Chapter 12

20 3 0
                                    

Hoseok's POV


Nagkita kami ni Wendy sa isang Flower shop last week. Pero nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang lumabas at sumakay kaagad sa taxi. Nagulat ako sa nangyari at kaagad ko naman siyang tinawag pero hindi man lang niya ako nilingon.

Baka natakot siya sa akin kasi naka disguise ako. Baka akala niya kung sinong estranghero ang tumawag sa kanya. Siguro nga.. napangalumbaba lang ako habang nakatingin kila Taehyung at Jimin na pinipicturan. Mamaya pa kasi ako sasalang para sa photoshoot.

"Anyare sa iyo kabayo?" Nagulat naman ako kaya naman ay halos mapasigaw ako.

"AHHHHHHH! " with matching kunwari aatakihin sa puso. Sinapok naman ako ni Jin hyung ng hawak niyang pamaypay.


"Ang sakit sa ear drums ang sigaw mo! Balak mo ba akong gawing bingi?!" Sigaw sa akin ni Jin hyung.

"E, kasi naman bigla ka na lang dyan nagsasalita sa tabi ko hyung." Paliwanag ko pero inirapan lang ako ni Jin hyung. As always... the bakla side of hyung again.

"Lutang ka na naman. Ano ba kasing problema mo na naman Hoseok? " Tanong ulit ni Jin hyung sa akin.

"E, kasi si Wendy.... natakot ko ata." Hinampas na naman ako ni Hyung ng pamaypay niya.

"ANO?! TINAKOT MO?! Sira ka na ba?! O talagang matagal na. Gaga ka kabayo alam mo naman yung kalagayan ni Wendy tinakot mo pa! Omygad.. nakakastress!" Sigaw ni Jin hyung sa akin. Napatingin sila sa aming dalawa at sabay peace sign na lang.

"Ang sabi ko hyung natakot ko ATA! Hindi ko naman sinab---" hinampas na naman ako ni Jin hyung.


"Aba't hindi ka pa sigurado ha! Paano kung inatake yon?! Nako... tsk tsk.." Sigaw na naman ni Jin hyung. Hinila ko na lang paalis doon si Jin hyung dahil nakakaistorbo ang sigaw niya.


"Hindi naman siya inatake hyung.. Aish basta!" Sigaw ko rin sa kanya. Gantihan lang ito. Anong akala niya porket siya mas matanda sa amin ay papayag na akong sigawan niya ako. Luh, no way!

"Sinisigawan mo ba ako Hoseok?" Nanliliit na ang mata ni Hyung at nakaamba na ang pamaypay niya.


"Hehehe... hindi hyung." Wala nakakatakot pa rin talaga si hyung. Hindi ko pala talaga kayang gantihan siya.


Iniwan na ako ni Jin hyung at pumasok na ulit. Phew! Sakit ng ulo ko sa paghampas ni Hyung.  Grabe brutal talaga ang baklang iyon. Hayss. .. back to emote nga ulit. Sana naman wala ng istorbo.





_________________

Wendy's POV



Isang linggo ko na rin iniiwasan si Hoseok. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya gustong iwasan. Siguro kasi hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko at hindi ko pa talaga naiintindihan. Kailangan ko talagang pansamantalang iwasan siya para sa ikabubuti ng puso ko at ng sarili ko.

Tsaka hindi ko rin naman alam kung may gusto rin ba siya sa akin katulad ng nararamdaman ko para sa kanya. Baka hindi ko kayanin ang maaaring isagot niya. Tsaka mahina ang puso ko ... hindi pa ako handang magtake ng risk. Mahina pa si Wendy... hindi ko pa kayang saluhin ang sakit at lungkot.



Sana mawala na lang itong nararamdaman ko para sa kanya. Kasi alam ko sa sarili ko na ang pagibig na ito ang papatay sa akin. Kasi kapag magmamahal ka ng isang tao lahat ng emosyon mararamdaman mo. Saya, lungkot, sakit, at marami pang iba. At hindi iyon kaya ng puso ko... hindi niya kakayanin lahat ng iyon. Kaya mas mabuti ng mawala ang nararamdaman ko para sa kanya.



For sure, mawawala din ito soon. Makakalimutan ka rin ng puso ko. Babalik ulit sa dati ang lahat. Tama... ganyan nga Wendy.




"Wends, kanina pa ako kinukulit ni Hoseok. Gusto ka niyang makausap pero sabi mo nga ayaw mo munang maistorbo. Pero alam mo Wends, nakakaawa narin kasi yung tao. Nagaway ba  kayo?" Tanong sa akin ni Mikey na kakausap lang kay Hoseok.  Inutusan ko kasi si Mikey na sabihin kay Hoseok na huwag muna akong istorbohin.




"Hindi kami nag-away." Sagot ko kay Mikey. Umupo sa katabi kong upuan si Mikey at saka tinitigan ako ng mabuti.



"Talaga? E bakit ayaw mo siyang kausapin? Break time naman natin. Tsaka hindi ka naman busy kasi binawasan na ni boss yung workload mo dahil nalaman niya ang sitwasyon mo." Panguusisa pa ni Mikey sa akin. Oo hindi ako Busy.  Break time naman namin pero sinabi ko na Busy pa rin ako kahit na hindi naman talaga totoo. Ito lang kasi yung way para iwasan si Hoseok. 




"Basta Mikey..." Hindi ko alam kung ano at paano ko ipapaliwanag ang lahat kay Mikey.  Alam ko kasing magtatanong nang magtatanong si Mikey sa akin.



"I smell something fishy.. may hindi ka sinasabi sa akin Wendy." Nakataas na ang isang kilay niya it means na interesado na siya. Iniwasan ko na lang ang tingin niya sa akin.




"Uy! Share mo naman Wends. Ano ba kasi iyon? Ano bang secret mo?" Panguusisa na tanong ni Mikey sa akin.




"Wala akong tinatagong sikreto Mikey." Depensa ko. Ayokong malaman ng iba ang nararamdaman ko para kay Hoseok. Lalo na at hindi pa naman ako sigurado.




Baka infatuation lang ito at hindi naman malalim. Gusto ko munang ako lang ang may alam. Ayoko rin kasing mastress. Nakakastress kasi ang ganyang topic. Masama pa naman sa puso ko iyon.




"Sige na nga kung ayaw mong sabihin okay lang sa akin iyon. Alam ko naman na sasabihin mo rin sa akin kapag handa ka na." Nakangiting sambit ni Mikey sa akin.
Nakahinga ako ng maayos sa narinig ko. Mabuti talagang kaibigan si Mikey. Siya lang ang best friend ko. Siya lang ang nag iisa kong kaibigan sa buong buhay ko.




Homeschooled lang ako simula ng bata pa ako kaya never kong na try makipagkaibigan sa ibang tao na kasing edad ko. Tapos noong nag kolehiyo ako ay doon ko lang na try pumasok sa isang unibersidad. Naging maayos naman pero mailap talaga ako makipagkaibigan. Kahit na maraming kumakausap sa akin ay naglalagay kaagad ako ng malaking distansya.





I'm always the loner and introvert type of person up until now. Pero nagbago lang noong makilala ko si Mikey. Iba siya sa lahat ng gustong makipagkaibigan sa akin. Noong first time Ko dito ay siya ang unang nagapproach sa akin. Kahit na lagi ko siyang iniiwasan ay matiyaga siya sa akin. Hindi ko namalayan na nakapasok na siya sa mundo ko. Ganoon  rin si Hoseok... pero iba si Hoseok... iba siya.







_________________________________

Author : Good Sunday! Hindi ko pa alam kung kailan ako ulit maguupdate pero sana sipagin na ako. Lately kasi parang nawawalan na ako ng gana magsulat ng kahit anong Stories ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero hopefully bumabalik na ulit ang sigla ko. Siguro medyo naging matumal at matagal lang pero nakakapagupdate naman kahit isa. Pero Soon at i hope bumalik na rin sa dati. By the way, salamat pala sa mga nagbabasa, nagvovote, at naglalagay sa reading list nila ng stories ko. Salamat po talaga ng marami at pasensya na po talaga sa mabagal na Update. Sana maintindihan niyo po ako... iyon lang. Take care and stay safe as always. ❤❤

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon