Wendy's POV
Day off ko ngayon sa trabaho at dahil day-off ko ngayon ay nandito lang ako sa bahay. Ayoko naman gumala at pumunta sa kung saan saan. Samantalang si Mom naman ay nasa therapy session niya ngayon at mamaya pa iyon uuwi.
"Ma'am Wendy, may bisita po kayo." Katok ni Manang Delia.
Matapos Kong marinig iyon ay napabangon kaagad ako. Bisita? Wala naman akong sinabihan na pumunta sa bahay ngayon. Tumayo na ako at nag-ayos. Pagkababa ko ay nakita ko naman yung Bangtan ang nandito at may kasama pa silang hindi ko kilala.
"Hi Wendy!" Nakangiting bati sa akin ni Hoseok. Napalingon naman sa gawi ko ang bangtan at yung mga kasama pa nila.
Nandito rin pala ang kambal at si Ylise. Pero may babae akong hindi kilala na kasama nila ngayon. Lumapit naman sa akin si Timothy at binigyan ako ng Chocolate.
"Hi po ulit Ate Wendy!" Bati sa akin ni Timothy. Matapos niyang ibigay sa akin ang Chocolate ay bumalik na siya sa tabi ng papa niya.
"Hello Noona!" - Jungkook
"Hi Wends! " - Jimin
"Good morning Wendy." - Namjoon.
"Isang pinkabulous na araw sa iyo Wendy!" - Jin
"Hi." - Suga.
"Turn up! Wendy!" - Taehyung.
Binati nila akong pito at tumango na lang ako. Kumaway pa sa akin si Timothy at Ylishya na mukhang Super Hyper na naman. Lumapit naman si Ylise at nakipagbeso beso sa akin.
"Ahm, Wends ito nga pala si Siopao ko." Pakilala ni Jimin sa akin yung babaeng kasama nila ngayon.
"Hi, ako nga pala ang nagiisang diyosa na si Veronica Jasmine Cruz. At huwag mo ng pansinin yung pandak dyan." Nakangiting bati sa akin ni Veronica. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
"Ano.. Veronica hin---"
"Ako nga pala si Wendy Park. Nice to meet you Veronica." Nakipagkamay ako kay Veronica at hindi na natuloy ni Hoseok ang sasabihin niya ng makita niyang gawin ko iyon.
"Me too, it's my pleasure to meet you." Matapos naming magbatian ay pinaupo ko naman silang lahat.
"Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.
"Actually, nandito kami para sunduin ka." Sagot ni Hoseok. Napakunot naman ang noo ko. Ako susunduin? Bakit?
Nakatingin lang ako sa kanila at hinihintay ang mga sasabihin pa nila. Nakangiti naman si Hoseok sa akin. "Kasi pupunta tayong....... AMUSEMENT PARK! " Tuwang sambit ni Hoseok.
"YEHEY!!" Tuwang sigaw ng kambal ng marinig nila ang sinabi ni Hoseok. Tumalon pa ang kambal sa sobrang tuwa.
"A-amusement park?" Tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. Matagal ko ng hinihiling noong bata pa ako na pumunta kami sa Amusement park.
Gusto Kong makapunta noon sa mga Amusement park kasi gusto kong sumakay sa mga rides at manalo sa mga mini Games doon. Parang sobrang saya ang lugar na iyon at gusto kong maexperience rin iyon. But then.... hindi kami pumunta sa kahit anong Amusement park dahil ayaw ni Mom. Hindi daw ako pwedeng pumunta roon. I don't know... until I lost my dad. Doon ko lang nalaman na kaya pala hindi ako pwede roon dahil iniisip lang ni Mom ang kalagayan ni Dad. Hindi naman pwede na kaming dalawa lang ni Mom ang pumunta roon at gusto kong nandoon din si Dad kasama namin.
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔
Fanfiction{BTS series #3} "I love you so much that I'm willing to save your life... that I'm willing to give my own life in order for you to live longer... I want to see your happiness... I'm sorry but I need to do this... I'm taking you Wendy to the moon for...