Chapter 13

249 6 1
                                    

Diana's POV

Sa wakas nahanap ko na ang magic ring. Then tinawagan ko si Argel. Tagal sumagot.

Hello Diana.

Argel, where are you?

Hindi to si Argel. This is Gino.

B-ba't nasayo ang phone niya? Asan siya?

Eto lasing. Bakit sana?

Ah wala wala. Sige, salamat nalang.

Baba ko sa phone. Mababaliw na ata ako. Sinuot ko na ang ring,

"Bahala na nga."

..

Franki's POV

7:45 na. Andito na kaming tatlo ni Maza at Sky sa napagkasunduang restau. And ilang minuto palang naming pagkakaupo ay pumasok na rin si Dion. Wait, bakit may stroller?. May dala siyang bata?.

Ang cute naman pero, anong ibig sabihin nito?.

Binati namin siyang tatlo.

"Sorry, I'm late. Something came up kasi." Sabi niya sabay upo sa tabi ko after akong ibeso.

"OMG, yan ba yung baby ni Diana?." Masayang tanong ni Maza.

"Anak? Kailan naman--"

"Sinong Diana?." Tanong ni Sky.

"My sister. Ah kasi mahabang storya." Sagot ni Dion.

"Oh no,we would like to hear it." Pilit ko with my arms crossed.

"Eh kasi, ano yan. M-may problema kasi sa reproductive system ni Diana that it would be risky for her to carry the baby so she hired a surrogate mother. Ngayon nasa puder na niya yung baby." Kabadong paliwanag ni Dion.

"Then where's the father? Kasi I know that Diana's currently single. Was it her ex? Or probably her best friend Argel?."

"Argel?." Sky asked as if kilala niya yung mga taong binanggit ko.

"Enough. Pwede ba mamaya na yan? Pa orderin mo muna tong date mo." Sabi ni Maza. Kaya ayun, hinayaan ko muna siyang umorder.

Then nung kumakain na kami, pinapadede naman ni Dion yung baby. Okay, maybe I find him adorable doing that. Pero nababother lang talaga ako sa idea na may anak na si Diana. Hindi naman ako naiinis dahil may anak siya, I mean I love babies. Ang di ko lang maintindihan is bakit parang labag sa kalooban ko na malamang baka si Argel ang ama nung baby.

"So, bakit pala ikaw ang nag-aalalaga dyan kay baby ngayon?." Maza asked.

"Kasi--Diana's really sick right now. Natatakot lang ako na baka pati tong si baby Dylan mahawa." He's really thoughtful talaga. Bakit ba hindi ko magawang gustuhin o mahalin nalang ang lalaking to?.

"Ang sweet mo namang Tito. Ah pwede pakarga saglit kay baby?." Paalam ni Maza.

"Sure." Masayang sagot ni Dion. Pero once na kinarga ni Maza yung baby bigla itong umiyak.

"Hala naku sorry, pano ba to?. Franki help." She panicked.

Dahan dahan kong kinuha ang bata at kinarga sa mas maayos na paraan,

"Ganito kasi yan." Sabay hagod ko sa likod ng baby hanggang sa tumahan na ito at nakatulog sa balikat ko. I sat back to my chair slowly.

"See?."

"Wow Franki, ang galing mo. Talagang pwede ka nang maging mommy. Right hon?." Lingon ni Maza kay Sky.

"Of course. Daddy nalang ang kulang. Kaya pareng Dion, galaw galaw naman diyan." Sky winked at Dion. Dion awkwardly smiled. Siraulo talaga tong si Sky kaya bagay sila ni Maza.

Pagkatapos naming kumain, nag-aya si Maza na pumunta kami ng park saglit. Dala dala parin namin si baby Dylan hanggang dun.

"Tayo kayo dyan saglit. Hon, picturan mo sila. Happy family ah." Sabi ni Maza. Click click click.

"Look oh. Bagay na bagay." Pakita ni Sky sa picture namin. Lalo tuloy kaming nagkailangan ni Dion.

Nauna na kaming umuwi sa dalawa. Dapat na kasing magpahinga ni baby sa maayos na lugar at maaga pakong papasok sa trabaho bukas.

KINABUKASAN

Maaga akong pumasok pero parang mas maagang dumating kaysa sakin si Ma'am Diana. Andito na kasi ang kotse niya.

"Akala ko ba buntis pa? Bakit may dala nang baby?." Rinig ko sa isang co-worker. Pero di ko na pinansin ang mga nagchichismisan. Okay na siguro si Ma'am Diana. At tama ako, okay na siya. Good mood pa.

Baby Dylan is here kasi. Pinapanood ko lang siya habang inaaliw niya ito. Nakakatawa palang magpacute ni Diana. Hindi ko mapigilang mapangiti nalang sa nakikita ko ngayon.

"Good morning po Ma'am Diana. Good morning din sayo baby Dylan." Lapit ko sa kanila.

"Kamusta na po ang pakiramdam nyo?."

"Okay na. Nakabalik narin sa trabaho sa wakas. This time kasama ko pa tong isang makulit nato na--" nagulat kami nang bigla itong umiyak.

"Dedede na ata si baby."

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin sakin?."

"Ah eh don't worry po, I locked the door naman eh. Lalabas po ba ako o tatalikod?."

"What are you talking about? Ano? Manonood ka na magpabreastfeed ako sa anak ko?."

"P-po?."

"Syempre, naghanda nako. I got it all bottled. At saka walang lumalabas na gatas sa dede ko. I got these from other moms." Sabay pa dede nya kay baby.

"Of course. Sorry po ma'am I thought po kasi na--nevermind." Did I just blushed?. Ang sabihin mo, gusto mo lang makita tits ni Diana. Di ah! Naku utak, napakaperverted mo talaga.

Feel ko parang basa ang panty ko. Bakit ganito?

"Franki, yung shoot nga pala for the commercial is today. Sabi pa ni Direk V na maganda yung pagkakagawa mo nung script. Good job. Keep up the good work." Balik niya kay baby Dylan sa stroller.

Tapos lumapit siya sakin with those seductive eyes, staring intently into mine.

"You wanna swipe me?. I'm not busy tonight." She suddenly whispered to my ears. Napalagok ako kasi syempre, imagination ko lang yun.

The truth is,

"Wuy Franki. Tsk."

"P-po?."

"Yung about sa commercial. Dadalaw ako mamaya. Sama ka?."

"Pano po si Dylan?."

"Dito muna siya. Masyadong mausok dun sa set. Si Argel at iba pang mga empleyado dito na ang bahala sa kanya."

"Okay po Ma'am."

Pagdating namin dun, perfect time naman dahil lunch break nila.

"I'm glad na bumisita ka dito D." Beso ni Direktor Marcelo kay Diana. Wala lang naman yun. Beso lang eh.

"I heard may baby ka na. Pano nangyari yun?. Nagbalikloob ka na?. Haha." Okay Miss Vianca Louise Marcelo, what the heck is that? Why are you slapping her ass? Hmm. Maybe close lang talaga sila. Chill lang Franki.

"Matagal na. Ay basta mahabang storya."

"Dumalaw pala ako dun kay Dion. I brought him his favorite flowers." Kwento ni Direk M. Wait, why would she give him flowers?. Are they a thing? Kaya ba hindi pako nililigawan ni Dion?.

Nagtaka ako nang bigla siyang hinila ni Diana palayo sakin,

"Alam mo may nakita akong kalapati nung isang araw sa panaginip ko, tapos tumae sa mukha ko. Anong ibig sabihin nun?." Change topic ni Diana. Bakit ayaw niyang pag-usapan si Dion?.

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon