Chapter 29

281 9 2
                                    

Franki's POV

KINABUKASAN

Sa church kasama ang family ko.

"Sabi nila the truth will set you free. Pero bakit maraming sinungaling? Ayaw ba nilang maging malaya?. Bakit? Sino ba ang mga taong to?.

John 8:44 ESV
You are of your father the devil, and your will is to do your father's desires. He was a murderer from the beginning, and has nothing to do with the truth, because there is no truth in him. When he lies, he speaks out of his own character, for he is a liar and the father of lies.

Bakit? Ano bang klaseng sinungaling sila? Anong ginawa nila?

1 John 2:4 ESV
Whoever says “I know him” but does not keep his commandments is a liar, and the truth is not in him,.

Kaya kung may iba man dito na namumuhay sa imoral na paraan, magsisi na kayo. Ibig sabihin, humingi kayo ng patawad sa pamamagitan ng pagtigil sa inyong kasamaan at pag gawa ng mabuti.."

Pagkatapos.

Dumiretso na kami sa bahay para maghanda ng pagkain hanggang gabi for our family gathering.

Tumutulong ako sa pagluluto nang tawagin ako saglit ni Sky. May importante daw siyang sasabihin sakin.

..

Diana's POV

FLASHBACK

Pauwi na kami ni Dion, siya ang nagdadrive. Nakalayolayo na kami sa bahay nina Franki.

"Diana, didiretsohin na kita. You know how much I hate losing. Especially from you. Gusto kong layuan mo na si Franki. Akin lang siya Diana--"

"A-ano bang pinagsasabi mo?."

"May gusto ka rin sa kanya diba? Diana, hindi pwedeng maging kayo ni Franki. Babae ka. Babae kayo pareho. Hindi rin naman kayo matatanggap ng mundo eh. Dadalhin ko na siya sa mundo ko."

"Teka, ano?."

"Hindi kami pwedeng ikasal dito diba?."

"P-pero pano ang mga nagmamahal sa kanya dito? Hindi mo ba naisip yun?. Hindi mo pwedeng kunin si Franki Dion. Hindi ako papayag."

"Ano? Makikipagmatigasan ka na sakin ngayon ha? So tama nga ako. Gusto mo siya. Pero duwag ka kaya talagang di kayo nararapat sa isa't isa!."

"Hindi ako duwag, talagang hindi lang talaga ako makasarili katulad mo!." Bigla niyang hininto ang sasakyan, nagulat ako nang bigla nya akong sinakal.

"Itong tatandaan mo Diana, babae ka lang! Hindi ka ginawa para sa kapwa mo babae!. Layuan mo si Franki kung ayaw mong mapilitan akong patayin ka!."

"Nababaliw ka na!." Tulak ko sa kanya.

"Pwede ba hayaan mo nalang si Franki?! Kung mahal mo talaga siya dapat iniisip mo rin kung anong mararamdaman niya! Sige! Ano?! Gusto mo kong patayin?! Siguro nga kaya ka namatay dati dahil hindi  naman talaga nararapat mabuhay pa sa mundo ang isang tulad mo!. Sukdulan na yang kasamaan mo!." Sigaw ko sa kanya.

"Edi lumabas narin ang totoo na ginusto mo akong mamatay dati dito sa mundo mo! Wala kang ginawa dahil naiinggit ka na ako yung gusto ng lahat!."

"Hindi totoo yan! Oo nainggit ako sayo noon, pero hindi ibig sabihin nun ginusto ko nang mawala ka!. Bakit? Nung nawala ka ba nagustuhan nila ako?! Hindi! Lalo na si Mommy, ako ang sinisisi niya sa pagkawala mo! Nasira yung pamilya natin Dion!. Tapos sasabihin mo sakin na ginusto ko tong lahat?! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko nung nawala ka kaya wag na wag mo kong susumbatan dahil wala kang alam!."

"Wala din akong paki! Ano bang pakialam ko eh buhay mo yan?! Ang importante lang sakin ay makasama si Franki. Ano bang paki ko sayo? Magkapatid lang tayo sa dugo pero wala kang pakinabang!. Ano?! Umalis ka na! Hindi kita kilala!." Labas niya ng kotse.

Kaya umalis nga ako.

EOFB

Pumunta ako sa puntod ni Dion. Umiyak lang ako nang umiyak.

"Ganun ba talaga ang kahihinatnan pag buhay ka hanggang ngayon Dion? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya? Wala na ba talagang--"

"Pano mo to nagawa sakin?." Napalingon ako nang may narinig akong boses.

"F-Franki.."

May sasakyan. Andun sa loob si Sky.

"Pinagkatiwalaan kita Diana--pano mo nagawang lokohin ako?." Magang maga na ang mga mata niya sa kakaiyak.

"Kung patay na si Dion, sino yun?. Sino yung lalaking nakakasama't nakakausap natin? Bakit mo ba talaga to ginagawa ha? Pinagtitripan mo ba kami? Kasi Diana, hindi na nakakatuwa. Pano mo nagawang babuyin ang pagkatao ng taong matagal nang patay?."

"Hindi ka rin naman maniniwala pag sinabi ko sayo ang totoo."

"Anong totoo ba?. Kasi gulong gulo nako Diana--"

"Si Dion talaga yun. Ang kapatid ko Franki. I know this may sound crazy pero maniwala ka sakin, nagsasabi ako ng totoo. Galing siya sa ibang universe. Kung patay siya dito ibig sabihin buhay siya sa kabila. Hindi niya matanggap na di mo siya kayang mahalin sa lugar na yun kaya--" isang napakalakas na sampal ang natanggap ko kay Franki.

"Alam mo Diana, mahal kita. Pero tama na. Tama na. Wag mo nang pagtakpan pa ang mga kasinungalingan mo ng mga gawagawang kwento. I've had enough. Ikakamatay mo ba talagang magpakatotoo?."

"But I'm telling the truth--"

"Talaga lang ha. Alam mo yung pinakamasakit? Yung pinagmukha kang tanga ng taong pinamahalaga sayo. Tapos gagawin niya ulit kasi alam niya kung pano yun gawin ulit. Alam mong pinakaayaw ko sa lahat ay sinungaling. So don't ask the universe why you're not happy, kasi kagagawan mo yan. Grow up Diana."

At yun na ang pinakahuling kita ko sa kanya. Nagresign na siya sa trabaho. Ilang linggo narin. Hanggang isang araw habang nasa garage ng bahay ko ako biglang sumulpot si Dion, pawis na pawis at may maraming pasa. Takot na takot.

"Diana, please tulungan mo ko. Gusto niya kong patayin."

"Nino?."

Nagulat nalang ako nang makarinig ako ng tunog ng baril. The next thing I knew nakahandusay na sa sahig si Dion at may tama sa temple.

Napalingon ako. Nakita ko si Ken Gil. Diba patay na siya? Pano?.

"Favor granted. I came from the other side. Veah told me everything. Ingatan mo si Franki para sakin Diana. Please." Ken begged.

Tumango lang ako.

"Ready ka na ba?." Bigla niyang tanong sakin with a dangerous smile.

"What do you--" bigla nalang nya akong binaril.

RESET

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon