilapitan ni Camille.
"Bessy...okay ka lang?" Mahinanon na tanong ni Camille. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang malamig niyang palad.
"Okay lang ako, mamaya nalang pag uwian...kapag kasama na natin si Jeanne." Simpleng tumango si Camille sa akin, pilit siyang naglabas ng ngiti. Dumiretso ako sa klase namin sa Psychology. Habang masigasig kaming lahat na sumasagot ng seatwork, palakad-lakad ang professor namin at nagmamasid-masid sa suluk-sulok.
Lumapit siya sa akin at nagsalita ng may mahinang boses.
"Nasaan 'to?" Tanong niya sabay turo sa upuan sa tabi ko gamit ang asul niyang pamaypay. "Yung may suot palagi ng purple na St. Benedict?"
"Hindi ko po alam, sir. Absent din po siya kanina." Ginaya ko lang din ang sagot ko kay Anthony. Lumabas ang professor namin, at nakahinga ang klase namin ng maluwag. Nagsitayuan sila't nagtanungan kung paano ang gagawin, tutal hindi naman ito quiz.
"Uyy..." Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa likuran ko.
"Ano 'yon, Cess?" Tanong ko sa kaklase ko na nakasandal sa bakanteng upuan.
"Nasaan si Dante-boy?" Tanong niya. Napabuntong-hininga na ako sa paulit-ulit na tanong sa akin. "Bakit siya absent?"
Tumawa ako kay Cess at nagpatuloy sa seatwork ko. "Hindi ko alam, Cess. Wala naman siyang sinabi." Sagot ko sa kanya.
"Ganun ba...? Eh okay ka lang ba diyan? Kailangan mo ba ng katabi?" Ngumiti sa akin si Cess at dala na niya ang mga gamit niya.
"Magpapatulong ko lang sa seatwork eh, no?"
"Uy hindi ah! Siyempre kaklase kita kaya concerned lang ako dahil malungkot ka ngayon." Sagot ni Cess. Inilapag na niya ang gamit niya sa upuan sa tabi ko.
"Hindi naman ako malungkot ah." Sagot ko sa kanya, habang mariin na nakapokus sa sinasagutan ko. "Ano naman ang ikakalungkot ko?"
"Kasi wala si Dante! Eh kayong dalawa lang naman ang laging magkasama!" Kantsyaw ni Cess, habang dumudungaw siya sa papel ko. "Hala...ganyan ba dapat ang gagawin..."
"Wait, si Dante?" Isang boses naman ng lalake ang nanggaling sa likod. Napatingala kami sa tangkad ni Jhoseph, kapwa ComEd ni Dante. "Pumasok siya nung major. Nagulat nga ako nung wala siya nung Oral Comm tsaka nung P.E. Nasaan ba siya, Miss Lorelei?"
Natawa sa akin si Cess at naulit na naman ang pagtatanong sa akin tungkol kay Dante.
Pagkatapos ng klase, nagkita-kita kaming lahat sa hallway. Dumating narin si Jeanne at si Lee.
"Hey...where is Dante?" Tanong ni Lee sa akin. Ngayon sabay na tumingin sa akin si Camille at Jeanne. "I saw him earlier this morning sa may gate."
"OH?" Laking gulat ni Anthony. "Pumasok siya?! Eh bakit wala siya nung P.E? Makikipag basketball sana ako sa kanya kanina..."
"Anong sabi niya? Kinausap mo ba?" Mariin na tanong ni Jeanne.
BINABASA MO ANG
Pinky Swear [COMPLETE]
RomansaHanggang kailan mo kayang panghawakan ang isang pangako? Isang Filipino Major freshman sa isang tanyag na unibersidad, tuwang-tuwa si Lorelei Alasio sa kanyang panibagong buhay bilang isang kolehiyana--buong tinatalikuran ang lahat ng masasamang ala...