Chapter 24

244 8 1
                                    

Dion's POV

Tapos na sa pagkanta si Diana. Umupo narin siya. Hindi parin bumabalik si Franki.

"A-ano ba talagang nangyari? P-pano?." Tanong ni Diana sakin since wala pa si Franki.

"I know this sounds crazy, pero nanggaling talaga ako sa ibang universe. I don't know how, pero nung sinuot ko ang ring kanina as I wished to be in this world, hinawakan ko yung salamin sa bahay tapos bigla nalang hinigop ako papasok. The next thing I knew, nasa kwarto mo na ako."

"P-pero patay ka na dapat diba?." Tanong ni Argel.

"Sa mundong to oo, pero sa mundo ko si Diana ang nawala."

"Ano ba talagang ginagawa mo dito?." Tanong ulit ni Argel.

"I'm sorry pero desperado nako guys. I want to be with Franki. Nalaman ko that Diana and I were switching bodies the whole time while our souls remain in their home place. Nalaman ko rin that I'm Franki's boyfriend here. Since Diana's using my body."

Parang malalim ang iniisip ni Diana na hindi na sya nakikinig sa mga pinagsasabi namin.

"Diana hey, still there?."

"What were you saying?."

"Wala. Nevermind. Pero plano ko naman kasi is to stay here for good para makasama ko narin sa wakas si Franki."

"Pwede ba yun? Pero Dion magiging mahirap yan, ang alam ng iba patay na si Dion. Kaya hindi ka pwedeng magstay dito." Sabat ni Argel.

"If this is the only way para maramdaman ko kung paano ang mahalin ni Franki, then I don't care about the consequences that I have to deal with anymore. Ito na ang mundo ko ngayon. Diana, what do you think? Diana--"

"Ikaw. Whatever you want. Buhay mo yan eh. I'll just go get some drinks." Sabi lang ni Diana. What's up with her? Meron pa rin ba siya hanggang ngayon?.

..

Franki's POV

Inayos na ni Maza ang make up ko.

"Ayan. Maganda ka na ulit. Ano ba talagang nangyari?." Tanong niya tila nag-aalala.

"Wala."

"Sobra yung iyak mo kanina tapos sasabihin mo ngayong wala? Wag mo naman akong gawing tanga. Franki, sige na. You know you can tell me anything, right?."

Napabuntong hininga nalang ako. Buti nalang wala pang ibang pumasok dito sa CR. Nawili na siguro sa labas. I think time na ngayon for the dance. Medyo maingay na kasi sa labas.

"Have you ever fell for someone you shouldn't fall for?."

"What do you mean? Ano yun? May sabit or like getting married or something?."

"Let's just say, sa lahat ng aspeto hindi pwede. Dahil for example, hindi magugustuhan lalo na ng family mo kung sakaling magkarelasyon man kayo."

"What are you talking about? Everyone likes Dion. There's no way--"

"I'm not talking about Dion Maza."

"Wait, may iba? P-pano? Sino? Kailan?. Bakit?."

"Si Diana."

"Ano?!. Wait what? Franki, are you sure about this? Baka naguguluhan ka lang."

"I love her Maza. No, I'm in love with her. I tried to stop it. I guess kahit sa ganung bagay failed parin ako."

"But she's a girl who has a boyfriend. At diba kayo na ni Dion? Ano ba? Naguguluhan nako sayo. Are you serious?. Does she know about this?."

"No. Hindi pako sure kung sila ba talaga ni Argel, basta ewan. Gulong gulo nako, at the same time takot. Pano na kung malaman to nina mommy?."

"Especially now that you're 26 na. They would definitely force you to find a husband as soon as possible. And that family curse--"

"Hindi ko na nga rin alam kung anong paniniwalaan ko eh. Is that even real?."

"You know I can't tell you to try. It's too risky."

..

Dion's POV

Wala parin si Franki. Ano na kayang nangyari dun?. Kaya nagpaalam muna ako kay Argel saglit na pupuntahan ko muna si Franki habang hinihintay niya si Diana na bumalik.

Palapit nako sa CR nang may biglang humarang sakin. Si Sky. Kahit dito epal parin ang mokong to.

"Teka teka. San ka pupunta?." He said. I know na may plano siya.

"Hahanapin ko lang si Franki. So can you please--"

"Are you really Dion?." Bakit siya naiiyak?

"Oo." Lakad ko pero napatigil ako nang,

"Pano nangyari yun? Matagal na siyang patay. Ibig sabihin isa kang impostor. Bakit mo ba to ginagawa ha? Inutusan ka ba ni Diana?."

"Hindi ka rin naman maniniwala kahit na sabihin ko sayo ang totoo. At hindi. Walang nag-utos sakin. So will you please excuse me? I need to find my girlfriend."

"She's in the restroom. Hindi ka makakapasok dun, kaya mabuti pa bumalik ka na lang sa kinauupuan mo. Impostor."

Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik na sa table namin. Andun na si Diana. Parang dami nya atang iinumin ngayong gabi.

"Diana--dahan dahan lang. Alam mo, umuwi nalang kaya tayo." Kausap sa kanya ni Argel.

"Mabuti pa nga. Sige na, ako nang magpapaalam kay Franki." Sabi ko. Kaya magkasama na silang umalis ni Argel.

KINABUKASAN

Tulog parin si Diana. But then nagring ang phone niya, it's Franki calling.

Hello Franki.

D-Dion? Wait, where's Diana?

Andito, tulog parin. Bakit?

Hindi ba siya papasok ngayon sa office?

Hindi ko lang alam.

Eh kasi, magpapaalam lang sana ako na hihingi ako ng 3 days leave. Starting today.

Ganun ba? Sige, ako na magsasabi sa kanya.

Thank you Dion. Sige bye.

Bye Franki.

Humihingi siya ng leave? Bakit kaya? San naman siya pupunta? Bakasyon?.

Lumabas muna ako para magcoffee. Nasa coffee shop nako. Ganitong ganito rin yung sa mundo ko. Magkaiba lang ng characters.

Hinihintay ko lang ang inorder ko nang may biglang umupo sa tapat kong chair. It's Sky. Ang aga aga niya namang pinapainit ang ulo ko.

"What are you doing here?." Tanong ko sa kanya. Nakakairita.

"Diba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan? Anong ginagawa mo dito? Diba dapat patay ka na?. Kung ikaw talaga si Dion ba't ka pa bumalik?." And now he looked serious. Ano ba to? Anong nangyayari?.

"Ano bang pakialam mo ha? At saka, are you stalking me?."

"Ikaw ba talaga si Dion?." He said staring at me as I felt his hand touching mine as if hindi siya makapaniwala. Na para bang isa lang akong multo. Hinila ko palayo ang kamay ko sa kanya.

"Oo nga. Ang kulit. At wag mo nga akong hahawakan."

"Excuse me po sir. Eto na po yung coffee nyo. Thanks for waiting po." Lapag ng waitress sa table habang nakatingin lang samin ni Sky. Yung waitress parang pinipigilan pang kiligin. Tapos narinig ko pang sinabi nung kasama din nyang waitress habang napatingin samin saglit ni Sky na,

"Sayang. Ang popogi na sana. Kalerki. Iba na talaga mundo ngayon." Ano daw?

"Ayan, kasalanan mo to eh. Umalis ka na nga, napagkakamalan tayong gay couple tsk." Taboy ko kay Sky. Kaya umalis na siya.

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon