Chapter 18

19 3 5
                                    

Mikey's POV


Nakasakay na kami sa family car ni Wendy at papunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang party para sa anniversary ng company namin. Nakasuot ako ng Lilian red slim sequins hang neck sling dress, I make my hair in a side swept curls, smokey eye and very red lipstick.



Samantalang ang ayos naman ni Wendy ngayon, nakasuot siya ng
Velvet Off-Shoulder Layered Trumpet Dress, I make her hair in a French braid updo at medyo light lang eyeshadow na nilagay ko since iyon ang gusto niya tapos red lipstick and light pink cheek tint. You know ayaw ni Wendy ng masyadong kabongga na makeup.


Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon habang inaalala ang mga kwento ni Wendy sa akin nung nasa team building pa ako at silang dalawa ni Hoseok ay may date. Grabe ang swerte ng love life ng best friend ko. Sana ako rin makahanap na ng lalaking mamahalin din ako. Like omg! Siguro mamamatay ako sa kilig kung may gagawa rin ng mga ginawa ni Hoseok Kay Wendy.




Hays.. asaan ka na ba kasi Mister Right? Ang tagal mo naman kasing dumating sa buhay ko. Baka naman nagkasalubong na tayo sa daan dati pa o hindi naman kaya ay nakausap na kita pero dahil malupit si tadhana hindi niya muna sinabi at ipinaramdam sa ating dalawa na tayo ang itinadhana.



Tahimik lang si Wendy na katabi ko ngayon at nakatingin lang sa labas ng bintana. Malapit na kami sa venue at for sure mapapanganga ang lahat kapag nakita na nila si Wendy. Kasi hindi pa nila nakikita ang taglay na kagandahan ng nag-iisang Wendy Park. Hindi kasi palaayos si Wends kaya for sure maraming mag-aalok na isayaw siya.



At syempre nandito lang ako sa tabi niya para maging instant fairy god mother Niya for this night. I'm so excited! Nagpark na si Manong Joey sa  parking lot ng hotel na ito. Yup! Sa isang hotel gaganapin ang party. Tsaka balita ko itong hotel na ito ay pagmamay-ari din ng boss namin. Oh diba ang yayamanin talaga ng boss namin.



Pinagbuksan kami ni Manong Joey at unang bumaba si Wendy then next is me. Ang ganda ganda talaga namin ngayon.




"Salamat Manong Joey. Imemessage ko na lang po kayo kung uuwi na kami." Pasasalamat ni Wendy sa driver nila.



"Sige po ma'am." Sambit ni Manong Joey kay Wendy.



Naglakad na kaming dalawa ni Wendy papasok sa entrance ng hotel. Halos lahat ng tao na nandito ngayon ay nakatingin sa aming dalawa o baka naman ay feeling ko lang. Naglakad lang kami at pumunta na sa isang magarbong ball room ng hotel. Like omg! So ganda naman dito.




Syempre binuksan pa muna ang malaking door at nakatingin sa amin ang lahat ng mga katrabaho namin. Naglakad na kaming dalawa ni Wendy sa red carpet. Nandito na silang lahat at mukhang tama lang ang dating namin ni Wendy.



Giniya kami sa table kung saan kami nakaassign. Nakita ko yung mga katrabaho namin sa department namin. Nasa iisang table lang kami. Mukhang kada department ang ayos ng table.



"Woah! Ang ganda mo Wendy." Manghang sambit ni Zamara sa katabi ko ngayon.




"Oo ang ganda ganda mo ngayon Wendy." Saad din ni Criza. Lumapit silang dalawa kay Wendy at nagselfie silang tatlo. Si Wendy naman nahihiya pa kaya naman ay natawa na lang ako sa best friend ko.




"Naks! Ang sexy mo naman Mikey." Papuri naman ni Karen sa akin. Maganda din naman silang lahat at iba iba ang suot na evening dress.





"Oo nga sobrang seductive mo ngayon ah! Mukhang maraming boys ang matetempt." Pangaasar naman ni Bernadette sa akin.




"Hahaha malay natin dito ko na makita ang mister right ko!" Pakikisabay ko sa biruan nila. Tumawa naman ang dalawa sa sinabi ko.





Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon