Chapter 10

30 3 0
                                    

Wendy's POV

Sa isang Filipino inspired restaurant kami pumunta ni Jhope. Hindi ko alam na kumakain rin pala siya ng lutong Pilipino. Sabagay ilang beses naman na silang nakapunta sa Pilipinas kaya nasisiguro ko na nagustuhan niya ang lasa ng mga pagkaing Pilipino. Pinagbuksan niya ako ng pinto at iginaya kami ng isang waiter sa table na nakareserba sa aming dalawa ni Hoseok.

Pinaghila pa niya ako ng upuan at nginitian ko naman siya. Ang gentleman niya ngayong gabi. Ibinigay sa amin ng waiter ang menu nila.

"One Pork Sinigang, one mixed vegetable and Mango Juice." Sambit ko ng order ko.

"Ganoon din yung akin." Sagot ni Hoseok.

"Okay po Ma'am and Sir." Sagot naman ng waiter at saka umalis na.

Naiwan kaming dalawa ni Hoseok at hindi ko alam ang una kong sasabihin. Hindi ako makapag isip ng topic na pwede naming pagusapan. Nakangiti lang si Hoseok sa akin habang pinagmamasdan ako. Nakakailang tuloy.

"Bakit nga pala ako ang iniaya mo sa dinner?" Tanong ko kay Hoseok na ngayon ay napakamot na sa batok niya.

"Ano... hehehe... syempre gusto ko magkaroon tayo ng dinner date... yun yung rason. Tsaka ilang araw na lang matatapos na yung project namin sa Company niyo. Baka hindi na tayo magkakasabay lagi tapos hindi na rin kita makikita. "Nahihiyang saad ni Hoseok sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Nagtataka naman ang kanyang tingin.

"B-bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?" Lalo siyang nahihiya ngayon sa harap ko.

"Wala... natutuwa lang ako sa reaksyon mo. Tsaka ngayon ko lang kasi naranasan ito. I'm not as friendly as you. Kaya naman hindi ko alam kung anong gagawin ko. But thank you for doing this things to me." Saad ko. Ngumiti ulit si Hoseok at saka naman dumating ang waiter dala dala ang order naming dalawa.

After iserved yung order namin ay nagsimula na kaming kumain. Ilang beses rin niya akong tinanong about sa mga nangyari ngayong araw. Kung hindi ba ako napagod ng husto o kaya naman ay nakaramdam ng sobrang emosyon na maaring makasama sa puso ko. He's thoughtful and he's very caring. Kung sino man ang magustuhan niya ay hindi siya magsisisi. Ang swerte ng babaeng mamahalin niya.

Pero bakit ang sakit ng dibdib ko? Bakit nasasaktan ako sa naiisip kong iyon? Bakit nararamdaman ko ito? Hindi dapat ako masaktan na magkakagusto si Hoseok sa iba. Hindi dapat ako makaramdam ng sakit dahil hindi ko naman pwedeng diktahan ang puso niya at isip niya na ako ang piliin niya.

He is free to love someone else. He is free to care someone else. He is free to like someone else. He is free to do everything he wants. I'm just a stranger in his life. I don't have the right to control him. I need to stand on the line where I'm in his life. Hindi ako pwedeng lumagpas sa limitasyon ko. After namin kumain ay inihatid niya ako sa bahay.

"Salamat sa dinner date Hoseok." Nakangiting sambit ko.

"Wala iyon,Wendy. " Nakangiti rin niyang sambit.

"Sige pasok na ako. Ingat and good night." Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya. Akala ko ay aalis niya pero nanatili siya sa labas hanggang sa makapasok na ako sa loob ng bahay. Saka ko lang narinig ang pag-alis ng van.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Mom na nakaupo sa Sofa sa living Room. Nang makita niya ako ay tumayo siya at niyakap ako. Hinalikan ko naman ay pisngi ni Mom at saka niyakap siya pabalik. Kumalas din kami sa yakapan at nakita kong dala dala ni Mom yung picture ni Dad. Malungkot na naman ang mga mata niya. Malapit na pala ang birthday ni Dad. For sure malulungkot na naman si Mom.

Alam kong it takes time to heal those wounds. It takes time to forget the past. Lalo na kung sobrang mahalaga sa iyo ang isang tao. Lalo na kung sobrang mahal na mahal mo ang isang tao. Alam kong hindi pa nakakalimutan ni Mom ang lahat. Hindi niya pa natatanggap ng buo ang lahat.

"Mom..." tawag ko kay Mom na ngayon ay malungkot na tinititigan ang Picture ni dad.

"S-sorry.. I should not make you feel so sad sweetie. Hindi dapat kita pinaparamdam ng ganito." Sabay punas ni Mom ng mga takas na luha sa kanyang mata.

Nilapitan ko siya at tumabi sa kanya sa Sofa. Kahit anong pigil ni Mom na hindi umiyak ay hindi niya kaya. Patuloy lang siyang tahimik na umiiyak habang yakap yakap ang Picture ni Dad. I tried to hide those emotions Para narin sa kalagayan ko.

Ayokong lalong malungkot at mag-alala si Mom kapag may nangyari sa akin. Ayokong saktan si Mom. Niyakap ko siya at umiyak na si Mom sa balikat ko. Hindi ko kayang tignan si Mom na ganito. Parang na ulit lang noong kakamatay lang ni Dad. Ganitong ganito rin si Mom noon.

"Mom.. Alam mo bang ayaw ni Dad na nakikita ka niyang malungkot kasi nasasaktan rin siya. Gusto si Dad na masaya ka at nakangiti lagi." Pagpapagaan ko ng loob ni Mom.

"Alam ko naman iyon Sweetie pero nakakainis naman kasi ang Dad mo. Siya ang may dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Julio you keep on hurting me... you keep on making me cry each nights." Sisi ni Mom kay Dad.

Hinagod ko ang likod ni Mom para tumahan na siya sa pag-iyak. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong lagay ni Mom. She's still mourning... but I know she can pass through. I know she will be fine soon. Not this day but sooner or later.



Hinatid ko na si Mom sa kwarto nila ni Dad. After kong ihatid si Mom ay pumasok na ako sa kwarto ko. It was a very tiring day for me and for mom. But I'm thankful that nothing happens. Kahit na nakakapagod at medyo malungkot ay napasaya naman ako kanina. I'm very happy when me and Hoseok had that dinner date awhile ago.


For me everything looks special and everything looks perfect. Kaagad naman akong nag take ng shower at nagsuot na ng pajamas. Humiga na ako sa kama na may ngiti sa labi bago ako dinalaw ng antok.






_________________________________

Author's Note : hi! Sorry kung hindi ako madalas makpagupdate! Sorry talaga. Tapos sabaw pa itong Chapter na ito. Sorry talaga. Don't worry babawi naman ako. I hope you like this chapter even though sobrang sabaw. Tapos walang masyadong ganap. Hayaan nyo baka next update medyo maayos na. Hehehe... *peace* stay safe! Bye bye!



Vote and comment!

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon