Chapter 21

261 8 1
                                    

Franki's POV

I hate myself for feeling like this every time she's lovey dovey with Argel. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ako nagseselos at wala lang to but of course sasabihin na naman ng puso ko na sinungaling ako. Nakakainis, gusto kong magwala pero hindi ko magawa.

Dapat kasi si Dion yung gusto ko. Mukha namang he likes me pero di nya pa naman ako nililigawan o tinatanong na maging girlfriend. Pagod narin akong magpanggap na may relasyon kami sa harap ng family ko.

Ayoko ng nagsisinungaling.

Napatingin ako sa reflection ni Diana sa car window. She's staring at me, hindi ako pwedeng magkamali.

Kalma lang Franki. Don't you dare blush! Sinasabi ko sayo.

Lumingon nalang ako sa kanya, at dun nagtama ang mga tingin namin. She just smiled pero pakiramdam ko mahihimatay nako. Franki, wala lang yan. Wag kang magpapadala. She's not flirting with you, she's just trying to be nice. Napailing nalang ako.

"Are you okay? Is there something wrong?." She suddenly looked worried. Oh come on Diana, why are you touching my thigh? Franki, kalma lang. Baka unintentional lang, masyado kang malisyosa. At saka pwede ba? Don't look at her lips! Mygosh I'm so weird.

"Oo naman. Ba't naman hindi?." Lihis ko ng tingin. Buti naman hindi na kami masyadong ipit sa traffic.

"Wala lang. Kasi--you seemed silent. May problema ba?."

Isip Franki isip. Ano bang valid na rason maliban sa nagseselos ka sa kanila ni Argel? Yan, nasabi mo narin. Nagseselos ka!

Does that mean I like Diana?

Hindi! Ayoko! Ayokong magkagusto sa kanya! Erase erase. Hindi pwede!. Franki, sa lalaki ka lang dapat magkagusto. Hindi pwede yang nararamdaman mo!.

"Pano ba kasi yang kambal mo, sabi mo naman sakin na gusto nya ako. Pero ba't hindi niya parin ako nililigawan o tinatanong kung gusto niya ba akong maging girlfriend?." Yan na ata ang pinakabobong sinabi ko sa buong buhay ko. Nagmukha tuloy akong desperada.

Natahimik siya. I'm not sure but mukha siyang hindi nasiyahan sa sinabi ko.

"M-maybe busy lang talaga siya. Pero don't worry, gagawa yun ng paraan. Kaya smile ka na. Ang ganda ganda mo eh." Sabi niya. Napatulala nalang ako, Tama ba yung narinig ko? Oh my!. Franki, OA. Ano ka? Highschool?. Tsk. Eh ano naman kung sinabi niyang maganda ka? Wala ka dapat pakialam kasi sabi mo nga, wala kang gusto sa kanya. Wala dapat.

"Dion would be the luckiest man in the universe pag naging girlfriend ka niya." She said sincerely as she held my hand. I can see that there's pain in her eyes.

Diana don't, kasi naiiyak na rin ako.

I suddenly remembered that night when I attempted to kiss Dion pero ang nakikita ko is Diana. I don't know pero pakiramdam ko si Diana yun.

We stared at each other, pang ilan na siguro to sa araw nato. I just can't help it.

Isang oras na ang lumipas, nakarating narin kami sa wakas sa venue. Isa itong indoor pool. That's her appointment for today. Mr. Princeton is a gay friend of Diana.

Masyado na daw kasing naging busy si Diana sa trabaho na hindi na niya nagagawa ang mga bagay na madalas nyang gawin dati gaya ng swimming. I think dun kami magkakasundo.

Sinamahan ko siya sa shower room para magbihis at maligo muna. Hinintay ko nalang siya sa labas, at pagkalabas niya she suddenly held my shoulder. Napalingon ako sa kanya,

"Oh ba't di pa po kayo nagbibihis?."

"I forgot, meron pala ako ngayon."

"P-po? Pano yan?."

"Ikaw nalang. Papanoorin nalang kita."

"Pero--"

"Hindi ka marunong? You know, I almost believed you when you said you can't swim." Sabi niya.

"I'm sorry for lying. The truth is--I'm just a bit uncomfortable swimming with you."

"Why?."

"I don't know either. Te-teka, pano nyo po nalaman na marunong ako?."

"Well, nung nag dinner ako sa inyo. I saw your awards on the walls. Anyway, suotin mo na to. I'll tell Sage nalang about this small inconvenience. And I know how much you miss swimming." She's right. Miss na miss ko na ngang magswimming. Medyo matagal narin.

"Pero--"

"Sunod o I'll kiss you?."

"P-po?."

"I'm kidding haha. Bawal yun. Baka patayin ako ni Dion. Sige na, bihis na po please." Pacute niya. Wag ka ngang ganyan Diana. Marupok ako.

..

Diana's POV

FF

Nagsimula nang lumangoy ni Franki with my friend Sage. Nakikita kong she's really enjoying it. Nakaupo lang ako sa gilid habang pinapanood sila na mag mini race.

Franki, should I feel sorry for feeling this way? Alam ko na mahal na mahal ka ni Dion, kung selfish lang sana ako matagal ko nang hinayaan ang sarili kong mahulog sayo. Dion, sumagot ka naman. Hindi ko parin ba pwedeng mahalin si Franki? Kasi parang hindi ko na kayang pigilan.

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you

Her smile, the way she laugh, even when she's mad, those are the types of illusions that I love. But I can't feel this way, I know. Dahil ikaw naman yung gusto nya. Ikaw ang mahal ni Franki. Pero wala ka na. Kaya ko bang sabihin yun sa kanya? Na hindi totoo yung Dion na minahal nya? Kasi ako yun eh. Ako yung Dion na minahal ni Franki. Pero pag ako na ulit si Diana, hindi niya nako mahal.

Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Gusto kong umiyak, sumigaw, dahil bakit sobrang daya ng universe?. Napalingon si Franki sa direksyon ko tila nag-aalala. That's when I forced a smile. Pero knowing Franki, hindi sya naniniwala sa ngiti ko.

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be

Yumuko lang ako saglit para pigilang wag maiyak, the next thing I knew katabi ko na si Franki.

"Do you need a hug?." She sincerely asked. Wala akong pakialam kung basa sya. I just need her comfort right now. Lalo na't alam ko na once I tell her the truth, she'll be gone forever. Umiyak lang ako ng umiyak habang kayakap siya ng sobrang higpit.

Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be

Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon