Franki's POV
Kakalabas lang ni Sir Argel sa office ni Ma'am Diana, mukhang wala pa ata to sa mood.
Pumasok na ako,
"Thank goodness you're here, where were you?. You forgot to remind me about my meeting with Miss Marcelo." Back to Modern Beast ba peg niya ngayon? Nakakatakot siya.
"S-sorry po ma'am. Nawala kasi sa isip ko."
"Hindi pwedeng nawala lang sa isip mo. That's the point of your job. You're supposed to remind me!."
"Kasi po pinagawa nyo po sakin yung about sa--"
"Are you saying na kasalanan ko?."
"Hindi naman po sa ganun."
"Franki, Miss Marcelo is the commercial director chosen to showcase our product. Next week na yung deadline ng company natin for releasing our 30th anniversary special. Pano na ngayon yan?. Parang mauunahan pa ata tayo ng Serpents." Ang Serpents ang wine company na katapat namin. Next week din ang anniversary ng company nila but it's their 20th pa.
"Gagawan ko na lang po ng paraan."
"Dapat lang." She said.
FF
Nagtanong tanong ako sa kung saan ko mahahanap si Direk Vianca Louise Marcelo. I've spent 3 hours searching for her and nakita ko siya sa isang coffee shop.
Mag-isa lang siya dun.
"Excuse me po Ma'am Vianca, ako po yung secretary ni--"
"I know. Please sit down." Umupo nalang ako sa tapat niya.
"Pasensya na po. Kasalanan ko po talaga lahat. Nakalimutan ko po yung schedule niyo with Ma'am Diana and--"
"I don't have time for apologies Miss Russell. I need the concept and story. There's no need to be personal here. Now tell me, what do you got?."
"P-po?."
"You didn't waste your time and energy coming here for nothing, right? Then show me how this commercial will be like. Diana couldn't give me that in just a short period of time, not because she's dumb but because she lacks one thing that's used to be part of her."
"Ano po yun?."
"Her heart. She admitted it herself na wala siya nun, ngayon. Let me rephrase that, her heart belongs to someone else now. Anong ibig sabihin nun?."
"She's a heart donor?." I asked. Ano ba talagang ibig niyang sabihin?. Napakunot nalang siya ng noo.
"Anyway. 7pm. Send me the final script for the commercial." Sabi nalang nito at umalis na. Bakit ba umaalis ang mga tao pag kausap ako? Tsk.
At saka 7pm?. Ilang oras nalang. Ano namang klaseng commercial yun?. Isip Franki isip.
Wala na sana akong pinoproblema ngayon kung naalala ko lang yung about sa meeting nina Ma'am Diana kaninang umaga. Hindi na talaga ako uulit. Secretary ako tapos bigla nalang akong naging scriptwriter, ano bang trip nito ni Ma'am Diana? Pero hindi ko naman siya masisisi kasi kasalanan ko naman. Nagkamali ako.
7pm. Nasend ko narin sa wakas ang script na hinihingi ni Miss Marcelo. Okay na siguro yun.
Palabas nako ng office nang makasalubong ko sa hallway si Ma'am Diana. Mukhang wala parin sa mood si Ma'am Diana pero nginitian ko parin siya.
"Nasend ko na po kay Miss Marcelo yung pinapagawa niya po sakin."
"Inayos mo naman siguro yun?." Sabi niya sakin habang tuloy parin sa paglalakad hanggang sa pumasok na kami sa elevator.
"Oo naman po. Talagang binuhos ko po ang best ko dun."
Silence.
"Nag dinner na po kayo Ma'am?." Tanong ko nalang dito.
"Hindi pa."
"Ako din po di pa eh. Gusto niyo po sabay nalang tayo?."
"No thanks, I'm having dinner with Argel tonight." Labas namin sa elevator.
Ano ba talagang problema nun?.
Mabuti nalang sinundo nako ni Maza ngayon at sinamahan niya kong magdinner sa labas. At sa wakas din nakaihi nako.
"Dahan dahan lang, para kang ilang taong di nakakain. Diba 5 ang out mo? Eh mag eeight na." Sabi ni Maza.
"May special task kasi ako ngayon, nakalimutan ko ring kumain kanina ng lunch dahil sa sobrang busy ko sa pagtapos nung inassign saking trabaho."
"Sino ba yung kasama ni Diana na guy?."
"Ah si Argel."
"Boyfriend niya?." Napatigil nalang ako sa pagkain. Ano bang meron sa tanong na yun na parang biglang bumigat yung dibdib ko?.
"Siguro." Ngayon mukha pakong malungkot. I'm not possibly jealous right?. Haha impossible yun.
"Pero alam ko bukas sobrang excited ka na no?." Change topic niya?.
"Bakit? Anong meron bukas?."
"You're unbelievable. Yung double date natin. Remember?. Makakasama mo ulit bukas si Dion, uyyy." Tukso niya sakin pero wala parin itong epekto sakin. Tumuloy nalang ako sa pagkain.
"Oh? Bakit hindi ka kinikilig diyan?."
"Wala. Kumain ka na nga dyan."
Pagdating sa bahay, hindi parin mawala sa isipan ko ang galit na mukha ni Diana kanina. Bakit ganun? Hindi ko magawang magalit sa kanya.
Kahit na tinataray tarayan niya ako. Bakit kaya bigla siyang bumalik sa side niya na yun?.
..
Diana's POV
Nasa isang lugar kami kung saan walang masyadong tao, at tanaw namin ang mga ilaw ng mga buildings sa ibaba. Naging si Dion na naman ako.
"Ilang taon Argel, ilang taon niya kong niloko. Ni isang beses hindi ako nagduda. Ang tanga tanga ko, ang tanga tanga ko!." Iyak ko.
"Tama na yan. Hindi mo naman kasalanan eh. Sky is just a jerk. Pero at least diba? Wala na kayo. Dapat kasi dyan wala ka nang pakialam." Bawi niya sa dala kong bote ng alak.
"Isa pa yang Franki na yan. As long as she's there, makikita mo at maaalala ang mga ginawa sayo ng gagong Sky na yun. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi mo magawang layuan yang babaeng yan."
"Yan din yung di ko rin maintindihan eh. I feel like when I'm Dion, it's like I'm always drawn to her."
"Because that body is falling for that girl Diana."
"Anong gagawin ko? Pano kung pati ako mahulog rin sa kanya?."
"Your male body gets attracted to her because she's a woman, your soul is female, as Diana you will only fall for men."
"Isn't soul genderless?."
"Hindi lang ako sure. Basta kung may nararamdaman ka nang ganun, pigilan mo. Wag kang magpapadala sa bugso ng damdamin, kasi yang feelings at emotions, ipapahamak ka lang niyan."
BINABASA MO ANG
SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)
General FictionThey say, "When two people wish upon the same star at the exact same time, their wishes intersect." Somewhere in the world there's a girl who wanted to fulfill a family tradition, and a woman who wanted to be loved truly by one person. They have to...