Franki's POV
It's our family dinner. Kasama sina mommy, daddy, ate Soph at husband niya, kuya Derek at asawa niya, Lola, Lolo, Tito Arnold at ang pamilya niya at saka si Tito Donito saka family niya rin, mga pinsan at pamangkin ko na bata, at pinsan kong halos ka edad ko na si Maza.
Sobrang close talaga kami ng family ko. Every Sundays lang to nangyayari na may family gathering kami since hindi gaanong kalapitan ang mga bahay namin.
"Dad naman eh,nakakahiya.." Sabi pa ni Maza kay Tito Donito. Kapatid ni Daddy, while kapatid naman ni mommy si Tito Arnold.
"Bakit? Ano bang nakakahiya dun? You're getting married soon. At saka perfect time talaga kasi you're also fulfilling the family tradition. You're getting married before the age of 26." Sabi ni Tito Don. Nag congrats naming lahat kay Maza. 3 na rin kasi sila ni Sky. Siguro panahon narin.
"Speaking of, I heard malapit narin ang birthday mo Franki. Isn't it next month?.Kailan mo ba ipapakilala ang boyfriend mo?." Tanong ni Tita Miriam. Mommy ni Maza.
"Next two months pa po--"
"Kung meron yang jowahaha. Eh nung huling nagkaboyfriend yan Tita nung high school pa hahaha. Yung classmate nya pang dinidikit ang kulangot sa ilalim ng armchair haha." Tukso ni Kuya Derek. Tawanan naman lahat. Dugyot. Tsk.
"Ma oh, si Kuya inaasar na naman ako." Binelatan pako ng siraulo kong kapatid.
"Haha San na ba kasi yang sinasabi mo saking boyfriend mo ha?. Last year mo pa yung kinuwento, di mo naman pinakilala samin."
"Soon Ma. M-medyo busy kasi siya ngayon. Alam mo na, business man." Eh pano naman ako magpapakilala ng boyfriend sa kanila na echos lang naman yung sinabi ko kay mommy.
Kasi ang totoo, hanggang ngayon nahihirapan parin akong makahanap ng lovelife. At hindi lang lovelife, trabaho rin. Marami na akong inapplyan, silang lahat sinasabi lang sakin na tatawagan lang daw ako pero ni isa sa kanila walang tumawag. Kung pwede lang sana, ako pa mismo magiging sponsor nila ng load para lang tawagan nila ako. Kailangan ko na talaga ng trabaho at lovelife.
11:09 na ng gabi, nag-uusap parin sila sa loob. Nag stay naman kami ni Maza sa bench sa garden habang pinapanood ang kalangitan.
"Alam mo, may nagsabi sakin na kapag nag wish ka for yourself madalas masama ang kalalabasan. Kaya dapat kapag humihiling ka, para ito sa kabutihan ng ibang tao." Kwento ni Maza.
48, 49, 50..
"Tita Franki. Tawag ka po ni Lolo." Lapit ni Miracle, anak ni Ate Soph.
"I'll be right back." Sabi ko kay Maza.
..
Maza's POV
Pumasok na si Franki nang biglang nag alarm ang phone ko at exactly 11:11. Ito yung time usually na may hinihiling kami ng fiance ko for other people. He taught me this.
Hmm. Maybe my wish for tonight is for Franki.
"I wish makita na ni Franki ang taong yun. Please give her signs that are obvious kasi minsan tanga yung pinsan kong yun eh." And I opened my eyes, I saw a shooting star. Oh, I got another wish. Ano pa ba? Oh yes.
"I wish na magustuhan siya ni Tito Derek for Franki."
Isa ring reason kung bakit natatakot si Franki na magpakilala ng kung sino sino lang na lalaki sa family is because of her father Tito Derek Sr.
Masyado siyang strikto. Hindi niya gustong mapunta nalang sa kung sinong lalaki lang anak niya. Sobrang taas ng standards ni Tito Derek at talagang it's impossible to please him.
Lesson learned since yun din yung issue nila sa husband ni Ate Soph. Hindi talaga sila magkasundo.
KINABUKASAN
Pumunta nako sa cafe na sinasabi sakin ng fiance ko.
"Sorry hon. Sobrang traffic kasi." Beso ko rito.
"It's okay. How's your dinner last night?. Sorry ah, dami kasing dapat tapusin. Syempre, para sa future natin."
"Okay lang. May next sunday pa naman eh. Siguro naman pwede ka na dun. Ay sya nga pala Sky, last night nag wish ako for Franki."
"Hulaan ko, you asked for her 'the one'."
"Bingo. Eh kasi kawawa naman yung pinsan kong yun. Olats lagi pagdating sa lovelife. Baka masumpa pa sya no."
"Masumpa?."
"Oo. Kasi sabi nina Daddy na tradisyon na ng pamilya namin ang mag-asawa before the age of 26. Nakwento ko naba to sayo?."
"Nope. Proceed."
"As I was saying, kapag hindi ka pa kasal after you reached that age, like for example next week 27 kana malaki ang posibilidad na matitigok ka before you even turn 27."
"Ay, tigok talaga? Grabe naman yan. Eh pano yun? Si Franki--"
"Yun na nga, magtu-26 na sya in two months. Pero may ilang months pa naman siya para makahanap ng mapapangasawa, right?."
"Maza, hindi minamadali ang pag-aasawa."
"Ayoko naman talagang maniwala dyan nung una sa sumpa sumpa na yan. Pero after what happened to our cousin Kuya Lloyd, you know him right?."
"Of course. Yung naaksidente 2 years ago."
"He's gay at hindi natanggap nina Tito Sitto yun kaya pinilit nila siyang ipakasal sa isa sa mga anak ng kompare niya. Lumaban si Kuya Lloyd. And just before his 27th birthday nangyari yung aksidente."
"Nakakalungkot naman. Alam mo, mabuti nalang talagang naisipan mong humiling for Franki."
"By the way, sinong pinagwish mo kagabi?."
"My ex."
"What?. You never told me you had one."
"Kinwento ko sayo once nakalimutan mo lang."
"Her name, nakalimutan ko na rin. Konting details lang kasi nabanggit mo nun."
"I mean, kailangan pa ba talaga nating pag-usapan yun?. Don't worry, harmless naman yung wish ko. Good thing because nagka meteor shower pa pagsapit ng alas dose kagabi kaya maramirami akong nawish for her."
"Ano naman yun?."
"Ano--na sana matupad lahat ng good wishes niya, na maintindihan niya yung perspective naming mga lalaki, na hindi na siya maging modern beast, at higit sa lahat matagpuan na niya yung isang taong totoong magmamahal sa kanya."
"What's her name again?."
..
Diana's POV
Sobra akong nalasing kagabi, sobrang sakit na ng ulo ko. Dito lang ako sa kwarto ko uminom. Bumangon nako at nagstretching saglit. Hmm that's weird. Bakit parang sumikip ang suot kong pantulog?.
At mas lalo akong nagulat. Ano tong matigas na nakatayo in between my thighs. Sht I could feel it like it's connected to my body. Could it be? Teka, my hands are a bit hairy and veiny. t kailan pako nagsuot nitong silver ring sa left ring finger ko?. What's going on?.
I slowly held my face, sht sht sht. I think I got facial hair. May muscles pako. Nagmadali akong pumasok sa CR at pag tingin ko sa salamin, you've got to be kidding me.
Did I just turn into a man overnight?!
Napasigaw ako sa sobrang gulat.
BINABASA MO ANG
SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)
General FictionThey say, "When two people wish upon the same star at the exact same time, their wishes intersect." Somewhere in the world there's a girl who wanted to fulfill a family tradition, and a woman who wanted to be loved truly by one person. They have to...