Diana's POV
KINABUKASAN
Nagising ako na nasa katawang lalaki parin. Ano bayan, bakit ganito?. Diba dapat babae na ulit ako?. Is this because naging cruel ako kay Franki kahapon?. Pano na to? Hindi ako makakapasok sa trabaho na ganto.
Tinawagan ko si Argel para sabihan tungkol sa nangyari. Nag-ayos narin ako sa sarili ko. Anong gagawin ko buong araw?
Sige na, ako nang bahala.
Thank you Argel.
Naks naman, nagtethank you na. Wag ka ngang ganyan pre, pinapakilig mo naman ako eh.
Sira ka talaga. At saka wag mo nga akong tawaging pre or pare, alam mo namang allergic ako sa endearment na yan.
Okay, I'll call D nalang. Yieee.
Sige na, bye na. Maghahanap pako ng pagkakaabalahan. Basta ikaw nang bahala diyan sa opisina ah.
No problem D. Enjoy your day. Bye.
Hayst. Maybe lumabas nalang ako para mag shopping ng mga susuutin nitong katawang lalaki ko.
So, pumunta ako ng mall. Habang namimili ako ng damit sa men's section, panay lingon naman sakin ang mga girls. Mapamatanda mapabata kahit nga taken o may asawa na eh. Pati yung mga saleslady nagpapapansin narin. Ganito ba talaga yung feeling na gwapo ka? Hmm not bad.
Pansin kong tumutubo narin pala ang balbas ko at mahaba haba narin buhok ko kaya naisip kong magpagupit at magpashave.
At habang nasa barbershop ako,
"May asawa ka na po sir?." Biglang tanong nung gumugupit sakin.
"W-wala pa po Kuya. Bakit nyo naman nasabi?."
"Ang tanong po eh, bakit wala pa?. Ang ganda ganda nyong lalaki, at mukhang marami kayong datung. Siguro naman marami kayong chix no?." Feeling close naman tong si Kuya barbero.
"Wala po Kuya. Wala din akong balak."
"Bakit naman po?. Sayang yung lahi nyo--"
"Hindi po kasi ako mahilig sa babae eh."
"So, bakla ka po?." Gulat niyang tanong, napalingon tuloy lahat sakin. Good luck to their haircuts.
"H-hindi po. S-siguro po hindi ko pa priority yan ngayon. 23 palang po ako eh. Career po muna."
"Ah ganun ho ba?. Hmm may ganun po talaga. Pero may plano po kayong magkaanak?."
"Oo naman po. Kahit nga ngayon mismo eh."
After kong magpagupit, pogi ah. Feel ko magkakagusto narin ako sa sarili ko. Mas malinis na akong tingnan ngayon.
FF
Pinasok ko na sa likod ang lahat ng mga binili kong gamit panlalaki, pagkain, damit at sapatos.
Pasakay nako sa driver's seat nang bigla akong may narinig sa ilalim ng kotse. Parang iyak ng baby. Kaya tiningnan ko agad. May basket sa ilalim ng kotse ko, nagulat ako nang makita kong may laman nga itong baby. Sobrang puti ng baby, parang anak ng foreigner.
Kinarga ko ang bata. May note na nakadikit sa lampin niya na may nakalagay na Hello, I am Dylan. Please be my Daddy/Mommy.
Sino kayang nag-iwan nito dito?.
FLASHBACK
"Ah ganun ho ba?. Hmm may ganun po talaga. Pero may plano po kayong magkaanak?."
BINABASA MO ANG
SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)
General FictionThey say, "When two people wish upon the same star at the exact same time, their wishes intersect." Somewhere in the world there's a girl who wanted to fulfill a family tradition, and a woman who wanted to be loved truly by one person. They have to...