Chapter 17

261 5 3
                                    

Franki's POV

Nakaupo ako katabi ang mommy ni Ken.

"Sobrang laki ng naging impact sa kanya nung kaso na pakiramdam niya hindi na siya kailanman makakagawa ng mabuti kahit na makalabas pa siya ng kulungan." Sabi ng mommy niya.

"Kasalanan ko po talaga lahat yun Tita eh. Sorry po. Dahil po sakin nagawa nya yun. Sana po talaga hindi nalang--"

"No iha. Don't blame yourself. Maybe, he just loved you so much back then. Binastos ka, at bilang boyfriend mo natural lang na bigyan nya ng hustisya yung pambababoy sayo ng lalaking yun. Sa kasamaang palad umabot sa puntong nagkapisikalan na."

"Mabuting tao po ang anak nyo. Nalulungkot lang po ako na humantong sa ganito ang lahat. Siguro nga po, sobra nyang pinagsisisihan yung mga nangyari."

..

Diana's POV

"Sinong nagpapatugtog?." Tanong ni Argel sa mga empleyado.

"Si Miss Marcelo po. Ngayon na po kasi nirelease nationwide yung commercial para sa 30th anniversary." Sagot ni Mae.

"Ano? Where's Veah?." Tanong ko pa.

"Andun po sa meeting room. Diba po tinawagan ka na po niya?. Akala ko po alam nyo na." Sabi ni Mae.

Nagmadali akong pumunta sa meeting room at andun nga si Veah. She stopped the song once pumasok nako.

"Diana, buti naman andito ka na. So, what do you think?."

Bineso nya ko.

"Did you seriously released the commercial?."

"Oo. Diba? Tumawag ako sayo kanina. Sabi mo okay lang, ako nang bahala." Naalala ko, lutang ako kanina sa sasakyan habang hinihintay si Argel. Hindi ko na alam pinagsasabi ko.

"Yung music. Sinong pumili?."

"Si Franki. Sabi niya kasi maganda yung medyo nostalgic at yan yung sinulat nyang background sa script." Naramdaman kong hinawakan ni Argel ang braso ko. Telling me to calm down. Dapat kasi move on na. First step nato Diana, pigilan mong magpaapekto.

"Is there a problem?." Tanong ni Veah.

"Wala. Maganda nga eh." Sabi ko nalang at lumabas na, which is ipinagtaka naman ni Veah.

..

Franki's POV

Pumunta ako sa office ng 1pm. Pagpasok ko sa office ni Diana, nakita ko siyang natutulog sa desk niya. Wait asan si Dylan?.

Pinanood ko lang siya habang tulog. Her face looks so peaceful. Napangiti nalang ako, ewan ko kung bakit pero basta parang ang saya nya lang tingnan na ganito.

Inayos ko ang buhok niya at nagulat ako nang bigla syang gumalaw at hinawakan ang kamay ko samay lapat nito sa pisngi niya, "Dion, I'm sorry. Sorry Dion.." I think she's sleep talking. Wait, is she crying?.

At saka bakit siya nagsosorry kay Dion? Nag-away ba sila? Is that why hindi ko na nakikita si Dion ngayon?.

Nang lumabas ako nakasalubong ko si Sir Argel. May inabot siya saking folder.

"Pakicheck sa records ng delivery team natin kung match ba dito." Sabi lang niya at bumalik na sa meeting room. Kausap niya si Ma'am Marcelo.

5pm.

Kasabay ko ngayong lumabas ng opisina si Ma'am Diana.

"Franki. Sumabay ka na sakin."

"W-wag napo. Magcocommute nalang po ako."

"Sige na. I insist." She said. Buti naman good mood siya ngayon. Sumakay nalang ako baka topakin pato.

"San po ba si Dylan?."

"Andun na sa DSWD."

"Po?."

"Yun ang dapat eh. At saka nalaman namin na hinahanap naman pala talaga siya ng mga magulang nya. May siraulo kasing nagkidnap sa kanya para lang gantihan ang parents niya." Umandar na kami.

"Grabe naman yun. Masaya ako na sa wakas mababalik narin siya. Pero ikaw po? Pano ka?."

"Wag mo na kong e-popo. Malayo na tayo sa building."

"So-sorry. Ulit, pano ka D?."

"I'll be fine. Hanap nalang ako ng ibang baby." She said optimistically.

"Pwede ako."

"Ano?."

"Wala. Naalala ko lang, ano yung binigay sayo ni Miss Marcelo nung Birthday mo?."

"Hindi ko pa nabubuksan eh. Bakit?."

"Wala. Naisip ko lang, wala pala ako naibigay sayo--"

"Sus, wag ka nang mag-alala. Your presence that day is more than enough." She smiled. Naalala ko ulit yung past memory ko na kumakanta sila ni Dion.

"Sya nga pala. Si Dion--"

"Bakit? Miss mo na?."

"Medyo."

"Miss ka na rin nun."

"You think so?."

"Oo naman."

"Pano mo nasabi?."

..

Diana's POV

FLASHBACK

Sa sobrang tagal ni Argel sa loob, nabagot nako sa sasakyan. Naalala ko yung gift ni Veah. Kinuha ko yun sa bag ko sa likod at binuksan. Nagulat ako nang makitang journal pala. At hindi lang basta bastang journal. It's Dion's journal.

Diniretso ko sa bandang gitna. At ito ang nakasulat,

367 times na akong pumupunta dito sa coffee shop. Anak kasi ng may-ari ang crush ko. Hindi ko pa sinasabi kahit kanino kahit kay Diana. Masyado din kasi yung busy sa boyfriend niya. Dito ako laging pumupunta after class para lang makita si Franki.

Wait what? Did I just read it right?. Baka naman ibang Franki.

Lalapitan ko na siya ngayon nang may biglang dumating na lalaki. Rinig ko boyfriend niya daw. Huli na pala ako. Madalas ko parin siyang nakakasalubong sa school. Syempre, di niya parin ako kilala. Kahit sa cafeteria napapatingin parin ako sa kanya kahit alam kong kasama niya ang boyfriend niya. Hanggang tingin nalang siguro ako. Gumagawa ako lagi ng kanta tungkol sa kanya habang iniisip ko ang mga pwedeng mangyari kung naging matapang lang ako.

Kanina, ipinaabot ko sa kaibigan niyang si Jodie ang cassette tapes ng tatlo sa mga kanta ko. Gusto ko kasing marinig yun ni Franki. Nagpapractice narin pala akong sumayaw. Mahilig daw kasi siya sa mga dancers. Kaya hindi nakapagtatakang sinagot niya si Ken. Gusto din daw ni Franki ng wild kaya pinilit kong maging ganun pero yung sakto lang naman. Siguro kung naging lalaki lang si Diana, matitipuhan siya ni Franki. Nasa kanya kasi lahat ng katangiang pinipilit kong magkaroon ako.

Ngayong gabi, kumanta kami ni Diana sa showcase of talents kasi pinilit kami ng adviser namin. Sobrang saya ko kasi nakinig si Franki.

Sobrang dami kong gustong gawin for Franki, kung may pagkakataon lang sana. (...)

Kinabukasan, sinabi ko kay Sky na isali sina Franki at boyfriend niya sa invitations. Sana naman pumunta sila kasi this will be the best birthday ever.

So, si Franki nga pala talaga. Walang kamalay malay si Dion na ang babae ding yun ang dahilan kung bakit wala na siya sa mundo.

EOFB

"Wala lang. Diba obvious naman? Gusto ka ng kapatid ko. I think that's a valid reason para mamiss ka niya."

"Echosera."

"Totoo nga. Uyyy kinikilig na yan." Tukso ko sa kanya. Para namang pinipigilan niyang matawa.

"Alam mo, para kang sira.."

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon