Chapter 29

23 3 0
                                    

Wendy's POV


One week na lang ikakasal na ako. Ang bilis ng paglipas ng araw. Baka bukas paggising ko ikakasal na ako. Yes, I'm excited at sino ba naman ang hindi maeexcite kung ikakasal ka na. Lahat naman siguro magiging excited at masaya dahil finally you've found that right person for you. Everything are all settled. Nasa bahay lang ako ngayon at nakaupo sa mini chair na mayroon ang balcony ng room ko. Nakatingin ako sa clear blue sky. Walang ulap ngayon at hindi rin nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan.


Umihip ang mabining hangin at hindi na ganon kainit dahil malapit na magpasko. It's currently November at isang month na lang Christmas na. After ng wedding namin, that will be the first Christmas that I will spend with Hoseok. Naramdaman ko naman na may yumakap sa akin.




"Ang lalim ata ng inisip ng baby ko." Malambing na sambit ni Mom.




"Iniisip ko lang yung event next week Mom." Nakangiting sagot ko. Umupo naman si Mom sa katabing upuan.




"Ikakasal na ang nag-iisang baby ko." Malungkot na sambit ni Mom. Niyakap ko naman si Mom dahil lately umiiyak na naman siya kasi sinasabi niya na iiwan ko na siya.




"Mom... Gusto mo bang huwag munang ituloy ang kasal?" Tanong ko kay mom. Alam ko naman na nahihirapan siya kasi aalis na ako dito at maiiwan na siya rito sa bahay.



Nakita kong umiling si Mom sa sinabi ko. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. Nakita kong ngumiti si Mom sa akin.



"Hindi ko hahayaan na hindi matuloy ang kasal mo. Hindi na mahalaga kung maiiwan ako dito basta ang mahalaga makita kitang masaya sa taong mahal na mahal mo. " Nakangiting sambit ni Mom sa akin. Niyakap ko si Mom ng mahigpit kasi mamimiss ko siya.





"Don't worry mom, bibisita ako lagi dito." Sambit ko kay mom.



"Dapat sa pagbisita mo dito may apo na ako ah! Ayokong bumisita ka rito ng hindi kasama ang apo ko!" Pangaasar ni Mom sa akin. Natawa naman ako sa sinabi ni Mom.




"Agad agad mom?! Grabe naman iyon!" Natatawang tanong ko kay Mom.




"Aba! Tumatanda na ako Wendy! Kailangan mo nang bigyan ako ng apo!" Sambit ni Mom sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap at nagtawanan kaming dalawa.





Ilang oras din kaming nag-usap ni Mom. Marami ding naikwento sa akin si Mom katulad na lang ng love story nila ni Dad. Hindi ko alam na parang katulad din pala kami ni Hoseok sa story nina Mom at Dad. Matapos namin mag-usap ay nagpaalam na si Mom sa akin na may aasikasuhin daw siya sa Company kasi may biglang naging problema. Naiwan naman ako sa bahay at currently nandito ako ngayon sa living room. Nanonood ako ng palabas sa television.





"Sunshine! My only sunshine! Sunshine!"


Rinig kong tunog ng cellphone ko na nakapatong sa coffee table. Nagrecord si Hoseok ng voice mail at ginawa niyang ringtone kaya ganyan. Kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong tumatawag si Mikey sa akin.




"Hello Mikey? Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko naman yung mumunting pagsinghot niya sa kabilang linya.




"Okay ka lang ba Mikey? Bakit ka umiiyak?" Agad kong tanong sa kanya.




"E kasi... *Sniff* Wendy! Nakita ko si... Huhuhu... Si... Namjoon na may kasamang babae sa... *Sniff* isang restaurant! Tapos hindi lang iyon! Hinalikan pa niya yung babae paglabas nila!" Umiiyak na sambit ni Mikey sa kabilang linya.




"Tahan na Mikey... Tsaka ano naman kung may kasamang babae si Namjoon? E diba, Wala naman kayong label ni Namjoon?" Diretsahang tanong mo sa kanya. Lalong lumakas ang pagngawa ni Mikey sa kabilang linya.




"Hindi ka nakakatulong Wends! Huhuhu! Grabe ka! Kahit na wala kaming label nasaktan pa rin ang puso ko. Alam mo naman na may gusto ako sa kanya e! *Sniff*" Pagmamaktol ni Mikey sa kabilang linya.




"Hayaan mo na yan Mikey. Siguro hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Malay mo nasa tabi tabi lang pala yung the one na hinahanap mo or baka nakilala mo na siya." Pagpapalubag loob ko kay Mikey. Tumigil naman ang pag-iyak niya sa kabilang linya.




"Tama ka Wends! Magmomove on na ako kaagad. Tsaka wag kang aalis okay? Bibili ako ng dalawang gallon ng ice cream at pupunta ako dyan at sabay tayong kakain! Sasabayan mo akong magmove on!" Sambit ni Mikey.





Wala akong nagawa kundi sumang-ayon sa gustong gawin ni Mikey ngayong araw. Pinatay na niya yung tawag at panigurado na pumunta na yon sa isang convenient store para bumili ng dalawang gallon ng ice cream. Ganyan iyan si Mikey kapag gusto niyang magmove on. Kakain ng maraming ice cream para mawala yung sakit sa puso niya.  Nakita ko na kasi siyang ganyan nung nagbreak sila nung boyfriend niya noon.





Maya maya pa ay nandito na si Mikey at talagang dalawang gallon ng ice cream ang binili niya. Yung isang flavor ay double dutch at yung isa naman ay rocky road. Nakita kong namumugto pa ang mata niya at tumabi na siya sa akin.






"Wends! *Sniff*" nagsimula na siyang umiyak at niyakap ako. Humagulgol siya sa akin at niyakap ko na lamang siya pabalik.





"Tahan na Mikey..." Pagtatahan ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya.




Maya maya pa ay kumalas na sa pagkakayakap si Mikey at pinunasan yung luha niya. Buti na lang naghanda ako ng isang box ng tissue. Panigurado kasing iiyak talaga siya. Binigay ko sa kanya yung tissue at walang alinlangang suminga siya ng sipon at punas ng luha.





"Tara kain na tayo wends. Tapos nood na rin tayo ng romance movie." Anyaya niya sa akin. Ibinigay niya sa akin yung isang ice cream at siya na rin ang pumili ng papanoorin naming dalawa.





"Teka, paano mo naman pala nakita yung scene na iyon?" Tanong ko kay Mikey. Nakatingin pa rin siya sa television.





"Sinundan ko si Namjoon." Sagot niya at sabay subo ulit ng ice cream. Nagulat naman ako sa sinagot niya.





"Bakit mo naman siya sinundan? Ang creepy mo Mikey." Tugon ko sa kanya. Hindi pa rin niya inaalis yung tingin sa television.





"Kasi... Gusto kong malaman kung ano yung dahilan bakit di niya ako nirereplyan sa mga chat ko sa kanya lately." Sagot ulit ni Mikey sa akin.




"Nagchachat kayo?" Tanong ko ulit sa kanya. Nakita kong tumango si Mikey sa akin.





Napailing na lang ako sa mga nalaman ko. Hindi ko alam na naging stalker na pala ni Namjoon ang best friend ko. Kakasunod niya ayan, umiiyak ngayon at wasak ang puso dahil sa mga nakita at nalaman niya. Nanood na rin ako ng movie na pinapanood ni Mikey at kumain na rin ng ice cream. Alas tres ng hapon ay umuwi na rin si Mikey dahil inaantok na daw siya at gusto na niyang magpahinga. Inalok ko naman siya na dito na lang matulog at magpahinga pero sinabi niya na mas gusto niya na magkulong muna sa kwarto niya.





Nakatanggap naman ako ng text message galing kay Hoseok.






From : Sunshine

Break time namin ngayon. Sana ay masaya at okay ka dyan Sunshine. Take care! Love you~ (◍•ᴗ•◍)❤




Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon