Wendy's POV
Back to normal ulit ang routine ng buhay ko. It's monday kaya naman may pasok na ulit ako. Sinabi na rin sa akin ni Mom ang mga sinabi nung Doktor. Bawal na akong mastress at mapagod. Sinabihan na ako ni Mom na dito na lang daw ako sa bahay at huwag nang magtrabaho dahil maiistress lang ako at mapapagod. Pero hindi ako pumayag kasi ilang months palang akong pumapasok doon bigla na lang akong magreresign.
Tsaka passion ko ang trabaho na kinuha ko. I'm a designer ng mga bag. It's my hobby since I was a kid. Gusto ko ang ginagawa ko at mahirap sa akin na iwan na lang iyon. I'm happy and I hope mom will understand it.
"Good morning sweetie." Bati sa akin ni Mom. As usual she always do our breakfast. Masasabi kong bumabalik na siya sa dati niyang sarili. Nakakatulong sa kanya ang pagthetherapy. Sana tuloy tuloy na ito.
"Good morning Mom." Bati ko pabalik kay Mom.
Hinahinan niya ako at sabay kaming kumain ng breakfast na hinanda niya.
"Okay ka lang ba talaga Sweetie?" Alala na sambit ni Mom.
"Yes, I'm perfectly fine mom. Don't worry too much." Nginitian ko si Mom para hindi na siya mag alala sa akin. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
" I'm just afraid baka bigla ka na lang atakihin tapos mangyari ulit yung nangyari sa iyo last time na umalis ka. Sobra akong nagaalala sa iyo Sweetie. I'm really worried about you. Ayokong iwan mo rin ako kasi iyon ang hinding hindi ko kakayanin." Naiiyak na sambit ni Mom. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Don't worry too much mom. Hindi ako mawawala. I'll fight this until the end. I'll be a fighter mom. Kaya smile ka na dyan... I know everything will be okay soon." Nakangiting sambit ko kay Mom. Tumigil naman siya sa pag iyak at niyakap rin ako ng mahigpit. Hinalikan niya ang ulo ko.
"Aish, ang drama nating dalawa umagang umaga. Basta huwag mong ilalagay sa stress ang sarili mo at huwag kang magpapagod. Understood?" Paalala ni Mom. Kumalas naman ako sa pagkakayakap at hinalikan ang pisngi ni Mom.
"Opo. I'll take care of myself." Nakita kong ngumiti si Mom at pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya.
May sarili kaming driver at hindi ako nagpapahatid pero ngayon lagi na akong sasakyan sa family car namin dahil utos na rin iyon ni Mom. Inaalala niya lang ang kalagayan ko kaya niya ginagawa iyon.
Nang makarating na ako sa office ay nakasalubong ko naman si Hoseok na may ngiting nakapaskil sa labi niya. Napansin ko rin na may hawak hawak siyang isang bouquet ng sunflowers. Hindi niya ako napansin dahil hawak hawak niya ang cellphone niya sa kanang kamay at mukhang may ka text.
Dumiretso na lang ako sa Elevator at pinindot ang floor kung saan ako nagtratrabaho. Pumunta na ako sa working table ko at nakita ko naman si Mikey na kumakaway sa akin. Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko.
"Uy! Nakita ko kanina si Hoseok na may hawak hawak na bouquet ng flowers~ mukhang sa iyo ata iyon binigay. Ikaw ah~" tinusok tusok niya pa ang tagiliran ko.
"Stop it Mikey. Hindi niya sa akin binigay iyong bouquet of flowers." Saway ko sa kanya. Nakita Ko naman na natigilan si Mikey.
"ANO?! HINDI SA IYO?! Pero... akala ko sa iyo yon~ tsk! Akala ko pa naman yung ship ko is sailing!" Inis na sambit ni Mikey. Napailing na lang ako sa narinig ko at nagtrabaho na.
![](https://img.wattpad.com/cover/142798540-288-k365661.jpg)
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔
Fanfiction{BTS series #3} "I love you so much that I'm willing to save your life... that I'm willing to give my own life in order for you to live longer... I want to see your happiness... I'm sorry but I need to do this... I'm taking you Wendy to the moon for...