Chapter 20

20 2 0
                                    

Mikey's POV



Nagising na si Wendy at kaagad naman siyang chineck ng doktor. Pinatawag narin ni Tita Win yung family doctor nila. Si Doctora Ramirez kasi ang humahandle sa kondisyon ni Wendy at ni Tito Julio umpisa palang. Kaya gusto ni Tita Win na siya na lang ang maghandle sa case ni Wendy ngayon. Pumayag din naman Yung doktor na nagcheck kay Wendy nung nakaraang araw.

Dalawang araw na rin ang nakakalipas at dalawang araw na ring nandito si Hoseok. Kapag natatapos siya sa schedule nila ay bumibisita siya rito kay Wendy para malaman kung anong lagay nito. Alam ko naman na hectic ang schedule nilang mga idol kasi syempre marami silang ginagawa araw araw at hindi ko alam kung saan nakukuha ni Hoseok na isiksik sa schedule niya ang pagdalaw kay Wendy.

Well, masaya naman ako na may katulad ni Hoseok sa tabi ng best friend ko ngayon. Panatag ako na lalaban si Wendy para sa kalagayan niya. Dati kasi feel ko na tanggap na niyang mawawala din siya katulad ng sa daddy niya pero ngayon na nakilala niya si Hoseok at nakita niya yung epekto ng pagkawala ni Tito Julio ay mas ginusto na niyang mabuhay pa.


"Wendy anong nararamdaman mo?" Tanong ko kay Wendy na ngayon ay mahina pa rin at nahihirapan pa rin huminga.


"O-okay n-naman a-ako... Mikey..." Nanghihinang sambit ni Wendy. Naaawa ako sa best friend ko. Gusto kong ako na lang ang pumalit sa kanya.


"Basta palakas ka Wendy ah! May mga gagawin pa tayong paper works! Papasok pa tayo sa company tapos sasabunutan pa natin yung Minha na iyon. Tsaka makakahanap din kami ng donor para maopera ka na. Para maging okay ka na. Tsaka miss na miss ka na nung kambal at syempre pati na rin nung special someone sa puso mo..." Pangaasar ko kay Wendy. Gusto ko lang naman gumaan ang pakiramdam niya.


Nakita kong ngumiti si Wendy at least kahit papaano gumaan naman ang pakiramdam niya. Hindi siya pwedeng nakaramdam ng stress, masidhing emosyon at mapagod. Kaya nga minsan ngiti at poker face lang ang ekspresyon ng mukha ni Wendy.

Bawal ang sobrang saya, lungkot, pagkagulat at galit sa kanya. Hindi kakayanin ng puso niya ang ganoon. Nagpost na rin sa social media platform ang bangtan para makatulong sa paghahanap ng donor. Kailangan na kailangan na talaga ni Wendy na maoperahan. Pansamantala lang ang pacemaker sa puso niya.



"Sige Wendy mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Magpahinga ka muna. Pagaling ka ah! Love you." Paalam ko kay Wendy. Nakita ko naman na tumango siya at umalis na ako sa loob.


Pasado alas kwatro na ng hapon. Kapag may pasok sa trabaho tuwing hapon ako nabisita kay Wendy tapos kapag Saturday naman umaga hanggang tanghali kasi may part time job pa ako. Tapos kapag Sunday umaga at hapon ako nabisita. Si Tita Win halos araw araw at magdamag naman siya dito sa hospital. Ayaw niyang iwan si Wendy.


Nalaman na rin naman ni Mr. Chan ang nangyari at kahit kapatid pa niya ang gumawa ay pinarusahan niya Ito. Balita ko pinakulong niya si Minha kaya naman laman ng balita at usap usap sa mga newspaper, radyo, magazines, social media at television ang nangyari kay Minha at sa gulong ginawa niya.



For sure, sirang sira na ang career niya. Well, she deserved it. Buti nga sa kanya iyon. Siguro may sira na rin sa utak ang babae na iyon. Dapat sa mental siya kinulong.



"Mikey, kamusta si Wendy?" Nagulat naman ako sa nagsalita. Napatalon pa ako sa gulat.



"Ay, kabayong bundat!" Sigaw ko. Nakita ko yung leader ng bangtan. Siya pala yung nagtanong sa akin. Nakakagulat naman kasi siya.



"Do I look like a fat horse for you?" Tanong niya ulit sa akin. Sinamaan ko naman siya nang tingin.



"Hindi ko naman masasabi iyon kung hindi ka nanggugulat. Pwede mo naman akong kalabitin hindi yung basta basta ka dyan na nagsasalita. Tsaka hindi ka naman mukhang kabayong bundat." Pagpapaliwanag ko sa side ko. Nakita ko naman na ngumiti siya at kitang kita ko ang malalim niyang dimples.



Shet ang gwapo! Feeling ko nagtwitwinkle ang mata ko ngayon. Tapos hitsurang heart ang mga mata ko. Tapos yung laway ko tumutulo na. AHHHH! TUMIGIL KA SA IMAGINATION MO MIKEY! huwag kang maging asong ulol sa harap niya mahirap na baka maturn off.



"Oh okay. So from what I'm asking a while ago, how is she? Is she okay?" Pagbabalik ni Mr. Dimples ang tanong sa akin. Kumurap kurap muna ako bago nakapagbigay ng sagot.



"Ah! O-oo okay lang naman si Wendy. Kagagaling ko lang doon. Tsaka nagpapahinga na siya ngayon." Sagot ko sa tanong niya. Nakita ko naman na tumango siya. Aalis na sana siya kaso pinigilan ko siya.


"T-teka bakit ka nga pala nandito?" Gusto kong batukan ang sarili ko para sa sobrang stupid na tanong. Ano ka ba naman Mikey! Alam na alam mo naman kung ano ang sagot. Aish! Common sense!




"I'm just checking Wendy because Hoseok can't come here today." Sagot ni Namjoon sa akin. Napatango na lang ako bilang sagot. Mabait naman pala siya at hindi niya man lang ako pinahiya.



"Ahh sige. Bye! Ingat ka." Paalam ko sa kanya. Hindi na ako lumingon pa ulit dahil ramdam kong sobrang pula ng pisngi ko.




"Yeah, ikaw rin. Ingat." Rinig kong tugon niya.




Omygasssh! Bakit ka ba ganyan mister dimples! Mabilis ang lakad ko palabas sa hospital. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Nang makalabas ako sa hospital ay pumara na ako ng taxi. Aish! Mikey kalma lang okay?






Okay kalma na dapat ako.






___________________

Someone's POV






Pumasok ako sa loob ng opisina ni Doktora Ramirez yung family doctor ni Wendy Park. Gusto ko siyang kausapin para sa donor na hinahanap nila. Tyempo naman na nandoon si Doktora at nagulat siya ng makita niya ako.




"Doctora Ramirez." Tawag ko sa pangalan niya.





"Ako nga iyon, anong maitutulong ko?" Tanong niya sa akin. Umupo ako sa upuan sa tabi ng table niya.






"Andito po ako para sabihin sa inyo na willing po akong maging donor ni Wendy Park." Sagot ko sa doktorang nandito ngayon. Nagulat siya sa sinabi ko.





"Pero hindi basta basta namin inooperahan ang gustong maging heart donor. Kailangan mo munang dumaan sa mga test para malaman namin kung pwede kang maging donor. Okay ba sa iyo yon?" Tanong nito sa akin. Tumango ako bilang sagot. Hindi ako nag-alinlangan na sumagot sa kanya dahil sure ako sa ginagawa kong desisyon.





"Payag po ako Doktora. I'm willing to help. Gusto kong makabawi sa mga ginawa ko sa kanya. Alam kong  naging sobrang sama ko at dahil sa akin nalagay sa ganyang sitwasyon ang buhay ni Wendy." Sagot ko kay dokrota. Tumango naman si Doktora Ramirez sa sinabi ko.





"Sige bukas we will start the test." Nakangiting sambit nito. Pero bago pa man ako lumabas sa opisina ni Doktora Ramirez.






"Pwede po bang huwag niyong sabihin kung sino ang magiging donor ni Wendy. Gusto kong walang makaalam na ako ang magbibigay." Sambit ko sa kanya. Tumango na lamang si Doktora Ramirez sa akin. Ngumiti naman ako saka nagsuot ng cap at mask palabas sa opisina ni Doktora Ramirez.






I'm sorry Wendy sa lahat ng ginawa ko sa iyo. Alam ko naman na dahil sa akin kaya ka nandyan ngayon. Ito lang naiisip kong paraan para kahit papaano ay masuklian at mapalitan ko ang ginawa kong kasalanan sa iyo.








Sana mapatawad mo ako...






_____________________________

Author : Sino kaya yung donor ni Wendy? May hinala ba kayo? Tsaka si Namjoon na kaya ang the one na hinahanap ni Mikey? Abangan! Enjoy reading!





Vote and comment!

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon