Hoseok's POV
Namimiss ko na tuloy si Wendy kasi nandito kami ngayon sa isang photoshoot. Malapit na rin matapos ang project namin sa Company na pinagtatrabahuhan ni Wendy. Huhuhu... malapit ko na siyang hindi makita. Bakit kasi ang bilis ng oras at ng araw iyan tuloy dalawang linggo na lang kami magkakasalubong sa hallway or magkasabay na sumakay sa Elevator. Huhuhu! Gusto ko iextend yung project namin! Mamimiss ko si Wendy!
Napatigil naman ako sa pageemote ng biglang may bumato sa ulo ko ng unan. WAIT? ! Bakit may unan na tumilapon sa ulo ko?! Huh? Akala ko ba nasa shooting kami bakit may unan? Teka baka nananaginip lang ako! Omygad omygad!
"Tss. Dumbest as always." Rinig Kong sambit ni Syubie sa akin. Teka wala naman akong katabi kanina dito ah? Bakit naririnig ko ang boses ni Syubie? Baka namn nababaliw na ako! Omygad omygad!
Nakatanggap naman ako ng batok kaya naman ay hinimas himas ko ang ulo ko. Tinignan ko naman ng masama yung nambatok sa Precious head ko. Nakita ko naman si Syubie na masama ang tingin sa akin. Kaya naman ay napalunok ako ng laway ng hindi oras.
"B-bakit Syubie? May kailangan ka ba?" Natatakot talaga ako kay Syubie. Grabe naman kasi makatingin sa akin para akong papatayin.
"Para kang timang kanina dyan. May pailing iling ka pa ng ulo mo tapos ang drama drama mo pa habang kunwaring nasasaktan ka. May pa hawak ka pa sa dibdib mo." Cold na sambit sa akin ni Syubie.
Nanlaki naman ang mata ko. Oo Literal na nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko mula kay Syubie. Wait, ginawa ko ba talaga iyon? Huh? Huh? Napakamot pa ako sa ulo ko kung naalala ko bang ginawa ko iyon. Pero wala e. Nag iisip lang naman ako kanina at nageemote. Baliw na ata si Syubie. Napailing na lang ako at tumayo.
"Alam mo Syubie nababaliw ka lang." Sambit ko Kay Syubie tapos tinap ko pa yung balikat niya at umalis na ako.
Ibang klase talaga si Syubie siguro kulang iyon sa tulog kaya ganon. Sa susunod nga hindi ko na siya kukulitin baka kung ano pang makita niya. Mahirap na baka maidala sa mental hospital si Syubie! Ayoko non! WAAAH! Hindi pwede!
May bigla na lang sumapok sa ulo ko na isang matigas na bagay. Tinignan ko naman iyong bagay at nakita kong isang pink na sapatos ang lumanding sa ulo ko kanina. Tinignan ko naman kung sino ang nambato nito sa ulo ko at BOOM! Nakita ko si Jin hyung.
*Gulp*
"Mukha kang baliw dyan Hoseok! Ayusin mo nga ang sarili mo kabayo!" Galit na sigaw sa akin ni Jin hyung. Naguguluhan na talaga ako sa inaakto nila. Hindi naman ako nababaliw ah! Hmp! Nageemote lang ako dito bigla na lang may mambabato ng kung ano ano.
"Hindi ako baliw Hyung! Baka kamo kayo ang baliw. Tatawag na talaga ako sa mental hospital nang mapatingnan na kayo." Sambit ko Kay Jin hyung sabay lakad ulit.
Nakakainis naman sila! Hindi ko tuloy matuloy tuloy ang pageemote ko! Huhuhu... Miss ko na talaga si Wendy. Mamaya nga bisitahin ko siya. Hmm... tapos yayayain ko siyang kumain! Tama! Hehehe... Ang talino mo talaga Hoseok!
"Yo, baba hyung. Mukhang masaya ka na naman ah." Sambit nung pandak na naka-akbay sa akin ngayon. Saan na naman kaya galing toh? Parang kabute kung saan saan nasulpot.
"Hehehe... bibisitahin ko kasi si Wendy mamaya after ng shooting natin ng MV." Nakangiting sambit ko kay pandak. Inalis naman niya ang akbay niya sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Inlababo ka na ata Baba hyung." Nakangising Pangaasar sa akin ni Pandak. Inlababo? Ano yun? Salita ata yon ng mga nakatira sa punso.
![](https://img.wattpad.com/cover/142798540-288-k365661.jpg)
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔
Fanfiction{BTS series #3} "I love you so much that I'm willing to save your life... that I'm willing to give my own life in order for you to live longer... I want to see your happiness... I'm sorry but I need to do this... I'm taking you Wendy to the moon for...