Chapter 27

248 11 2
                                    

Veah (Dion's Universe)'s POV

FLASHBACK

Nasa hospital ako. Nacomatose si Franki.

"Franki's going to die if she's still not married before she reaches the age of 27. It's our family's curse. Everyday after her birthday, there will be more and more accidents. Hindi natin alam baka one of those accidents na ang magiging katapusan niya. Like that. Pero sana naman magawan pa ng paraan. Veah please, hindi pwedeng bumalik si Dion dito. Kung totoo mang nasa kabilang side siya. You have to destroy the portal." Pagmamakaawa ni Maza sakin.

"H-huh? Bakit?."

"Because the moment na bumalik siya dito,tuluyang mamamatay si Franki. Sabi mo nga, he's supposed to be dead sa kabilang side but he went to that place which he no longer belongs. Kaya imbes na Dion died because of Franki, what he did twisted the story of our universe. It becomes Franki died because of Dion."

"W-wala na bang iba pang paraan?."

"Meron. But I think it would be the hardest choice that he'll ever make."

"What is it?."

"Dion has to kill Franki in that universe. It's the only way to make Franki here to survive and break the curse."

"Ano?! Pero di ba? Di rin naman makakabalik si Dion dito? Kung papatayin niya si Franki doon, ibig sabihin di rin nya ito makakasama."

"Because that's the point. The reason why our universes are parallel is because of the idea that Franki and Dion shouldn't end up together. One has to die so the other can survive."

"Pano kung si Dion nalang ang mamatay?."

"Hmm. I haven't thought about it yet." Sabi ni Maza.

EOFB

Gulong gulo nako. Ayokong may mamatay sa kahit kanino sa kanila. Pero time na ni Franki dito. Dapat ko ba talagang baguhin ang nakatakdang mangyari?.

Gusto kong mabuhay pa si Franki pero pano naman ang right ni Dion na mabuhay sa mundong ito?. Gusto ko siyang bumalik because he belongs here.

Kung pwede lang sana akong pumunta sa kabila,kaya lang hindi pwede. Kasi sa mundong yun buhay ako. Makakapunta lang ako dun kung patay nako dun. Kaya nga nakatawid si Dion eh.

Pano ba to?.

Imbes na sirain ko ang portal gaya ng sinabi ni Maza, tinago ko nalang ito sa attic ng bahay ko.

..

Diana's POV

Bumalik narin kami ni Franki at Argel sa office. Tinulungan ako ni Franki sa pag-encode ng company blog. While nakaupo lang ako sa couch ng office to drink a little bit of wine.

Seryoso siya sa ginagawa niya kaya I have the opportunity to stare.

"Do you believe in curses and parallel worlds?."

"Po?. Bakit nyo po natanong?." Focus parin sa blog.

"Wala. Narinig ko kasi kanina, pinag-uusapan nyo ni Maza yung about sa sumpa ng pamilya niyo. Totoo ba talagang--"

"Sana nga po hindi."

"So uh, baka naman matulungan ka ni Dion ukol sa bagay na yan." Labag sa loob ko ang sabihin yun pero wala eh. Tong parallel worlds nga totoo, pano na kaya yung sumpa.

"What?."

"I mean you can marry him. Obviously, mahal nyo ang isa't isa. Why wait?." Inom ko.

Kumunot bigla ang noo niya.

"Seryoso ka? Okay lang sayo?."

"O-oo naman. Ba't naman hindi?. I bet you're gonna be a great sister-in-law." I forced a smile.

..

Franki's POV

Ba't ka ba ganyan Diana?

FLASHBACK

Sinenyasan ako ni Maza na sumunod sa kanya nang magpaalam siyang mag-cr. Kaya nag excuse na din ako.

Nang nasa CR na kami.

"Are you sure that the feeling's not mutual? Kasi I don't think so. Kung nakita mo lang kung pano ka niya tingnan the whole time, alam ko may iba eh. Franki, gusto ka rin niya."

"Nino?."

"Ni Diana. Ano ka ba?. Lumaklak ka ba ng anesthesia? Kasi ibang level na yang kamanhiran mo girl."

"Baka naman you're just assuming things. Ganun lang talaga siya tumingin, ba't mo ba binibigyan ng ibang ibig sabihin? Wala lang yun."

"Hindi. Alam ko talaga. May something. Diana likes you. No, Diana is in love with you. Maniwala ka." Mahina niyang sabi sakin since may ibang pumasok para mag cr.

"Anong gagawin ko?."

"E confirm mo muna kung ano ba talaga ang meron sa kanila ng Argel na yun. Kung sila, edi respeto nalang girl. Wag ka nang sumawsaw."

"Wag na. Nakakahiya. At saka, pano si Dion?."

"Oo nga pala. Ayun lang. May sabit. Ano? Dispatsahin nalang natin si Dion?."

"Haha sira. Tara na nga. Balik na tayo dun. Akala ko naman kung ano."

EOFB

Umasa na sana ako. Yun pala ito lang maririnig ko galing kay Diana. Sobrang sakit na parang ang dali lang sakanyang ipamigay ako.

Siguro nga nagkamali lang si Maza. Baka nga ako lang tong nahihibang kay Diana. Dapat kasi si Dion nalang. Paulit ulit ko na yang sinaksak sa utak ko pero wala parin eh. Kasi si Diana parin ang laman ng puso ko.

Hindi nako nakasagot sa sinabi niya.

5pm. Sumabay ako kina Diana at Dion pauwi. Paalis na sila nang makita sila ni mommy at pinilit munang tumuloy. Kaya sumabay na sila samin magdinner, at habang kumakain nasa gitna ako ni Diana at Dion nakaupo.

Sobrang ingay kasi tawang tawa kami sa jokes ni Diana at na-aamaze naman kami sa travel stories Dion. Kaya pala minsan lang namin siyang nakikita. Pero mas benta parin sakin ang pagpapatawa ni Diana.

"Ikaw Diana? Mahilig ka rin bang magtravel?." Tanong ni mommy.

"Medyo lang po Tita. Alam nyo na, maraming responsibilidad. Kaya pakiramdam ko, tatanda nalang po siguro akong dalaga." Sagot ni Diana.

"Bakit? Wala ka bang boyfriend iha?." Tanong ni Daddy. Napatingin kaming lahat kay Diana. Parang hindi na nga ako humihinga eh.

"Meron po. Isa. Si Daniel. Private po yung relationship namin. Ayoko po kasi ng showy.." seryosong kwento ni Diana. Di ko ata alam to. Sinong Daniel?

"Talaga?. Pakilala mo naman kahit samin nalang muna." Sabi ni Mommy.

"Sige po Tita. Siguro po pag alam na niya na jowa ko siya."

HAHAHAHA

Kaya pala private kasi siya lang may alam na magjowa sila. So Daniel is a fictional character lang pala. Makakahinga ka na Franki.

"Akala ko talaga totoo. Pero wala ka ngang boyfriend?." Tanong ulit ni mommy.

"Tita talaga, inuulit pa. Masyado nang masakit. Haha joke lang po. Wala talaga. Ewan ko ba, hindi naman ako panget. Siguro, sobrang panget lang no?." Hahaha

"Haha hindi ah. Sobrang ganda mo kaya." Sabi ko.

"Oh ayan ah, galing kay Franki. Siguro naman naniniwala ka na. Kasi di talaga yan nagsisinungaling." Sabi ni Daddy.

Napatingin si Diana sakin with a smile, tapos pabirong nagwink.

"May bonus ka sakin mamaya." Biro ni Diana sakin, kunwari nilalandi ako. Natawa nalang din ako. Pero napansin ko si Dion parang iba na ang tingin kay Diana.

"What's wrong? Are you okay?."

"Y-yeah. I'm good." Sabi niya lang at nag focus muna sa food nya.

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon