Chapter 9

268 9 1
                                    

Franki's POV

7pm.

Habang naghahanda sina mommy sa loob for dinner, nasa backyard kami para bantayan ang mga bata na sobrang lilikot.

"Oh? Ba't parang di ka masaya?. Don't worry, dadating yun. Ikaw pa, mas malakas ka sa kanya." Maza tried to cheer me up.

Hindi ko alam why I'm feeling this way. I should be happy right?.

Brain: Of course you're not. Because you're disappointed that Diana isn't coming.
Me: Hindi ah. Bakit? Siya ba yung gusto ko eh yung kapatid nya naman!
Heart: Echosera!
Me: Wag ka nga. Isa ka pa, marupok ka. Palagi mo nalang akong pinapahamak!

"Sinong nanalo? Hahaha." Tanong ni Maza.

"Huh?."

"You seemed conflicted kasi. Alam mo minsan natatakot narin ako sayo. Are you sure you're okay?."

"Of course. Bakit naman hindi?."

Ang totoo maliban sa nalulungkot ako na hindi makakapunta si Diana, kinakabahan ako sa mangyayari sa gabing ito.

..

Diana's POV

This is it. Kaya mo yan Diana. They won't suspect a thing don't worry. Hingang malalim. Pagbaba ko sa sasakyan, may bumaba din sa sasakyang kasunod ko lang dumating. At laking gulat ko nang makita ang taong yun,

"Sky?."

Napalingon siya sakin tila nagtataka.

"Uh I'm sorry, do I know you?."

Ako lang naman yung ex mo na hindi mo natiis.

"Hon, you're here. Akala ko ba di ka makakarating?." Takbo ni Maza palapit kay Sky. Kissing him. Is this really happening right now? Kasi parang gusto ko nalang magpasagasa. Ang liit nga talaga ng mundo.

"Syempre, for my future wife magagawan yan ng paraan." Future wife? They're getting married?! 2 months palang kaming break tapos ikakasal na siya agad?! What is this? A joke?!. Abay gago!

Gusto ko syang sapakin at pagsisipain. Niloloko lang pala ako ng gagong to. Kailan pa?!.

"Hi Dion. Franki's waiting inside. By the way hon, I don't know if you've met before, this is Dion." Pakilala sakin ni Maza.

"Cousin?." Sky asked.

"In law." Dugtong ni Maza. I wonder what that means.

"Oh, Franki's boyfriend. Hello Pare, it's nice to finally meet you." He shook my hand. I'm your ex dumbass, tapos pare?! Oo nga pala, lalaki ako ngayon.

Relax Diana. Ikaw si Dion ngayon, wag kang papaapekto. Kahit ang totoo naiiyak nako. Di ko to ineexpect. Like seriously?! Ang tanga tanga ko!.

Pumasok na kami. Nahihiya akong batiin si Franki pero ginawa ko na. Winelcome din kami ni Sky ng family nila. Then there's a guy na I think is Franki's father. Nakakatakot sya. I feel like nakikita ko na may maitim na aura na nakapaligid sa kanya. Dark energy I think.

"Magandang gabi po Sir." Hawak ko sa kamay niya. Naiimagine ko na pinagbabali nya bawat buto ng kamay ko pero buti nalang hindi yun nangyari. Bumitaw lang siya agad.

Nagsiupo na kami pagkatapos, nagpray tapos kumain. Katabi ko ngayon si Franki.

There's silence. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa biglang nagsalita ang Daddy ni Franki.

"I heard na kaya mo namang buhayin ang anak ko, kaya ang mahihiling ko lang sayo ay ang wag mo syang lolokohin at sasaktan."  So this is what it's all about. Did Franki actually told her family na boyfriend niya ako?. I mean si Dion. But why would she do that?.

"Dad.."

"Mabuti nang malinaw." Sabi pa ng Daddy ni Franki. Napalagok nalang ako.

"Wala po akong maipapangako sa kahit alin dun Sir. Somewhere along the way pwede akong magkamali. But I want you to know that I will never intentionally hurt your daughter."

..

Franki's POV

He said it with sincerity. Did he mean it?

Nagulat ako when he held my right hand with his left hand. Kinilig naman lahat maliban kay Daddy. Seryoso parin ang mukha niya.

"I saw your ring. Are you married, engaged--"

"Dad.."

"Hindi po." Yuko ni Dion.

"Then take it off."

"P-po?."

"I said take it off." Dad commanded. Tahimik lang ang lahat. Well this is the first time.

"I'm sorry sir but I can't." Sagot ni Dion.

"Why?."

"Because--because I promised my mom that I would only remove this once I'm married. Dun lang yun pwedeng mapalitan ng bago. Kaya I'm sorry sir, hindi ko pwedeng gawin ang pinapagawa nyo." He apologized.

"Okay let's eat. Masyado kayong seryoso haha. Cheers kina Maza at Sky. At sa anak kong si Franki at sayo Dion, mag-uusap pa tayo mamaya."

After dinner. Lumabas si Daddy kasama si Dion sa garden, I'm sure kasunod nito hindi na sya makakabalik dito.

Bakit ba kasi hindi nya nalang sinunod yung inuutos ni Daddy?.

Habang nasa loob kami,

"Sure po ba kayong walang dalang baril si Daddy?." Tanong ko kay Mommy.

"Sira, wala. Pero in fairness nak ah, ang galing mong pumili. Gwapo, mukhang matalino, may kaya at talagang mabait." Komento ni Mommy.

"Alam ba talaga nun na boyfriend mo sya?." Tukso ni Kuya Derek.

"Ma oh,si Kuya.."

"Kitang kita mo naman kanina diba? Mukhang seryoso talaga yung Dion dito kay bunso." Sabi ni Ate Soph.

"Lalaki parin yun. Tinry mo naba kung natutukso siya sa iba?." Tanong ni Kuya.

"Hindi ko alam eh, parang hindi ko pa siya nakikitang tumingin sa ibang babae. Teka, asan na ba si Maza?."

"Andun sa terrace, kasama sina Lolo at Lola nyo. Nanghihingi ng marriage tips." Sagot ni mommy.

"Ba't parang nagsisigawan?." Tanong ni Ate Soph.

"Ikaw ba naman tumanda. Pero alam nyo feel ko, yung perfect talaga na couple yung pipi na wife at bingi na husband. Para walang gulo. Ang ganda siguro pag tahimik ang mundo, the universe rather." Sabi ni Kuya.

"Ikaw talaga, kung ano anong naiisip mo. Yung anak mo umakyat na sa puno. Hindi na marunong bumaba." Hila sa kanya ng asawa niya.

"Ano?!." Tanong naming apat ni mommy.

Paglabas namin, bumaba narin sina Maza at Sky.

"Anong nangyari?." Tanong ni Maza. Habang nagmamadali kaming naglakad papunta sa puno.

"Si Jake daw umakyat sa puno di na marunong buma--"

"Ayan. Nakababa na. Thanks to your future husband." Nakangiting sabi ni Sky. Napatingin ako sa sinasabi ni Sky. Karga karga na ni Dion si Jake. He looked like Superman when he did that.

Then I saw Dad finally smiling, secretly. So, he really does like Dion. Di nya lang talaga inaamin kanina.

SILENT UNIVERSE (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon