Chapter 24

18 3 0
                                    

Wendy's POV


We are preparing for the wedding proposal surprise ni Jimin para kay Veronica. Kasali ako sa pakulo nila at hinahanda na namin ang lahat dahil balita ko papauwi na silang dalawa ngayon at kailangan maihanda na namin ang lahat bago sila makauwi. Tinawagan na rin naman ni Namjoon si Jimin kaya alam na namin kung anong oras sila darating.


Ibang klase din ang storya nilang dalawa ni Veronica. Hindi ko aakalaing sila pa rin pala ang sa huli. Kasi ilang beses silang naghiwalay, ilang beses din nagkaayos. Ilang taong nagkahiwalay pero kahit anong pilit nilang paglayo sa isa't isa babalik at babalik pa rin sila dahil sila ang talagang nakatadhana para sa isa't isa.



I wish ganoon din kami ni Hoseok. Sana kami talaga ang para sa isa't isa. Habang nag-aayos kami ay nagpalit na sila Hoseok, Jungkook, at Taehyung ng damit. Nakita kong papalapit si Hoseok sa akin. Nakita kong hindi masyadong maayos yung neck tie niya kaya naman ay lumapit na ako sa kanya at ako na ang nag-ayos nito. Nagulat naman siya pero ngumiti din naman pagkatapos kong gawin iyon.



"Salamat sunshine." Sweet na sambit niya sa akin. Sunshine na ang tawagan naming dalawa simula nang magtapat siya ng nararamdaman niya para sa akin.



"You are always welcome my sunshine." Nakangiti ko ring bati. Hinalikan naman niya ang noo ko at nagsimula na ulit kaming mag-ayos.


After ng ilang oras ay dumating na sila Jimin. Doon na nagsimula ang surprise nila para kay Veronica. Sana sagutin niya at tanggapin niya ang proposal ni Jimin sa kanya. Pero alam ko naman na tatanggapin niya. Ramdam ko naman na mahal na mahal niya talaga si Jimin at mahal na mahal din siya nito. They love each other.



Umuwi rin ako after nang surprise wedding proposal ni Jimin kay Veronica. Bale kasabay ko si Hoseok pauwi. Hindi ko nga rin alam kung official na ba kami? Anong label namin? Nagtapat lang naman siya pero hindi ko naman alam kung kami ba o walang kami. Pero hayaan na natin ang label as long as mahal namin ang isa't isa okay na ako ron.




"Bukas ulit sunshine." Nakangiting bati ni Hoseok. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.



"Anong meron bukas?" Nagtatakang tanong ko kay Hoseok.



"Nah, Hindi ko pwedeng sabihin! Bukas na. Malalaman mo rin naman bukas." Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na tinatakot para aminin sa akin kung ano ang binabalak niya.




"Hindi mo ako matatakot sa paganyan mo Wendy. Lalo ka lang nagiging katakyut." Natatawang at pangaasar niya sa akin. Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. Hinalikan din niya ang noo ko.




"Bukas, 6 am! Magkita tayo sa playground. See ya tomorrow morning my sunshine! Love you~" sabay flying kiss pa at naglakad na palayo. Natawa na lang ako sa ginawa niya.




Pumasok na ako at maaga ding nakatulog. Maaga rin akong nagising dahil sa hindi ko malaman na dahilan ay nakaramdam ako ng pagkasabik dahil nagkikita kami ni Hoseok mamaya. Ako na rin ang naghain ng almusal namin ni Mom. Si mom na ang naghahandle sa company namin. Kaya naman maaga na rin umaalis si Mom. Nagulat si Mom nang madatnan niya akong naghahain ng almusal naming dalawa.




"Oh sweetie, ang aga mo atang nagising." Gulat na sambit ni Mom. Humalik ako sa pisngi ni mom at pinaupo na siya.




"Good morning mom." Nakangiting bati ko.



Nagtatakang tinignan ako ni Mom at nagstart na akong sumubo. Nakatingin pa rin si Mom sa akin at hindi pa rin ginagalaw ang pagkain na nakahain sa kanya.



"Mom kumain ka na. Bahala ka lalamig na ang pagkain tsaka baka malate ka rin."




"Oh, sorry. Kakaiba ka kasi ngayon. Parang may pupuntahan or imemeet ka." Malokong sambit ni Mom sa akin. I can't hide the smile.




"See! You're in love! I bet kilala ko na kung sino ang lalaking bumihag sa puso ng prinsesa namin." Nakataas ang isang kilay ni mom at nakangiti rin siya sa akin.




"I fell deeply in love with that walking sun." Nakangiting sambit ko habang sumubo ulit. Narinig ko naman ang paghagikgik ni Mom at tila kinikilig pa sa akin.





Matapos naming kumain ni Mom ay nagpaalam na akong mauuna nang umalis. Naglakad lang ako papuntang playground kung saan ang meeting place na sinabi niya  sa akin. Malapit lang naman ang playground dito katabi lang ng clubhouse. Habang naglalakad ako ay nakita ko ang mga sign na nakakabit sa mga bushes. Dahil sa sobrang curious ako ay binasa ko ang nakasulat.




Sign #1 : I bet you are reading this right now. I just want to say 'Good morning my sunshine'.




Hindi ko na talagang napigilan na ngumiti lalo sa simpleng salita lang na nilagay niya roon. Naglakad pa ulit ako at naglakad papunta sa susunod na sign.




Sign #2 : I prepared our breakfast today sunshine. May cookies and of course your milk.




Nakita kong may mini table doon at may cookies at milk nga. Lumapit ako at kumain ng dalawang cookies at inubos ang gatas. Dinala ko na lang yung isang box ng cookies at naglakad na papunta sa isa pang sign.




Sign #3 : Don't you know that you are beautiful? Smile for me please...




Namula naman ako at nakita ko naman ang isang polaroid camera. May mini note din doon na I need to take a picture of myself while smiling sweetly on the camera. I did it and move on to the next sign.





Sign #4 : I also prepared a bouquet of sunflowers because you are my happiness and you give me hope to do all the things you know that I can.




I picked up the bouquet of sunflowers na nasa isang mini table. Inamoy ko Ito at ang bango talaga ng sunflowers. Hindi ko alam na alam din niya ang favorite flower ko. Naglakad na ako papunta sa isa pang sign.





Sign #5 : This will be the last sign Sunshine. I hope you liked those things I did for you. Thank you and always remember that I love you.





Inilibot ko ang paningin ko at nandito na pala ako sa playground. Hinahanap ko si Hoseok sa bawat sulok ng playground pero wala siya. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako o malulungkot dahil Wala pala siya ngayon dito. Umupo ako sa isang swing habang hawak hawak pa rin ang mga bagay na binigay niya. Kinain ko na lang yung cookies na dala dala ko. Pero hindi ko aakalain ang makikita ko sa tapat ng malaking puno ng Narra.







To be continued...

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon