Chapter 27

17 3 0
                                    

Wendy's POV


Next month ikakasal na ako at hindi lang ako ang excited kundi si Mom at Mikey. Sila nga itong busy sa pamimili ng wedding gown ko, cake, venue at marami pang iba. Hindi ko tuloy alam kung sila ba ang ikakasal o ako. Pero mabuti na rin itong ganito sila at least hindi na ako mahihirapan magdecide. Tsaka sinabi naman sa akin ni Hoseok na ako na daw bahala sa wedding namin. Kung ano daw gusto ko ay iyon ang masusunod.


Habang abala sila Mom at Mikey sa pagdedecide at pamimili ay lumabas muna ako papuntang garden. Hindi ko pa rin nakakausap si Hoseok dahil may tinatapos pa siya. Tsaka yung ginagawa niya ngayon ay para sa mga araw na mawawala siya for the wedding at of course for our honeymoon. Tinatapos na niya kaagad ang part niya para wala na siyang iisipin.

Inaayos ko na rin yung mga gamit sa bahay na binili ni Hoseok para sa aming dalawa. Paunti unti na rin akong bumibili ng mga furniture para hindi na rin hassle. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling ng mainlove at pakakasalan mo yung taong mahal mo. Ang sarap sa feeling. Para akong nasa ulap.


Tinitigan ko naman yung engagement ring na binigay sa akin ni Hoseok. I couldn't believe it na next month ikakasal na ako. Next month panibagong yugto na ng buhay ko. Next month Hindi na ako dito titira. Next month magiging asawa na ako ng nag-iisang tao na nagbigay sa akin ng pag-asa, Saya at pagmamahal.


Napangiti ako habang inaalala yung mga pangyayari sa nakaraan. Hindi ko talaga inaakala na magiging ganito ang buhay ko. Hindi ko rin naman kasi inaakala na makakakilala ako ng katulad ni Hoseok. Hindi ko talaga ineexpect iyon. Siguro Ito talaga ang way ni God at siya talaga ang binigay sa akin to feel love, happiness, and give hope for me to live longer.


Maya maya pa ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot Ang tawag. Boses palang niya iba na kaagad ang impact sa akin. Iba talaga ang impact niya sa buong pagkatao ko at sa puso ko.


"Hello? Kamusta ang sunshine ko?" Tanong sa akin ni Hoseok galing sa kabilang linya.



"Heto busy pa rin sa preparation ng wedding pero don't worry sila Mom at Mikey ang todo ang asikaso." Sagot ko. Narinig ko naman na tumawa siya sa kabilang linya.



"Sobrang excited ata ni Eomma sa wedding natin." Natatawang saad ni Hoseok.



"Ganon talaga siguro si Mom lalo na kung ikakasal na yung Unica ija niya." Siguro kung narinig ni Mom itong sinabi ko panigurado hahampasin ako non at sisimangutan.



"By the way, maaga ako natapos ngayon. May gusto ka bang puntahan?" Tanong sa akin ni Hoseok.


"Oo may gusto akong bisitahin ngayon. Gusto kong bisitahin si Dad." Sagot ko Kay Hoseok.


"Sige dadaan muna tayo ng flowershop tapos diretso na tayo kay Appa." Masayang sambit ni Hoseok.



Pumasok na ako sa loob at naghanda na dahil aalis kami ni Hoseok. Nagsuot lang ako ng floral dress at flats. Maya maya pa ay dumating na si Hoseok at sumakay na kami sa Van nila. Dumaan muna kami sa flowershop at pagkatapos non ay pumunta na kami kay Dad.


Nang makarating na kami sa puntod ni dad ay nilagay ko na yung binili naming bulaklak. Siguro kung nandito pa si Dad panigurado sobrang saya niya dahil yung prinsesa niya ay ikakasal na. At ihahatid niya ako sa altar papunta sa lalaking mahal na mahal ko.



"Hi dad, kamusta ka na? Alam mo ba Dad ikakasal na ang prinsesa mo. Ikakasal na ako dad. Si Mom nga sobrang excited at mukhang siya yung ikakasal. Tapos malapit na rin yung wedding day ko. Next month ikakasal na ako sa mahal ko. Sa totoo nga niyan dad nandito si Hoseok. Siya yung taong pakakasalan ko. Siya rin yung taong nagbigay sa akin ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang paglaban sa sakit ko. Siya rin yung nagbigay sa akin ng happiness at love." Pagkwekwento ko kay Dad. Tumabi na rin si Hoseok sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Ipinatong rin niya ang baba niya sa balikat ko.



"Hello po sir. Ako po si Hoseok, yung lalaking mahal na mahal ang anak niyo. Don't worry po, hindi ko po pababayaan ang nag-iisa niyong prinsesa at hindi ko po siya paiiyakin. Ang tanging gagawin ko lang ay ang mahalin siya ng paulit ulit at pasasayahin siya hanggang sa pagtanda. Hindi ko po siya sasaktan at iiwan dahil mahal na mahal ko po ang anak niyo." Malambing at sweet ang mga sinabi ni Hoseok. Siguro kung nandito si Dad panigurado okay na okay kaagad yon Kay Hoseok. Botong boto siguro siya sa kanya.


Hinawakan ko ang kamay ni Hoseok at pinagsiklop ito. Napangiti ako bigla at hindi ko namalayan na para na naman akong nasa alapaap. Ibang iba talaga kapag nagmamahal ka. Iba yung feeling.

"Sige Dad uuwi na kami. Kung nasaan ka man ngayon, always remember that I love you and I miss you so much." Paalam ko kay Dad. Tumayo na si Hoseok at inilahad Ang kamay sa akin na malugod ko naman na tinanggap.


Umalis na kami roon at pumunta kami sa bahay naming dalawa ni Hoseok. Kaunti palang ang laman pero I'm sure mapupuno din ito. Umakyat kami sa taas at binisita namin ang bawat kwarto. Hanggang sa napadpad kami sa isang nursery room. Wala pang masyadong gamit dito pero may mga decorations naman na.


Habang nililibot ko ang tingin sa kabuang kwarto ay naramdaman ko na niyakap na naman ako ni hoseok mula sa likuran. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.


"Kung mabibigyan kaagad tayo ng baby, anong gusto mo? Girl or boy?" Tanong sa akin ni hoseok.


"Kung mabibigyan man tayo kaagad ng baby... I'm okay kung babae o lalaki man ang unang ibigay. As long as he or she is healthy. Tsaka she or he is still our child. Kung ano man ang ibigay sa atin ni Lord, we'll take it and pour all the love that we have." Sagot ko sa kanya. Hindi ko man nakikita Ang mukha niya panigurado nakangiti siya ngayon.


"Ilang baby naman gusto mo?" Tanong niya ulit sa akin. Napa-isip naman ako sa tanong niya.


"Kung ilan ang ibigay sa atin. Kung dalawa, Isa, tatlo o isang dosena pa yan tatanggapin ko." Sagot ko ulit Kay Hoseok. Natawa naman siya at pinaharap ako sa kanya.



"Ako rin kung ilan ang ibigay sa atin as long as ikaw ang magiging ina ng mga anak ko, okay na okay na ako." Nakangiting sambit ni Hoseok sa akin.



Unti unti ay lumapit ang mukha niya sa mukha ko at he's filling up the gap between us. Until I feel his lips touch my lips. And I closed my eyes to feel the warmth of his kisses. To feel his love for me. I don't hesitate to kiss him back and pour my love in this kiss we are sharing.





I love you so much, my sunshine.

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon