Chapter 8

285 6 0
                                    

Franki's POV

Sunday.

Day off ko ngayon.

After going to church kasama ko sa family van sina Tito Donito, Tita Miriam, Maza and my parents. Mom's in the passenger seat beside Dad. Nasa kabilang van sina Kuya Derek, Ate Soph, Lola and Lolo at cousins naming mga bata.

"So Franki iha, where's this guy that you promised--" open ni Tita Miriam.

"I didn't--"

"He'll be joining us for dinner mom. Don't worry." Sabat ni Maza.

"Wait--what?."

"Nakasama namin siya twice, I think he's nice naman." Kwento ni Maza. Pinapahamak talaga ako ng babaeng to.

"Well, let's see about that. He better be man enough." Seryosong sabi ni Daddy. Kinabahan tuloy ako lalo. Gosh. This is bad, like really times infinity bad.

Ni Hindi ko nga siya boyfriend eh. I don't even know kung san siya ngayon at kung anong pinagkakaabalahan niya. Anong gagawin ko?.

Bumaba na kami ni Maza sa supermarket para mamili ng ihahanda namin for lunch and dinner. Kami laging assigned dito, while titas and mommies sa pagluluto. Tito's and Daddies for other stuff. So while may pinagkakaabalahan sila, kami muna ang magbabantay sa mga bata. While Lolo and Lola have their quality time alone together.

Yan na yung routine namin every Sunday since mga bata pa kami ni Maza at ng isang cousin naming namatay. Kami pang tatlo nun pero masaya naman kami. Napapangiti nalang ako habang inaalala ko yun.

"Carbonara or spaghetti?." Tanong ni Maza.

"Carbonara. Every week nalang tayong nag-iispagetti Maza. Di ka pa ba nagsasawa?."

"That's called loyalty Franki, palibhasa kasi di ka loyal. Kaya mo siguro hindi pa sinasagot yung si Fafa Dion dahil may iba ka nang gusto. Aminin mo, may iba no?."

"Pano ko naman kasi siya sasagutin eh hindi niya naman ako nililigawan?."

"Wait--seryoso? Hindi talaga?."

"Hindi nga, kulit."

"Bakit?."

"Anong bakit?."

"Akala ko pa naman he likes you. Hmm baka torpe lang. May guys talagang ganyan. Ses, ganda nito oh." As she slightly touched my chin. I rolled my eyes.

"Hindi siya torpe, sadyang di nya lang talaga ako type. Yun yung malinaw Maz. Bilisan na nga natin--" tulak ko sa cart nang hindi ko napansing nakabunggo na pala ako. Pero parang di rin pala siya tumitingin sa dinadaanan niya kasi parang may hinahanap siya.

"Naku, I'm sorry. I didn't mean--Ma'am Diana?." Gulat kong tanong. Nag gogrocery din pala to?. Hmm. Naninibago ako kasi naka casual clothes lang siya ngayon. Typical skinny jeans, sandals and a white shirt na may print ng 1975 band. So, she's also a fan pala.

"F-Frances." And then our eyes met. Silence.

"Eherm eherm." Maza interrupted.

"Oh I'm sorry. Maza, this is my Boss. Ma'am Diana. Ma'am Diana, this is my cousin Maza. Sorry po Ma'am, I wasn't looking." Pakilala ko sa dalawa.

"Nice meeting you po." Shake hands ni Maza rito.

"Masyado namang nakakatanda yung po. Diana nalang. Ikaw rin Frances, just call me Diana. Wala naman tayo sa trabaho eh." She smiled. All of a sudden naalala ko lahat ng mga nangyari kagabi. I swear it felt real. Our lips were centimeters apart. Okay, maybe that's just my imagination.

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon