Aakalain mo na University Week na ulit.
For the first time ever, naghost ang Crescendo University ng Classical Competition spearheaded by the Administration and the College of Music and Theories. Bago pumasok, tumitig ako sa kanang kamay ko. Suot ko ang purple na bracelet na bigay ni Dante.
"Tignan niyo yun oh!" Tumuro si Camille sa entrance, at nakita namin na dumadating ang mga estudyante mula sa iba't ibang unibersidad. Sa itsura nila, mukhang mga MAPEH Majors o Music Majors mula sa private universities (since Crescendo palang ang naunang State University na mag-cater ng Music Curriculum). "Parang mas engrande pa yata ang mangyayari kumpara nung University Week!"
"Meron ding mga galing sa State Univ. oh!" Tumingin kami sa tinuturo ni Jeanne, at nakita namin ang mga professors mula sa State Universities like Polytechnic University of the Philippines, Unibersidad De Manila, Philippine Normal University (yung second choice school ko), Rizal Technological Univeristy, Technological University of the Philippines, at iba pa. "Grabe...wala naman dibang invited na participants mula sa ibang school?"
"Well, they're not here just to see some talented musicians. They're also here to meet and study the music curriculum and how they can integrate it on their own." Sagot ni Lee.
"Mabuti nalang din!" masigasig na tugon ni Jeanne. "Dahil diyan nagpokus ang school natin sa event, kaya mas nakaluwag-luwag tayo."
"Nga pala, pinapaabot ni Dante." Kumuha ako sa bag ko at inabot ang mga kulay black na mga card sa kanila. "Nagpareserve siya ng mga upuan sa harapan. Iabot nalang daw natin yan sabi niya."
"WOAH!" Napasigaw sa tuwa si Anthony nang abutan ko siya. "Grabe! Kinikilabutan na ako! Wala naman akong alam diyan sa klasikal music pero nakakaexcite parin!"
"Ikaw Lee? Hindi ka ba naeexcite? Tsaka bakit hindi ka sumali? Nagva-violin ka diba?" Tanong ni Jeanne. Nabigla at tumingin kami kay Lee.
"Talaga?!" Sigaw ni Camille. "Bakit hindi ka sumali?"
"I-I backed out. Our college found someone na mas marunong sa akin. Besides, hindi naman ako ganun kagaling to match someone like Dante, or Freya." Sagot ni Lee.
"Wait...kilala mo si Freya?" Tanong ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko, hindi pa namin kilala si Jeanne at Lee nung dinurog ni Dante si Frederic sa badminton.
"Yeah. Anyone who's into classical knows Freya Savonarola. She was the undefeated Champion in the Piano Category of the Nationals." Sagot ni Lee. Nagulat sila Camille at Anthony, pero nasabi na sakin ni Dante ang past ni Freya. Savonarola pala last name niya...parang Italian. "...and apparently, she plans to use Fantasie Impromptu."
Fantasi Impromptu... ayun yung tinugtog din ni Dante sa Brin D'Herbe nung bata pa siya! Mukhang gustong talunin ni Freya si Dante sa sarili niyang lupain...
"Ah! Guys! Sabi ni Dante pumunta na daw tayo sa venue. Wala daw kasing nakalagay na 'reserved' yung mga upuan natin." Pinakita sa amin ni Camille ang chat ni Dante sa GC namin. "Pwede naman daw magdala ng pagkain, wag lang yung makalat."
Pagkabili namin ng pagkain at inumin, agad kaming nagtungo sa Fifth Floor ng College of Music and Theories. Pumila kami ng kaunti, at pagdating sa unahan ay pinakita namin ang itim na card ni Dante, at agad nila kaming pinapasok. Niyakap kami kaagad ng lamig at amoy ng Lysol...para siguro hindi mabaho yung carpet. Pero nawala ang lamig sa katawan namin nang makapasok na kami sa loob mismo ng Hall.
Golden columns, seats sa gitna at meron din sa gilid sa itaas, at lighting na akala mo nasa theatre ka.
"Seryoso ba 'to...?" Bulong ko sa sarili ko. May ganito pala ang College of Music and Theories! Grabe! Talagang sinusustentuhan sila ah!
BINABASA MO ANG
Pinky Swear [COMPLETE]
RomanceHanggang kailan mo kayang panghawakan ang isang pangako? Isang Filipino Major freshman sa isang tanyag na unibersidad, tuwang-tuwa si Lorelei Alasio sa kanyang panibagong buhay bilang isang kolehiyana--buong tinatalikuran ang lahat ng masasamang ala...