Chapter 15

19 3 0
                                    

Wendy's P.O.V




Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko na talaga siya maiiwasan ngayon. Kailangan kong kumalma kahit sandali dahil Hindi na ako makapag-isip ng mabuti sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina. Paulit ulit na nagrereplay sa isip ko at para siyang bangungot na ayaw matapos. Kailangan kong magising.


"Wendy? Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Mikey. Hindi ko pa sa kanya nasasabi ang nangyari kaninang umaga.


Nandito kami ngayon sa cafeteria at kakain ng lunch namin. Hindi ako nakapagbaon dahil nagmamadali na ako. Tapos maagang umalis si Mom sa bahay dahil may yoga session daw siya pero mas mabuti na iyon para naman maging okay na talaga ang kalagayan niya.


"H-hindi ako okay Mikey." Nahihiyang sagot ko. Hindi ko pa rin mapakalma ang sarili ko. Hindi naman kasi ako sanay sa ganoon. Nagulat at nabigla din ako sa mga nangyari.



Umupo na sa tapat na upuan si Mikey at mataman na tumingin sa akin. Nilapag na rin niya ang order naming dalawa. Sa totoo lang kanina pa ako hindi mapalagay pero mabuti na lang hindi naman nagtanong si Mikey. Napahinga ako ng malalim. I need to take a deep breath.



"Bakit may nangyari ba? Sa totoo lang kanina ko pa napapansin na parang may iba sa iyo ngayon Wendy. Ano bang nangyari?" Sambit ni Mikey sa akin. Napabuntong hininga ako at saka tumingin kay Mikey.


Nakatingin siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Uminom muna ako ng tubig bago nagsimulang magkwento sa mga nangyari kaninang umaga. Gulat na gulat si Mikey sa mga nalaman niya pero hindi lang iyon. Muntikan pa siyang mapatili ng malakas dahil sa sobrang kilig.


Sa totoo nga lang, siya pa itong mas kinikilig kaysa sa akin. Pero diba kilig na rin iyong naramdaman ko kanina? Kasi... Aish! Ewan. Hindi ko pa naman kasi nararanasan iyon. Lahat ng Ito ay mga first time ko. Nagsisisi na tuloy ako na Hindi ko man lang triny Yung mga bago na Ito noon para naman Hindi ako ngayon nangangapa.



"Omg! Kinikilig talaga ako sa iyo Wendy! Grabe... Biruin mo gagawin sa iyo ng isang sikat na idol at take note! Jung Hoseok iyon Wends! Mygad! Ang swerte mo best friend!" Tuwa at kinikilig pa ring sambit ni Mikey sa akin.





"Huwag kang masyadong maingay Mikey." Saway ko sa kanya. Napatingin pa siya sa paligid at nagkunwaring may zipper ang bibig niya.




"Okay.. hehe.. sorry wends. Sobrang taas lang kasi ng kilig na nararamdaman ko ngayon!" Pabulong na sambit ni Mikey. Pinaglalaruan ko na lang ang pagkain ko.




Paano ako nito makakakain kung paulit ulit kong naaalala Ang mga sandali na iyon. Parang sirang plaka na paulit ulit na nagplaplay sa isipan ko. Napangalumbaba na lang ako habang tinitignan ang pagkain ko. Ilang minuto na lang matatapos na ang lunch time namin.




"Hi!" Isang matamis na tinig ang narinig ko sa tabi ko. Narinig ko rin ang pag-usog ng upuan sa gilid.



Napaangat ang ulo ko at tinignan ang pamilyar na babae na bigla na lang lumapit sa amin ni Mikey. Nakita ko ring natigilan si Mikey at nawala Ang ngiti sa labi niya. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ngayon sa table namin at nakaupo kasama namin si
Minha.




Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang akong nainis at nawalan lalo ng gana kumain. Gusto ko siyang tarayan na lang bigla. Yung kaninang mga paruparo na lumilipad sa tyan ko ay bigla na lang nawala. Yung sayang hindi ko batid kung saan nagmula ay biglang napalitan ng inis.





Nakangiti si Minha sa aming dalawa ni Mikey. Hindi ko alam kung ngingiti din ba ako pabalik. May kakaibang emosyon din akong nararamdaman ngayon. Hindi ko batid kung ano iyon. Bago lang ang emosyon na iyon sa akin.





"Ehem. So hindi ko pala alam na hindi kayo marunong bumati pabalik. Well, hayaan na natin iyon. By the way, I'm Minha Chan at siguro naman kilala niyo ako. Sadyang gusto ko lang magpakilala pa rin incase na hindi niyo nga talaga ako kilala." Nakangiti siya sa amin pero ang boses niya mahihimigan mo ng purong kaplastikan. May halong kayabangan din at masyadong mahangin.





"Oo kilala ka naman namin. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang sikat na model ng mga products na binebenta ng company natin sa market." May halong katarayan na sambit ni Mikey kay Minha na ngayon na nawala na ang ngiti sa kanyang labi.





Tumikhim siya muna bago bumaling sa akin. Sumilay ang nakakalokong ngiti at may kahulugan. Hindi ko ata gusto ang binibigay niyang ngiti sa akin. Kinakaban ako sa maaaring lumabas na mga salita sa kanyang bibig.





"Look, Wendy Park... I am just here to say an important warning just for you. You're not a fool, are you? so maybe you can understand what I'm going to tell you Wendy." May halong inis na at pagbabanta ang boses niya.




Nakangiti pa rin siya sa akin at nakatingin ng direkta sa mga mata ko.
"Stay away from my boyfriend. Do you understand Wendy or maybe you do not get it. Okay, I will repeat and clarify for you too ... stay away from Hoseok."






Nagulat ako sa mga sinabi niya at nakaramdam ako ng inis sa mga sinabi niya. Pero ang hindi ko matanggap ay iyong salitang ginamit niya. Boyfriend? Boyfriend niya si Hoseok?





"Look Minha, hindi naman isang mang-aagaw ang best friend ko. Hindi niya aagawin ang isang tao na alam naman niyang may karelasyon na. Hindi naman siya ganoon kadesperada." Pagtatanggol sa akin ni Mikey. Hinarap siya ni Minha.




"Well, Sana nga hindi siya katulad ng babaeng tinutukoy mo." Matalim at parang maliliit na kutsilyo ang mga salita na lumalabas sa bibig niya.





Tumayo na siya at naglakad na paalis sa amin ni Mikey. Tumayo si Mikey at nilapitan ako. Bakas ang pagaalala sa mga mata niya.



"Huwag mong isipin iyong mga sinabi ng Minha na iyon. Huwag mong istress ang sarili mo dahil sa kanya. Tsaka Hindi Naman siguro totoo na may relasyon silang dalawa ni Hoseok kasi hindi naman gagawin ni Hoseok ang mga bagay na ginawa niya saiyo kung may girlfriend na siya. Tsaka papansin lang iyong Minha na iyon." Sambit ni Mikey sa akin.





"Tama ka Mikey." Nakangiting sambit ko pero hindi pa rin ako kumbinsido sa mga sinabi ni Mikey sa akin. Alam kong pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko.




"Hala tara na Wends!" Anyaya sa akin ni Mikey. Tapos na pala ang lunch break namin.







Tumayo na kaming dalawa ni Mikey at sabay na naglakad na ulit pabalik sa cubicle namin. Pero Hindi pa rin mawaglit sa isip ko Ang mga sinabi ni Minha sa akin kanina.






Ano ba talaga ang dapat paniniwalaan ko Hoseok?





______________________________

Author : Double update for this day! Yey! Sinipag ako ngayon. Ano na bang mangyayari sa susunod na chapter? Totoo ba ang mga sinabi ni Minha o fake news lang lahat ng iyon? Abangan.





Vote and comment!

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon