Chapter 23

18 3 0
                                    

Wendy's POV




Nalipat na ako sa private room at under monitoring pa rin ako. Tinawagan na din ni Mom si Hoseok na gising na ako. Tatlong araw na pero hindi pa rin bumibisita si Hoseok. Sabi rin ni Mom nasa Los Angeles daw sila ngayon may concert silang ginawa doon. Maayos naman na ako para akong nabuhay muli. Sabi ni Doktora Ramirez na 3 weeks pa ang kailangan kong istay dito sa hospital.


Si Mom lumabas muna para bumili ng pagkain at si Mikey naman papunta palang siya dito. Kailan ko kaya makikita si Hoseok? I miss him so much. Matagal din kasi akong nawalan ng malay. Two years I guess... For sure malungkot siya ng mga panahon na iyon.



Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Hoseok na kakapasok lang. Iniisip ko pa lang siya kanina ngayon nandito na siya. Nanlaki ang singkit niyang mata at dali dali siyang lumapit sa akin. Nakikita ko na naiiyak na siya.



"Wendy sorry kung ngayon lang ako nakarating..." Paumanhin niya sa akin. Hinaplos ko ang mukha niya at ipinatong naman niya ang pisngi niya sa kamay ko.


"Okay lang... As long as dumating ka. Sorry kung natagalan akong gumising Hoseok." Hinaplos naman niya ang ulo ko. Ngumiti siya sa akin katulad ng ngiti niya na nasisilayan ko noon.



"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin.



"Okay naman na ako. Yung feeling ko parang lumakas ako tapos ang gaan na ng pakiramdam ko." Sagot ko kay Hoseok. Lalong lumawak ang ngiti sa labi niya.



"Mabuti kung ganoon. Saka nga pala, pupunta rin dito sila hyung para bisitahin ka. Tapos once na nakalabas ka na dito marami tayong kailangang gawin. Marami tayong pupuntahan!" Excited na sambit ni Hoseok. Natawa naman ako sa kanya.



"Oo naman. Excited na ako sa mga plano mo. Sana makalabas na ako kaagad para magawa na natin lahat ng mga iyan."



"Huwag kang mag-alala mabilis lang lumipas ang araw baka bukas nadischarged ka na." Nakangiting sambit ni Hoseok sa akin. Tumango ako at inilipat ang tingin sa bintana.



Mabilis ngang lumipas ang mga araw at finally nakalabas na ako pero hindi muna ako pinapapasok ni Mom sa work. Pero balak ko naman na magresigned. Matagal din kasi akong nawala at hindi pumasok. Nakakahiya naman na bigla na lang akong babalik doon matapos ng dalawang taon.


Nandito lang ako sa bahay at hinihintay ang pagdating ng bangtan at ng mga asawa nila at anak. Namiss ko rin yung kambal nila Ylise at Taehyung. Balita ko nga may bunso na sila ulit. Tyrell ang name for sure cute din ng batang iyon. Nabalitaan ko rin na bumalik na si Veronica. Matagal ko ring Hindi siya nakita. Kaya pala bigla na lang siya nawala bago ako maoperahan ay dahil hiwalay na sila ni Jimin. 




"Ma'am Wendy nandito na po sila." Sambit sa akin ng maid namin.



"Sige po Manang Rose papasukin mo na po sila." Tumango naman si Manang Rose sa akin at pinapasok na sila Hoseok.




Nakita ko naman na hindi na nag-uunahan pumasok si Timothy at Ylishya. Nakita kong malaki na sila. Dalaga't binata na silang dalawa. Parang kailan lang ang liit liit pa nila. Nakita kong nakangiti si Hoseok sa akin. Kaagad naman na lumapit si Timothy sa akin at niyakap ako.



"Is it real? Totoo bang nandito ka na ngayon Noona?" Nagtatakang tanong ni Timothy sa akin habang nakataas ang ulo at nakayakap sa akin.



"Oo totoong totoo na talaga ito Tim." Nakangiting tugon ko at hinaplos ang buhok niya. Kumalas naman si Timothy at lumapit naman si Ylishya sa akin. Niyakap ko din siya at ganoon din siya.





"I know you're a fighter Unnie." Nakangiting sambit ni Ylishya sa akin.



"Ang laki laki niyo ng dalawa. Parang kailan lang ang kukulit niyo pa." Pangaasar ko sa kanilang dalawa.



Tumawa naman silang dalawa at marami pa kaming pinag-usapan. Si Hoseok naman tinutulungan ako na magserve nung mga pagkain na niluto ko para sa kanila. Marami kaming napagkwentuhan. Inaasar na nga nila si Veronica at Jimin na magkabalikan na silang dalawa ulit. Maagang umuwi sila Ylise at ang mga anak nila. Matapos din umalis nila Ylise ay umalis na rin sila Jin. Nagpaiwan si Hoseok dito sa bahay.




Tinulungan niya din akong magligpit ng mga pinagkainan namin. Nagpresinta na rin siya na siya na daw ang maghuhugas kahit anong pilit ko na huwag na niyang gawin ay hindi siya nagpatalo. Kaya Wala akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Matapos niyang maghugas ay nandito kami ngayon sa garden. Nakaupo kaming dalawa sa hammock na nakalagay sa ilalim ng puno ng narra na tinanim ni Mom noon kasama si Dad.




Nakadantay ang ulo ko sa dibdib ni Hoseok samantalang siya naman ay yakap yakap ako. Papalubog na ang araw at ang gandang pagmasdan ng paglubog ng araw sa kalangitan.




"Wendy..." Tumingala naman ako kay Hoseok.




"Hmmm...? Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nagtama ang mata naming dalawa at sumilay ang ngiti sa labi niya.





"Wala naman... Gusto ko lang sabihin sa iyo na masaya akong okay ka na." Nakangiting sambit ni Hoseok sa akin. Binalik ko ulit ang tingin ko sa sunset.




"Ako rin masaya ako na okay na ako..." Pabulong Kong tugon. Hinaplos ni Hoseok ang buhok ko at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko.




"Wendy, matagal ko na itong gustong sabihin sa iyo." Malambing na sambit ni Hoseok. Umalis ako sa pagkakadantay sa kanya at umayos ng upo. Nakatingin ako sa kanya at ganoon din siya.




"A-ano iyon Hoseok?"



Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at pinipisil pisil Ito. Tumingin siyang muli sa akin at ngumiti. Hinaplos naman niya ngayon ang pisngi ko.




"Pinangako ko sa sarili ko na sasabihin ko sayo ang lahat once na nagising ka na. At ngayong nandito ka na at gising ka na, gusto kong malaman mo na mahal kita Wendy. Oo noong una gusto pa lang kita pero habang tumatagal napapalitan. Nadadagdagan yung nararamdan ko para sayo. Alam ko ring mahal na kita noong naramdaman ko na ayokong mawala ka. Hindi ko kayang mawala ka sa akin Wendy." Pag-amin ni Hoseok sa akin. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga sinabi niya. Ang tanging ginawa ko na lang ay idampi ang labi ko sa kanya.




Doon ko binuhos ang lahat ng mga nararamdan ko para sa kanya. Magkapatong ang noo naming dalawa at parehas na nakatingin sa isa't isa.









"Mahal din kita Hoseok... Matagal na."



Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon