Chapter 14

24 3 0
                                    

Wendy's POV

Another day na iiwasan ko ulit si Hoseok. I need to do this at kailangan kong matagumpayan ito. Kailangan makalimutan na rin ng puso ko ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon. Ayokong dumating sa oras na hindi ko kakayanin ang lahat. Oo takot akong sumubok... Bata pa lang ako takot na ako. Takot ako makipagkaibigan, takot akong makisalamuha, takot akong may ibang akong papapasukin sa buhay ko, takot akong sumubok at magtake ng risk at lastly takot akong magmahal ng isang tao.

Oo minahal ko ang magulang ko pero iba kasi yung pagmamahal sa isang taong gusto mong makasama sa habang buhay. At hindi ko nga alam kung siya na ba talaga Yung sinasabi nilang 'The One'. Ayoko rin umasa na mabubuhay pa ako ng matagal. Ang puso ko kasi humihina ng humihina day by day. Natatakot ako na baka kapag sinubukan kong sundin itong nararamdaman ko ay baka makasakit lang ako.

Ayokong ring isipin na may gusto o nararamdaman din si Hoseok sa akin. Paano nga kung mayroon? Paano kung parehas pala kaming may nararamdaman para sa isa't isa? Anong gagawin ko? Ayokong masaktan siya sa huli. He deserve someone better and that's not me. May darating pa sa buhay niya na hindi siya sasaktan at iiwan sa huli. May darating pa sa buhay niya na mamahalin siya ng lubos at hindi siya tatakutin dahil hindi siya mawawala kaagad sa buhay niya.

Pagkalabas ko ng gate ng bahay namin ay nagulat ako nang makita ko ang van ng bangtan na nakapark sa labas ng bahay namin. Magcocommute lang ako ngayon at ayokong magpahatid sa family car namin. Basta gusto ko back to normal ulit kahit na ayaw na ni Mom na magcommute ako.



Biglang bumukas ang pintuan ng van ng bangtan at lumabas doon so Hoseok. Kasama niya yung mga co members niya. Gusto kong umalis at maglakad palayo pero bigla na lang akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang bilis na naman nang tibok ng puso ko.




Nakangiti siya sa akin. Yung mga ngiting lagi kong gustong makita at masilayan. Mga ngiting nagbibigay saya at buhay. Hindi naman kasi ako palangiting tao kagaya niya.



"Good morning sunshine!" Maligayang bati sa akin ni Hoseok. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ngingiti ba ako o iiwas na lang? Ano na Wendy?




"Hi noona! Good morning!" Bati rin ni Jungkook at Jimin sa akin.




"Good morning Wendy noona." Kumakaway pa si Taehyung sa akin. Si Jin naman at nagwink. Si Namjoon naman ay kumaway din sa akin. Si Suga naman ay walang emosyon na sumulyap lang sa akin at sabay tingin na ulit sa cellphone Niya.



"Good morning..." Bati ko sa kanila. Hindi ako makatingin kay Hoseok o kahit sino man sa kanila.




"Tara sabay ka na sa amin Wendy." Anyaya sa akin ni Hoseok. Tumingin ako saglit sa mukha niya at sabay iwas din kaagad.



"Hindi na.. salamat na lang sa alok mo Hoseok pero kaya ko naman magcommute." Sambit ko sa kanya habang Hindi pa rin makatingin sa kanya.



Naghakbang na ako palayo sa kanya at sa mga kasama niya. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may sumabay sa akin maglakad. Nilingon ko naman ito at nakita ko si Hoseok. Nakangiti pa rin siya sa akin samantalang sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Hindi mapakali ang puso ko sa sobrang bilis nang tibok nito. Parang andaming nagkakarerang kabayo sa puso ko ngayon.



"Bakit ka pa nandito? Paano yung mga kasama mo? Hindi ka ba sasabay sa kanila?"tanong ko sa lalaking kasabay ko ngayon maglakad.



"Sasamahan kita. Sabay tayong magcocommute. Tsaka nagpaalam naman ako kila hyung. Okay lang naman sa kanila na sumabay ako sa iyo." Nakangiting sambit niya. Sinuot na niya yung mask, cap at shades niya.




Napabuntong hininga na lang ako at pilit na pinapakalma ang buong sistema ko. Sabi ko iiwasan mo siya pero siya naman itong patuloy na nagpaparamdam sa akin at hindi ko tuloy siya maiwasan talaga. Ano ba Hoseok? Hindi mo ba alam na lalo lang akong nahihirapan? Ang hirap ka na ngang iwasan mas lalong mahirap na ngayong kasama pa kita.



"Wendy bakit mo ba ako iniiwasan? May ginawa ba ako? Sabihin mo lang promise handa kong gawin ang lahat para mapatawad mo lang ako." Sambit ni Hoseok sa akin. Anong isasagot ko? Hindi ko alam! Ang hirap hirap na talaga ng sitwasyon ko ngayon.





"H-hindi naman kita iniiwasan... T-tsaka wala ka naman ginawang masama sa akin. B-busy lang talaga ako." Nauutal na sagot ko sa kanya. Hindi pa rin kasi kumakalma ang puso ko. Sobrang bilis pa rin nang tibok nito.



"Kung ganoon, edi bati naman pala tayo! Akala ko talaga galit ka sa akin kaya mo ako iniiwasan. Pero ipapaalala ko lang Wendy.. huwag kang magpapagod masyado. Ayokong may mangyari sa iyo. Ayokong makita ka ulit na mawalan ng malay." Puno ng lambing ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit gusto kong marinig palagi ang boses niya.




Napangiti ako ng hindi inaasahan at alam kong nakita iyon ni Hoseok. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kanang kamay ko at pinagsiklop ito. Lalong nagwala ang sistema ko dahil sa ginawa niya. Parang kinuryente ng malakas na daloy ng enerhiya ang puso ko sa sobrang bilis nang tibok nito.



"Para!" Sigaw ni Hoseok sa papalapit na taxi.



Huminto ang taxi sa harap namin at pinagbuksan ako ni Hoseok ng pinto. Hindi pa rin ako nakakabawi sa ginawa ni Hoseok kanina.


"Wendy?" Tawag ni Hoseok sa pangalan ko. Napakurap kurap ako ng mata at pumasok na.




Feeling ko sobrang pula na ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya sa harap ni Hoseok. Ano bang nangyayari sa iyo Wendy? Huwag kang masyadong halatado. Gawin mong normal lang ang lahat. Baka kapag nahalata niya kahit konti lang ay lalong maging mahirap lang sa iyo ang lahat.


Hindi na kami nag-usap pang muli ni Hoseok sa buong byahe. Nasa loob na kami ng lobby ng company na pinagtratrabahuan ko.



"Sige mauna na ako Hoseok. Mag-ingat ka." Paalam ko Kay Hoseok pero Hindi pa ako nakakalakad ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya naman napaharap ako sa kanya.



Sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko siya matulak sa sobrang pagkabigla. Ibinaba niya ang suot na mask at bigla ko na lang naramdaman ang labi niya sa noo ko. Hindi talaga ako makagalaw.



Napapikit na lang ako dahil sobrang lapit ng mukha niya. Hindi ko alam kung sadyang bumagal lamang ba ang oras at bumagal ang pag-ikot ng mundo. Naramdaman ko naman ang pagkalas niya sa pagkakahawak sa akin. Biglang naging normal na ulit ang lahat.



Napakurap kurap ako at hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari. Napaawang ng konti ang labi ko. I'm still on the state of shock. Tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.




"W-wendy?! Teka!" Rinig Kong sigaw ni Hoseok sa akin.




Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napatakbo palayo sa kanya. Hindi ko rin naramdaman na sumakit ang dibdib ko o ang pagkapos ng hininga ko. Dahil siguro sa adrenaline rush na naramdaman ko.




Gusto kong makalayo kay Hoseok. Gustong gusto ko... Mabuti na lang sumunod ang katawan ko sa sinasabi ng isip ko.




Nang magsarado ang pintuan ng elevator ay napahawak Naman ako sa dibdib ko. Nakita ko ang repleksyon ko at sobrang pula ng pisngi ko. Hinabol ko naman ang paghinga ko dahil sa sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko. Hindi dahil sa pagtakbo ko kundi sa ginawa ni Hoseok sa akin.






Hoseok.. you will be the cause of my death.






______________________________

Author : Sana nagustuhan niyo ang update na Ito! Ano pa bang mangyayari sa susunod na chapter? Aamin na ba si Wendy? Aamin na rin ba si Hoseok? Abangan! See y'all in the next chapter! Bye.




Vote and comment!

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon