Opus No. 13 - Lupin

4 1 0
                                    

"Hmmm..." Himala...naunahan kong magising ang alarm ko. To be honest, ineexpect kong walang pasok dahil umulan ng malakas kahapon, pero nung kinagabihan eh humina na.

"Anak."

"AHH!!!" Nagulat ako nang makita kong katabi ko pala ang tatay ko at nanay ko sa kama. "A-Anong ginagawa niyo dito?!"

"Ano pa ba?" Sagot ng nanay ko. "Today is your..."

"BIRTHDAY!!" Sabay nilang isinigaw 'yon at tumalon mula sa kama ko.

"Gosh...nakahiga lang kayo dito naghihintay na magising ako...seryoso ba kayo..."

"Oo naman! Dahil unica hija ka namin, pinapangako namin na i-celebrate ang birthday mo nang walang palya!" Sagot ng tatay ko. "Bumangon ka na diyan at kakain na! May pasok din kayo!"

Oo nga pala...birthday ko today. Bali seventeen years old na ako. Nakakatuwa dahil nung bata ka, ikaw pa 'yong nauuna na magising dahil birthday mo—hoping na may mga regalo ka or maganda yung pupuntahan niyong pasyalan. Pero ngayon na seventeen na ako, parang pagod lang ako. Siguro sa kakareview?

Pero hindi naman nawawala sakin ang tuwa kapag birthday ko, dahil every time, as in every time, nakahanda ang birthday cake at mga palamuting disenyo sa kusina namin.

"Happy birthday anak!" Tugon ni papa. Kumanta sila ng happy birthday, and to be honest, fifty percent of me feels happy dahil nag-effort sila na mag-asikaso kahit na four-o-clock palang ng umaga. The remaining fifty percent is feeling awkward dahil hindi ko talaga alam ang gagawin kapag kinakantahan ako ng happy birthday. Papalakpak ba ako na parang tanga or makikisabay sa music? In any case, I'm happy for what my parents did.

"Umuwi ka ng maaga ha? Kung pwede mo lang mainvite yung mga kaibigan mo para sa kainan mamaya, kaso hindi ba malalayong lugar sila?" Tanong ni mama.

"Opo Ma eh... si Camille sana kaso sa Divisoria pa siya." Sagot ko kay mama. Imbitahan ko din sana yung mga friends ko nung highschool kaso nasa probinsya na sila, at isa naman nasa America na.

"Baunin mo nalang 'tong kalahati nung cake tapos bigyan mo sila ha? Oh sya, maligo ka na!" Sagot ni Mama. Matapos kong mag ayos ng sarili, nakahanda na yung baon ko at mga pagkain na dadalhin sa school para kay nila Camille.

Tinignan ko yung nanay ko na medyo pinagpapawisan na sa pagprepare ng mga pagkain, at tatay ko na tinutulungan naman siya. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit.

"I love you Ma, I love you Pa!" at hinalikan sila sa pisngi.

"We love you too 'nak! Mag-iingat ka ha?" Sagot ni Papa.

"Sige po!" Habang nasa biyahe, iniisip ko na siyempre kung alam ba nila Camille, Anthony, at Dante kung birthday ko ba ngayon. Hindi din naman namin napag-usapan 'yon, kaya isusuprise ko nalang siguro sila sa pagkain na dala ko. Tumingin ako sa cellphone ko at luckily, wala pang bumabati sakin sa Facebook maliban sa highschool friends ko na personal message mismo ang pagbati.

Pagdating ko sa school, namangha ako na nagawan agad ng mga designers na maibalik yung mga designs ng University Week. Pagpasok ko sa school, nakita ko kaagad si Dante na nakaupo sa ibaba ng malaking puno.

"Good morning." Sabi ko sa kanya, medyo nakakaramdam ng kaunting excitement.

"Good mood ka ngayon ah...may balak kang masama mamaya no?" Pambihira talaga 'tong lalaking 'to. Pinalo ko siya sa ulo ng bimpo ko.

"At least mag good morning ka pabalik! Pambihira!"

"Aray! Ahahaha! Good morning din sayo, Lorelei." Pangiti niyang sagot sa akin. Nung oras na'yon, bigla kong naramdaman ulit ang bilis ng tibok ng puso ko; naalala ko muli yung panahon na nastuck kami sa MRT at nagkatitigan kami. Nakaramdam din ba siya ng kakaiba nung oras na 'yon? Bumilis din ba yung tibok ng puso niya kagaya ko?

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon