Opus No. 30 - Mga Naiwan Nating Dalawa

6 0 0
                                    

Isang linggo mula nung huli kong nakita si Dante.

"OH! ONE MORE TIME!" Pumito ng malakas ang professor namin sa P.E at ipinalakpak ang dalawang kahoy. "ONE...TWO...HOY MAY MALI NA NAMAN DIYAN! MAMAYA NA KAYO MAGPEPERFORM SAKIN NITO HA! Yung mga wala pang pamaypay diyan! FIVE MINUTES BREAK!"

"Hayy! Sa wakas...!" Sigaw ng isa naming kaklase nang mapaupo sila sa sahig mula sa pagod. Umupo ako sa may bleachers, at nakita ko na lumapit si Camille.

"Bess...? Okay ka lang ba?" Tinanong ni Camille nang umupo siya sa tabi ko. Nang makita ko siya, napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari.

"G-Ganito kasi Camille—"

"Hay nako!" Sumigaw si Anthony nang tumabi siya sakin. "ABSENT NA NAMAN 'YON."

"Anthony..." Tumingin si Camille ng masama kay Anthony.

"B-Bakit? A-ayy! Nandyan ka pala, Miss Lorelei! Okay ka lang ba?"

"Oo...okay lang ako. Napagod lang sa praktis." Sagot ko sa kanila. "Nandyan na ulit si Miss." Bumalik kami sa gitna nang bumalik ang professor namin. Mamaya after ng lunchbreak, P.E ulit namin at doon na kami magpeperform para sa finals namin sa kanya. Pagkatapos ng klase, nagbihis kami ni Camille ng pamalit. Hanggang ngayon...tumakbo parin sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Dante. Yung sigawan namin...yung pag-iyak ko sa kanya...yung pakiramdam ng palad niya sa pisngi ko, at yung pagsabi niya na mahal niya ako.

Nagtungo kami kay Mang Rey at Aling Sheena, kahit wala si Dante.

"Oh! Nasaan si Dante ah?" Tanong ni Mang Rey, habang ibinaba niya ang mga bagong lutong ulam sa lalagyan. Nakatingin sa akin si Mang Rey...at hinihintay niya ako na sumagot.

"A-AH!" Sigaw ni Camille. "H-Hindi po namin alam eh...! Baka may sakit po..."

"Nako nako...mahirap magkasakit ngayon ah!" Sagot ni Mang Rey. "Kailangan malakas ang resistensya ninyo! Naalala niyo nung KUBID? Mahirap na't baka bumalik yang punyetang korona-bayrus na i-yan."

"At dahil diyan..." Dumating si Aling Sheena na may buhat-buhat ding lalagyan ng ulam. "Ito oh, mag-gulay kayo mga iho't iha!" Nagulat si Mang Rey nang makita niyang buhat-buhat ng asawa niya ang lalagyan ng ulam.

"BEBELABS! Bakit ikaw nagbuhat? Dapat tinawag mo ako!"

"Siyempre! Ayaw ko naman na nahihirapan ka no!" Sagot ni Aling Sheena.

"Ay, ang sweet naman po pala." Pangiting sagot ni Jeanne. Napatulala ako sa kanilang mag-asawa; masaya't naghaharutan kahit na medyo may edad na. Masaya sila sa buhay nila kahit na nagtatrabaho parin sila.

"Nga pala! May kailangan pala akong bilhin mamaya!" Tugon ni Anthony. Umupo na kami matapos kaming umorder.

"Ano naman 'yon? Pamaypay no?" Tanong ko sa kanya.

"Oo eh! Nakalimutan ko kasi." Sagot ni Anthony. Pagkatapos namin kumain, sinamahan namin siya sa convenience store habang nauna nang pumasok sila Jeanne at Lee. May klase pa kasi sila. Kumuha si Anthony ng apat na pamaypay—dalawang itim at dalawang asul.

"Bakit dalawa? Para saan yang isang pares?" Tanong ni Camille.

"Para kay Dante...baka dumating...malay niyo." Mahina man ang boses ni Anthony nang sabihin niya 'yon, ramdam naming dalawa ni Camille na nalulungkot din si Anthony. Isang linggo na siyang hindi pumapasok...at pati silang dalawa eh naaapektuhan narin...

"Sayang naman...inubos mo na yung black."

"AHHH!!!" napasigaw kaming tatlo nang may nakakatakot na boses ng babae ang umalingawngaw sa likod ni Anthony. Pagtingin namin, si Denz pala 'yon. "D-Denz! B-Bibili ka din ba ng pamaypay?"

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon