Chapter 7

31 5 0
                                    

Wendy's POV

Gulat na gulat pa rin ang hitsura ni Hoseok sa nangyari. Kaagad namang tumayo silang dalawa sa pagkakadapa  at pagkakahiga sa semento. Maraming nakakakita ng nangyari sa kanila. Nang makatayo na silang dalawa ay agad naman na niyakap nung babae si Hoseok. 

"WAAAAH HOBI KO~!" Sigaw nito at mas siniksik ang sarili niya kay Hoseok.

"A-ano... Miss, teka--" Hindi na natapos ni Hoseok ang sasabihin niya ng biglang tanggalin nung babae ang cap at shades ni Hoseok.

"KYAAH! HOBI KO! IKAW NGA! ANG SWERTE KO!" Nagsisitili na yung babae kaya naman marami ng taong nakakita kay Hoseok.  Marami ding babaeng nagsimula nang dumagsa sa kanya.

Bigla na lang tumakbo si Hoseok sa direksyon ko at hinablot ang kamay ko. Hindi ko namamalayan na tumatakbo na pala kaming dalawa at marami pa ring fangirls niya ang humahabol sa amin.

"KYAAAAH! HOBI OPPA WAIT LANG!"

"HUHUHU HUBBY KO SINO IYANG TINATAKBO MO?!"

"JUNG HOSEOK! BREAK NA TAYO!"

"SANA ALL TINATAKBO NI HOPE! HUHUHU SANA ALLL!!!"

Hindi ko na Alam kung saan kami papuntang dalawa. At napapagod na ako. Feeling ko hindi ko na kakayanin.. baka bigla na lang akong mawalan ng malay. Hindi na ako makahinga...

"H-hoseok.... hindi na ako maka---hinga..." mahina kong tawag sa kanya. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya at pinisil pisil pa ito.

"Omygad! Teka lang Wendy!" Napatigil siya sa paghila sa akin at malapit na yung mga humahabol sa amin.

Hindi ko na talaga kaya... sorry Hoseok. Ang bilis ng tibok ng puso ko at unti unting kumakapos ang hininga ko. At bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko. At napakapit ng mahigpit kay Hoseok.

Then everything went black.


● ● ● ●

Hoseok's POV

Tumigil muna kami sa pagtakbo ni Wendy dahil sa mga sinabi niya kanina. Shemay! Anong gagawin ko ngayon?! Dapat hindi ko siya pinatakbo! Nako naman Hoseok! Nakita kong papalit na yung mga saeseng sa amin. Nakita ko naman na namumutla na si Wendy at nakahawak na siya sa dibdib niya.

Natataranta na ako. At bigla na lang siyang nahimatay. Shemay! Dali dali ko siyang binuhat at tumakbo paalis sa Amusement park at dinala siya sa malapit na hospital. 

"Doc! Nurse! Emergency!" Sigaw ko habang buhat buhat pa rin si Wendy. 

May lumapit sa amin na Nurse at nilagay siya kaagad sa stretcher at pinasok na sa emergency room. Napahilamos naman ako ng mukha.

"Hyung..." tawag ko kay Namjoon Hyung.

[Oh, Hoseok bakit ka napatawag?] Tanong sa akin.

"Hyung... Nandito kami ngayon ni Wendy sa hospital." Malungkot kong sambit Kay hyung.

[Bakit kayo nandyan sa hospital? May nangyari ba? ] Gulat na tanong ni Hyung.

"N-nawalan si Wendy ng malay.. kaya sinugod ko kaagad siya rito sa Romero's Hospital." Sagot ko kay Hyung.

[Just stay there okay. Pupunta na kami diyan. ] paalam ni Hyung.

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon