"Hayy..." Naglabas ako ng napakalalim na buntong hininga matapos suriin ang gabundok na student form ng mga first year.
"Grabe bessy...sa wakas natapos din!" Pumasok si Camille at bumagsak sa sofa. "Ginawa ko yung best ko para magaya si Miss Marta, pero walang tatalo sa energy niya! Hay nako!" Natawa nalang ako at napangiti kay Camille. Sumandal ako sa itim kong swivel chair, at hinimas ang cup ng hot choco sa table ko. Naalala ko tuloy si Sir Nick, at yung payo niya sa akin four years ago. Paisa-isa lang sa pangarap.
"Mag-CR lang ako bessy." Tumayo ako sa swivel chair, at kailangan ko lang muna maglakad-lakad.
"Ah! Sige lang bessy. Dito lang ako..."
"Huy, wag kang matulog diyan. First day natin sa Out-Campus seminar sa S.T Hall." Tugon ko kay Camille. Nag unat lang siya't sinariwa pa ang lambot ng sofa.
"Opo....." Sagot ni Camille.
Pagkatapos ko sa CR, nakaramdam ako ng pamilyar na simoy ng hangin. Kaparehas na kaparehas nang nadama ko nung first year ako. Sinundan ko ito, at muli akong napadpad sa rooftop. Nabulag ako sa biglang liwanag pagbukas ko ng pinto.
"ANG SARAP NAMAN DITO! Sana bukas 'to palagi!" Sigaw ng isang babae. Mukhang first year lang siya. Ganito ba itsura ko noon? Ineenjoy niya parin ang view at ang hangin at hindi niya parin napansin na may tao na sa likod niya. Natawa ako sa sarili ko. Iba nga talaga maglaro ang gulong ng tadhana, ika nga nila. Ginaya ko nalang ang approach ni Sir Nick.
"Pasensya na, pero hindi pwede 'yon." sagot ko sa kanya.
"H-hala! Nako! I-I'm sorry po! Kasi nakabukas po yung pinto kaya...kaya ano...uhm..." Napapakamot nalang siya sa ulo niya. May bangs siya at nakabraided ponytail. Maputi siya at medyo singkit. Baby-face ba. Pero sa paraan ng pagkilos niya, mukhang palaban siya at masigasig din.
"Okay lang. Wag mo na problemahin." Sagot ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na sinusuri niya rin ako. Halos kumikintab na ang mga mata niya sa pagmangha. Ganito rin ba ako nang tinitignan ko si Sir Nick at ang astig nilang uniform? "Bakit?"
"A-Ah! Wala po! Fourth Year na po kayo...at Student Head pa...ang ganda po ng uniform niyo Ma'am!" Sagot ng babae. Based sa I.D lace niya, Education din siya. "Ako po pala si Siojie! Siojie Soriano po! Home Economics Major." Nakipagkamay siya sa akin, at somehow, parang naramdaman ko na kung sino ang susunod na magiging Student Head. May something sa paghawak niya ng kamay ko. Puno ng determinasyon at pangarap. Kahit na first year siya at may pagkababy-face, ramdam ko sa mga kamay niya ang bigat nito.
"Hulaan ko: nandito ka dahil iniisip mo kung paano ka magi-introduce sa klase mo no?" Tanong ko sa kanya. Nabigla siya, at siguro nga ganito ako noon.
"Opo! Well...medyo. Iniisip ko po yung pag-enroll ko dito sa Crescendo. Scholar din po kasi ako kaya natutuwa lang po ako na nakapasa ako dito. Napaisip lang ako kung paano kapag tinanggap ko yung enrollment sa ibang school. Hindi ko po siguro makikita yung view dito!" Masiglang sagot ni Siojie.
Muli kong naalala ang panahon na'yon...sa panahong inisip ko kung paano kaya kapag iba ang mga naging desisyon ko. Habang tuwang-tuwa si Siojie sa view, tinanggal ko ang nameplate ko at binasa ang pangalan ko. Paano kaya kung iba ang naging desisyon ko? Hindi. Tama lang din. Sinuot ko ulit ang nameplate ko at tumabi kay Siojie, sumandal sa bakal na harang ng rooftop.
"Kung ano man ang napagdesisyunan natin, panigurado dadalhin tayo nito sa lugar kung saan tayo nararapat. Makakarating din tayo sa pupuntahan natin...sa paglipas ng panahon." Ngumiti ako kay Siojie, at narealize ko na ang mga salitang binitawan sa akin ni Sir Nick. Paisa-isa lang sa pangarap...makakarating ka din.
Ngumiti sa akin si Siojie at tumango. "Opo Ma'am! Salamat po Ma'am Alasio!" Bago siya pumasok ulit sa loob, hindi ko inaakala ang mga sumunod niyang binigkas sa akin. "Balang araw po, makakapagsuot din ako ng uniporme kagaya niyo! Promise yan!" Sigaw niya sa akin na may kasama pang thumbs-up, at pumasok na ulit sa building. Naiwan ako sa rooftop, at sumandal ulit sa harang. Mga pangako....
Kinuha ko sa bulsa ko ang purple na bracelet na may simbolo ni St. Benedict. For four years, hindi ko 'to sinuot...pero hindi ko alam kung bakit nasa akin parin ngayon. Pati narin ito...ang puting singsing na may eight-note symbol sa gitna, ang singsing mo na kinuha ko sayo. Ano na kayang ginagawa mo ngayon? Kamusta ka na kaya diyan sa America? Namimiss mo rin kaya kami? Nagbago ang ngiti ko dahil sayo...at sa desisyon na ginawa nating dalawa. Masaya ako...Dante...sa binuksan kong pinto at nakita kung ano ang nasa loob nito...kahit na sa kaunting panahon lang. Sana ikaw rin.
Tinanggal ko ang singsing mo...at kinalikot ito sa palad ko. Ngumiti ako sa ere, sa himpapawid, at naisip ang isang imahe na nasa LRT ako. Sumakay ako sa tren, at naiwan ka sa istasyon. Nagsara ang pintuan ng tren sa pagitan natin. Nagsimula nang umandar ang tren, at ngumiti ka sa akin at tumango. Klaro parin sa akin ang imahe mo, nakaputing v-neck long sleeves at itim na jeans. Napakalambing parin ng ngiti mo, Dante. Papaalis na ako...Dante. Mauuna na ako. Maraming salamat. Maraming, maraming salamat Dante. Sana marinig mo 'to:
"Mahal din kita, Dante."
Muli akong dumilat, sa paghalik sa akin ng simoy ng malakas na hangin. Lumakad ako papunta sa pinto, humawak sa handle nito at naghanda na bumalik sa Student Room. Tinignan ko pa ang rooftop sa huling sandali bago ko isinara ang pinto, at narinig ang tunog ng lock na para bang ngayon lang ulit ito nakabig makalipas ang apat na taon. Humawak ako sa sinara kong pinto, pumikit, at nag-iwan ng ngiti.
Paalam.
*******************
"Oh! Goodness...my table's a mess. Sorry about that."
"That was one strong wind, wasn't it sir? I don't think a storm was mentioned to land here in Manhattan."
"That was just the wind...quite strong, yet gentle at the same time... "
"...are you okay professor? You kinda spaced out."
"Y-Yeah...I'm fine. I thought I heard something...something faint..."
"Do you...want me to close the window for you, professor?"
"...No. Leave it open, Mr. Jenkins. Here, I've finished signing it. Make sure to clean and fix up the Concert Hall before you guys leave, is that clear?"
"Yes sir, loud and clear. I'll be going now."
"...and no funny business. I heard your girlfriend will come by and help you guys with the arrangements?"
"W-Where did you hear that sir?!"
"Hmph. I just do, kid. I just do."
"Heh. I promise sir, no funny business!"
"...and sir?"
"Yes, Mr. Jenkins?"
"Thank you for all your help...Professor Rio."
[To be Continued on Never Broken]
BINABASA MO ANG
Pinky Swear [COMPLETE]
RomanceHanggang kailan mo kayang panghawakan ang isang pangako? Isang Filipino Major freshman sa isang tanyag na unibersidad, tuwang-tuwa si Lorelei Alasio sa kanyang panibagong buhay bilang isang kolehiyana--buong tinatalikuran ang lahat ng masasamang ala...