Chapter 10

263 9 0
                                    

Franki's POV

Ano pa bang di nya kayang gawin? He's perfect. At isa pa, gusto siya ni Daddy for me. Pero ba't ganun? Parang may kulang parin.

I just stared at him habang masaya syang kinakausap ng pamilya ko. Hindi ko alam kung ako lang ba nakakapansin, pero sobrang sama nyang tumingin kay Sky. As if may sobrang laki itong kasalanan sa kanya.

Nakatingin siya actually kina Maza at Sky. Sobrang sweet ng dalawa, he's not possibly jealous right?.

FF

Nagpaalam na siya sa family ko. Parang ayaw pa nga nilang umalis siya eh. Pero syempre di naman pwede yun.

Sinenyasan ako ni Mommy na ihatid si Dion sa labas. At ayun nga ang ginawa ko.

"Pasensya ka na sa family ko. Ang kukulit talaga."

"Wag kang humingi ng pasensya, gusto ko nga yun eh. Ganun pala yung feeling ng may masayang pamilya."

"Bakit? Hindi ba kayo masaya sa inyo?."

"Well, we can say that. Pero really, thank you for this night Franki."

"Parang ako ata dapat ang nagpapasalamat sayo eh."

"See you on Tuesday." He smiled.

"What?."

"O-our date. Sabi kasi ni Maza na pumayag ka for a double date."

"I didn't--"

"You know what, it doesn't matter. Basta see you on Tuesday ah?. Bye Franki." Nagulat ako when he suddenly kissed me on the cheek. Nagulat rin sya. Nagulat kaming dalawa.

"S-sige. Alis nako." He said awkwardly at umalis na.

Dapat ba akong kiligin? Bakit hindi ako excited sa Tuesday? Hay, pagod lang siguro to.

..

Diana's POV

Ang tanga tanga, ba't mo naman ginawa yun Diana? Okay, ano naman kung hinalikan ko siya? Sa pisngi lang yun, bakit masyadong big deal?. You're just overreacting. Wala lang yun. If she's nice to you, she's not really being nice to you. She's being nice to Dion.

Si Dion ang gusto ni Franki Diana, hindi ikaw. Lahat naman eh, si Dion ang gusto. You will never be number one for them.

FLASHBACK

It's our 18th birthday and we decided to celebrate it with our friends and acquaintances. It's the first party na naganap sa amin without our parents since they're out of town because of a business trip.

Sobrang daming nangyari ng gabing yun, I got really drunk and did something stupid which lead my twin brother in the hospital because of a fight na ako ang naging dahilan.

Napauwi ang parents namin once malaman nila ang nangyari.

"Kapag may nangyaring masama kay Dion--naku, bakit ba puro nalang sakit sa ulo ang binibigay mo saming bata ka!." Galit na galit na sabi ni Mommy bago tuluyang pumasok sa ICU.

Niyakap ako ni Daddy. Umiyak lang ako ng umiyak.

"Nabigla lang yung mommy mo. Don't blame yourself, hindi naman ikaw ang nanaksak kay Dion. He'll be fine Diana. Tiwala lang." Dad said trying to calm me down.

Nagtiwala ako, pero walang nagawa ang tiwala ko ng araw na yun. Hindi siya nakasurvive.

Simula ng araw na yun mas lalong lumayo ang loob ni Mommy sa akin, hanggang yun narin ang naging dahilan ng pag-aaway nila ni Dad. Dahil ako ang sinisisi ni mommy sa pagkawala ni Dion, ang paborito niyang anak.

Lumipas ang ilang buwan tuluyan na kaming iniwan ni Mommy, she got really depressed and she can't even stand a day seeing me.

4 years later,nawala rin si Daddy because of cancer. At si Sky na tanging natira sakin iniwan din ako.

EOFB

Tapos ngayon nalaman ko pa na niloloko niya lang pala ako all these years. Gusto kong magalit sa mundo at sumigaw nalang pero every time naaalala ko yung ngiti ni Franki kumakalma ako.

Pagdating ko sa bahay. Naabutan ko si Argel na nakatulog sa couch. Kinumutan ko nalang siya.

KINABUKASAN

I woke up as Diana again. Nakakapagod rin pala. Habang papunta kami ni Argel sa trabaho, nag offer kasi siya na ipagdrive ako.

"Kahit ano pa yang rason mo, niloloko mo parin siya. Diana, Dion is dead. Respetohin mo naman yun. Hindi yung ganito na ginagamit mo yung katauhan niya para pagtripan yung ibang tao."

"Argel, hindi ko pinagtitripan si Franki. Okay? I'm just helping her."

"Seryoso ka? Naniniwala ka dun sa sinasabi niyang sumpa? Baliw lang ang naniniwala dun."

"At ikaw, naniniwala ka na nagpapalit anyo ako everytime na may ginagawa akong mali at sa tuwing sinusuot ko yung ring, diba?. Sinong baliw ngayon?. Argel, maraming posibleng mangyari sa mundo."

"Pano ka ba talaga nagkaganyan ha?. May inaway ka bang diwata o di kaya nanuno ka--"

"Trust me, sinubukan kong hanapin ang mga sagot. Pero I think the universe will always stay silent about it."

"Ewan ko sayo. Binalaan na kita, pag ikaw talaga natuluyan dyan sa pagpapanggap mo, naku sinasabi ko sayo--wag na wag kang lalapit lapit sakin."

..

Maza's POV

Habang namimili kami ng gagamiting papel for our wedding invitations ni Sky,

"I'm sure nakita ko na talaga siya before, hindi lang ako sure kung saan."

"Yan din yung sinabi ni Jodie. Pero diba classmates kayo nung kapatid ni Dion?." I heard kasi na naging classmates nung highschool yung Boss ni Franki at itong si Sky. What a small world.

"Sinong kapatid? Di mo pa nga sinasabi sakin kung san sila nagkakilala ni Franki eh." Tapos bigla kong naalala, wala palang ibang dapat makaalam na hindi pa sila ni Dion. Ito kasing si Dion, sobrang bagal.

Hindi niya pwedeng makilala na si Diana ang tinutukoy kasi baka pag nagkita sila magtanong siya or magkwento tapos masabi pa ni Diana yung totoo na wala naman talagang relasyon si Franki at ang kapatid niya, na gawa gawa lang namin yun ni Franki. Actually, ako pala ang may pakana nito. And I know Sky well enough, masyadong mabula ang bibig nun. Baka aksidente pa nyang masabi yun sa harap ng fam.

Our family will be so disappointed with us. Pinakaayaw pa naman nila sa sinungaling.

"Ah hon, ito nalang pala yung para sa invitations. Ang bango parang rose." Change topic ko sa kanya.

"Hon, it's gardenia. Not rose."

"Whatever, pareho naman silang bulaklak. I-estimate mo na lahat ng bibilhin hon, mamimili pako ng ribbon para dyan." Layo ko sa kanya.

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon