Umaga palang wala na naman sa mood si Diana. Ever since naging Boss namin siya, palagi na syang ganyan. Palaging mainitin ang ulo at maikli ang pasensya.
Lahat takot magkamali dahil alam namin kung gaano siya kasakit magsalita at magpahiya ng tao. She's the epitome of a "Modern Beast." Yan ang bansag ng mga kasamahan ko sa trabaho sa kanya.
She's so organized, neat, fast-paced and smart. And she's expecting that from her employees. Bawal ang magulo, tatanga tanga at mabagal kung ayaw mong mapahiya sa harapan ng maraming tao.
Tinatapos ko pa ang pinapagawa ni Diana na sales report namin for this week nang makita kong umiiyak na namang lumabas si Kiara sa opisina ni Diana. Parang minudmod pa ata ang mukha niya sa cake na kaka deliver lang.
"Oh? What happened?." Lapit ko rito.
"Sumosobra na yang impaktang Diana na yan. Ayoko na Argel--I quit. Maghanap siya ng bagong secretary niya!." Iyak pa nito at tuluyan nang umalis.
Hindi ko narin kaya tong pang-aabuso niya sa mga empleyado. Diretso akong pumasok sa office niya para kausapin siya.
"Don't you know how to knock?." She said a bit irritated. May ginagawa pa ata ito sa laptop niya.
"Anong ginawa mo kay Kiara?!."
"I made her taste the bitterness of life." Na parang wala man lang pakialam.
"Sumosobra ka na Diana. Masyado mo nang minaliit ang pagkatao niya. And not just her, lahat ng empleyado dito!."
"You're saying that because you don't know what they did. And that stupid woman na pinaglalaban mo ngayon, alam mo kung anong ginawa niya? She attempted to poison me with that cake. Akala niya maiisahan niya ako. She should be thankful of the fact that I'm too busy para idemanda siya."
"You're lying."
"Tsk. Sabi ko na nga ba. Paniniwalaan mo yung babaeng yun. Ano? Gusto mo ring masisante? Your choice."
"Bakit ka ba nagkakaganyan?! Kasi hindi na ito yung Diana na nakilala ko!. Kung andito lang si Tito--"
"Yun na nga Argel. He's gone. And he's never coming back. At kaya lang naman ako nagagalit sa mga tao dito dahil hindi nila inaayos ang trabaho nila!. Don't tell me that we hired a bunch of college graduates with empty heads!. Ako ang nagpapasweldo sa kanila, pati SAYO. I'm the Boss. I'm your Boss." Lapit niya sakin as she poked my chest.
"Not anymore. Alam mo, kaya ka siguro iniwan ni Sky dahil nagbago ka na. Lahat naman siguro mapapagod na mahalin ka. What happened to you Diana?." I said finally walking out. Nalulungkot ako because the sweet little girl I've met since elementary turned out to be this monster.
Si Diana palang nakapagparesign sakin sa trabaho.
FF
Kasama ko ngayon si Kiara sa isang bar. Gusto niya daw kasing uminom.
Cheers!
"So, di mo narin pala natiis ang demonyitang Diana na yun tsk."
"Sumosobra na rin kasi siya. Hindi naman siya ganyan dati eh. Siguro epekto lang ng pagkamatay ng Daddy niya. Lumala pa nung iwan siya ng boyfriend niya. Pagod narin ako. Wala yung pinapakinggan kundi ang sarili niya."
"Di kasi porket nasaktan siya, may karapatan na siyang manakit ng iba. Well, good luck sa magiging bago niyang secretary. Makakapurchase talaga yun ng ticket to hell."
"Pero sana lang bumalik na ang dating Diana. Kahit naman ganyan siya may pinagsamahan parin kami. Lalamig din ulo nun."
BINABASA MO ANG
SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)
General FictionThey say, "When two people wish upon the same star at the exact same time, their wishes intersect." Somewhere in the world there's a girl who wanted to fulfill a family tradition, and a woman who wanted to be loved truly by one person. They have to...